Chapter 5 and 6

4K 38 4
                                    

A/N: Hey! Elle here! So yeah, I just found out another picture of an ulzzang but unfortunately, di ko lam name niya. If you know, please do tell me. So katulad ng nakikita niyo, ganiyan yung itsura ni Loise without her glasses and stupid bangs. :) Hehe! Thanks!

Chapter 5: Her side

“Mhmm…” Teka, bakit para ‘atang ang lamig. Binuksan ko yung mata ko tapos tumingin ako sa paligid ko. Luminaw na yung paningin ko and na-realize ko na nasa bahay na pala ako. Naalala ko bigla na nanakawan nga pala ako kagabi. Buti na lang at natawagan ko kaagad si Kyle kundi, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

Suddenly, I heard someone groaned beside me. I turned my face dun sa corner kung saan ko narinig yung groan. Gawd! Nakita ko si Kyle na natutulog sa tabi ko habang naka-patong yung ulo niya sa balikat ko. Napangiti ako ng konti. Kahit na rude, mataray, pilosopo ang lalakeng ‘to, tinulungan niya pa rin ako. Kahit na ninakawan ako kagabi, pakiramdam ko, ang gaan ng loob ko. Siguro dahil sa katabi ko si Kyle nung mga panahon na yon.

Inalok niya ako mag-stay sa bahay nila pero nahiya na ako. Masyado na akong naging pabigat sa kaniya kaya nag-pasya ako na sa main house na lang muna ako tumuloy. Nalaman ni Kyle na wala ang parents ko at puro katulong na lang ang nakatira sa bahay namin kaya sinamahan niya ako pauwi.

Nag-hanap ako ng watch para makita kung anong oras na. “Hmm…” Buti na lang at malapit ang orasan sa’kin para mabasa ko ng maayos. “…11:00 ah…” Biglang nan-laki ang mata ko. “11:00 na?!!!” Niyugyog ko si Kyle para magising. “Kyle! Kyle! Gising na, late na tayo sa klase natin!!”

Nagising si Kyle tapos nag-kamot siya ng mata. Tumingin siya sa’kin ng masama tapos bigla siyang nag-smirk. Wait, bakit siya biglang nag-smirk?!

“Kyle…anong problema…?!” Aaaagh! Bigla niya akong tinulak sa sofa. Nakita ko na lang nasa taas ko na siya at hinahawakan niya pababa ang pareho kong braso. Wait, wait, ano bang nangyayari, ha?! Hindi kaya…?!! Aaaaah!

“Inaantok pa ako…” Huh?! Inaantok pa siya?! Hindi puede, kelangan na namin pumasok sa school!

“Teka! Hindi ka na puede matulog! Late na tayo sa school!” Pinilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko. Ano bang nangyayari sa kaniya!! Waaah, ang init na ng mukha ko!

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto tapos nakita kong pumasok yung katulong. Nung nakita niya kaming dalawa na nasa sofa, bigla siyang tumakbo paalis habang nag-so-sorry. Teka, hindi ‘to katulad ng iniisip mo ate!

Nakita rin ata ni Kyle na pumasok yung katulong pero hindi pa rin siya naalis sa taas ko. Ano bang problema ng lalakeng ‘to?! Nakakainis naman siya! Late na nga kami, kung anu-ano pang ginagawa niya! Pinilit ko pa rin tanggaling yung kamay niya sa braso ko. Aaargh, gaano ba kalakas ang taong ‘to?!!

“Mhmm…” Bigla siyang natumba sa katawan ko. Huh? Ano ba talagang nangyayari, ang weird naman ng taong ‘to! Biglang magigising ng ganun tapos biglang matutulog sa’kin! Sinubukan kong ibangon siya pero wala talaga. Tumingin ulit ako sa orasan tapos nakita ko na 11:15 na. Hay, no time to get ready na, might as well mag-stay na lang dito at wag nang pumasok.

After 1 hour, nagising na ulit si Kyle. Argh, nangawit ang katawan ko dahil sa kaniya, buwisit talaga siya. Pag-bangon niya, nag-kamot ulit siya ng mata sabay hikab. Wow, infairness, ang cute niya pag bagong gising! No, there’s no time for thinking that he’s cute! Siya ang may rason kung bakit ka hindi nakapasok sa school!

“Anong oras na?” Tumingin siya sa’kin. Tumingin ako sa orasan tapos sinabi ko na 12: 10 na. Nag-sigh siya.

“Mukhang hindi na tayo makakapasok ah.” Sabi niya habang tumatayo at inaayos ang damit niya. Napa-oo ako at tumayo na rin ako.

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon