Chapter 9 ✔

13.7K 279 47
                                    


**

Ikaw ba yun Kevin?

Tumingin sya sakin.

"K-kevin..." Sabi ko. 

"Hmm?"

"K-kelan pa naging tayo?" Tanong ko.

"Hmm, Kelan ba? since 1st yr College." Sagot nya sakin.

"Ganun katagal?" Tanong ko.

Tumango naman sya.

"Nag-break ba tayo o--"

"Ano ba ang nasa isip mo?" Tanong nya sakin.

"M-may nakaraan ba kayo ni Kath?" Tanong ko, nanlaki yung mata nya sa tanong ko, parang hindi sya makapaniwala sa tinanong ko. 

Tinignan nya ko sa mga mata ko.Hinawakan nya ko sa magkabilang pisngi at ngumiti.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nabagok ba yang ulo mo?" Tanong nya tapos tinulak yung noo ko.

Nakapag-pout ako ng di oras.

"You're my girl, Wag kang magisip ng mga kabuluhan at mga imposibleng mangyari." Pagsabi nya nun, hinatak nya ko palapit sakanya at niyakap.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko? 0.o?

Napangiti ako ng palihim, Yung muka ko kasi nakatago sa dibdib nya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, Safe na safe ako sa mga yakap nya.

Pinakinggan ko yung puso nya.

"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo Kevin?" Tanong ko tapos iniangat ko yung muka ko.

>////<!

Ang lapit ng muka nya sakin. Nakayuko kasi sya sakin, kaya muntik na nya kong mahalikan! >///<!

"Ahaha! Bakit namumula yang muka mo?" tanong nya.

"W-wala." Sabi ko tapos kumalas na ko sa pagkakayakap sakanya, sya naman ngumiti ng nakakaloko. 

"Kyou." Tawag nya sa pangalan ko.

"KE-KEVIN! Tara na u-uwi na t-tayo!" Sigaw ko tapos tumakbo na ko papunta sa kotse nya.

"You're stammering!" Sigaw nya sakin, hanggang sa narinig ko na lang na tumawa sya ng malakas.

"YAMETE!" (Stop it.)





Pinigil nya yung tawa nya at lumapit na sakin, pero nagulat ako ng kinorner nya ko sa kotse.

Nakatayo kasi ako sa tabi ng kotse nya, tapos lumapit sya at inilagay nya yung dalawang kamay nya sa mga gilid ko, ibinaba nya yung muka nya sa tapat ng muka ko.

"K-kevin?" Sabi ko.

Inilapit nya pa lalo yung muka nya sakin, parang automatic naman na pumikit yung mga mata ko.

Naramdaman ko na lang na dumampi yung labi nya sa noo ko, kaya minulat ko ulit yung mga mata ko, Nakita ko sya na nakatitig sakin.

"Can you feel at ease now?" Tanong nya sakin, tumango naman ako sa tanong nya.

Pagtapos ng ginawa nyang yun, naramdaman ko na lang na nawala lahat ng hesitation na nararamdaman ko.

Ngumiti sya tapos hinawi nya yung ilang hibla ng buhok ko na nailagay sa muka ko,Pag tapos nyang gawin yun hinawakan nya yung kamay ko at sumandal din sya sa kotse.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon