Chapter 20 ✔

12.2K 242 42
                                    


"Kyou?" Tanong ko. Ngumiti yung Darwin daw.

"Oo nga, tama nga sila, wala kang naalala, Oo, Kyou ang tawag ko sayo. Halos ibitin mo nga kong patiwarik nun kapag naririnig mo na Kyou tawag ko, dahil gusto mo si Kevin lang." Kwento nya sakin.

Nakatitig lang ako sakanya, Hindi ko alam pero basta, yung aura nya, pamilyar sakin.

"Hey Hazelle, Ahaha! Matutunaw mo na si Darwin." Saway ni Kath sakin. Agad akong napatingin kay Kath.

"Sorry, oo nga pala, mauuna na ko. Bye Kath, Bye, Darwin right?" Tanong ko, ngumiti sya at tumango.

Naglakad na ko paalis ng yung puso ko biglang pumintig ng mabilis kasi hinawakan ako ni Darwin sa kamay, agad ko syang nilingon.

"Anything wrong?" Tanong ko, pinisil nya yung kamay ko tsaka umiling.

Umalis na ko at sumakay ulit sa kotse.

"Ingat ka, Kyou." Sabi nya tsaka nya binitawan yung kamay ko, tinignan ko sya ng matagal, napatingin ako kay Kath na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Darwin.

Hinawakan ko yung banda sa dibdib ko, Pakiramdam ko hindi kami ganun ka-close ni Darwin, pero yung aura nya.

Yung kilos nya, parang pamilyar sakin in some way.

Habang umaandar yung kotse, tinignan ko si Darwin.

Ngumiti sya sakin, at dahil sa ngiti na yun.

BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO NA PARANG WALA NG BUKAS.



BIGLANG TUMULO ANG MGA LUHA KO SA MATA KO NA HINDI KO ALAM KUNG BAKIT TUMUTULO.


**

"Ms. Sato, Ito po yung cite na sinasabi ng Father nyo." Sabi nung assistant ko na sumama sakin dito. Sya yung Architect ni Tanda.

Kinuha ko yung Blueprint at tinignan ang cite.

"Architect ka ba talaga? Sa tingin mo ba kasya dito yang model na balak mong gawin?" Tanong ko sa lalaking 'to.

"Sinukat ko na yan Ms. Sato, at nagkasya naman p--"

"Hindi pwede ang gusto mong gawin Mr. Mendez, masyado nyang mao-occupy yung space at kung titignan mo sya sa bandang side na 'to, ang panget ng mga materials na gagamitin mo, Oo nga't maraming budget, Pero hindi pwede ang mga materials na 'to dahil sobrang..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ko.

Tinignan ko ulit yung blueprint at tinignan yung cite, Tumingin sakin si Mr.Mendez.

"Architect ka ba Ms. Sato?" Tanong nya.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Paano ko nalaman? Paano ko nasukat? Paano ko nalaman ang mga materials?

Architect ba ang kinuha ko nung college ako?

Naka-graduate ba ko?

Bakit, wala akong nakitang picture ko na kasama sila Sebastian sa graduation nila?

Nakapag-martsa ba ko?

"I need to check the cite first, Tatawagan na lang kita kapag pwede na, Sorry." Sabi ko. Ngumiti lang si Mr. Mendez sakin tsaka sya umalis.

Naglakad ako sa loob. Tumingin ako sa paligid, nandito pa pala yung mga taong ayaw umalis dahil wala pang mapupuntahan.

"Siya! Siya yung anak nung gustong ipagiba ng bahay na'tin! Sya yun!" Sigaw nung isang babae na natatakot sakin, naglabasan lahat at nagsisigawan.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon