Chapter 26: His side

3.3K 27 9
                                    

Chapter 26: His side

Photo of the day: Apartment ni Louise. :D

“Sir Kyle, gising na po…” Narinig ko sa malayo yung boses ng katulong namin. Minulat ko yung mata ko. Buwisit, ang sakit na ng katawan ko, dumagdag pa ‘tong ulo ko.

“Umalis ka na.” Sinabi ko sa katulong at agad siyang umalis ng kwarto ko. Tumayo ako at nag-unat, narinig kong tumunog yung buto ko. Argh, kainis na umaga naman ‘to.

Dahil sa walang tigil na practice sa basketball, sumasakit na katawan ko. Hindi na ako sanay mag-laro eh. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 4:30 am na. May morning practice nga pala kami ngayon. Damn, ayokong mag-practice, gusto ko pa matulog eh.

Pero no choice, kelangan umattend kundi, todo sermon nanaman ang gagawin ni coach sa’kin. Nag-lakad akong papunta sa CR para maligo at mag-ready papunta sa school.

Pagkatapos ko maligo, chineck ko yung phone ni Louise. Hindi pa nga pala kami nagpapalit ng phone. Nag-away nanaman kaming dalawa. Sino ba naman hindi maiinis sa ginawa niya kahapon.

“Sinabi niya sa’kin na kapag naging single ako, dun ko lang malalaman kung sino yung girl na gusto niya. Weird noh.”

Tanga lang ang hindi makakaintindi ng sinabi ni Paolo.

Buwisit, kapag naalala ko yun, lalong umiinit ulo ko. Wag na wag lang talagang liligawan ni Paolo si Louise, kundi, nako, hindi ko alam magagawa ko sa kanila.

Binato ko yung towel ko sa kama ko sa sobrang inis. Binuksan ko yung kabinet ko para kumuha ng uniform. Padabog kong sinara yung pinto ng kabinet ko at mabilis akong nag-suot ng uniform ko. Pagkatapos, kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ako sa kwarto.

Pag-dating ko sa dining room, nag-taka ako dahil wala si kuya Nate. Usually, naandito siya ng ganitong araw at nainom ng kape sa lamesa. Umupo ako sa lagi kong inuupuan tapos lumapit yung katulong namin para mag-hain ng umagahan ko.

“Nasaan si kuya Nate?” Tanong ko kay Melda, yung katulong.

“Ahh, hindi po nakapunta si sir Nathan kasi may emergency meeting daw po sila ng company.” Sagot niya sa’kin.

Tumango lang ako at napatitig sa bakanteng upuan ng lamesa.

Ang tahimik.

--

Naglalakad na ako papunta sa school at nakita kong magkasama si Alice at Renz papasok ng gate, magka-holding-hands silang dalawa at halatang nag-tatawanan sila. Sa ingay ba naman ng bunganga ni Alicia.

Ang aga ‘ata nila. Tumingin ako sa wrist watch ko at napansin kong 5 am na at nagsisimula na ang practice ng varsity. Papasok na sana ako ng gate nang biglang may kumulbit sa likod ko.

Paglingon ko, bumungad sa’kin mukha ni Paolo.

Nice. Ganda ng umaga ko ha.

“Yo.” Bati niya sa’kin. Tumango lang ako tapos tumuloy ako sa paglalakad at sumabay siya.

“Aga mo ‘ata ngayon.”

“Mhm, may practice eh.”

“Oo nga, nakakatamad noh?”

“Mhm.”

Wala ako sa mood makipag-usap sa taong ‘to.

Pagkatapos namin mag-palit ng pam-practice, tumuloy na kami sa gym para simulan ang practice. Nakakatamad nga, ngayon pang masakit ang ulo ko at wala ako sa mood.

After ng isang oras, pumito yung coach namin. Sa wakas, tapos na ang practice, pero may klase naman. Paalis na sana ako ng gym pero tinawag ako ni coach.

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon