Chapter 5 ✔

15.9K 334 72
                                    


--

~Kevin's POV!~

 

Ilang araw kong tinatawagan si Kath, pero wala. Hindi niya sinasagot, hanggang sa dumating 'yung araw na patay na 'yung cellphone niya.

Hindi ko na siya mahanap, wala raw sya sa bahay nila. Tinatanong ko si Jill, 'yung bestfriend nya, pero hindi nya rin daw alam kung nasan si Kath.

"Kevin.." Tumingin ako kay Bea dahil tinawag niya ko. Nasa ospital ulit ako, kailangan kong bisitahin si Kyou.

"Do you hate me too?" Tanong ko. Halos lahat ng kaibigan ko naiinis sakin, hindi ko raw kasi kinonsider 'yung nararamdaman ni Kath. Alam kong mali, pero minsan kasi, kailangan mong gumawa ng mali para sa ikabubuti ng isang tao.

Nakita kong umiling siya, naglakad sya palapit sakin at niyakap ng mahigpit. "I'm your friend, why would I hate you?" Natatawa niyang tanong.

"Bea?" Kinalas ko 'yung yakap dahil narinig kong nanginginig 'yung boses niya.

 "You're Kevin Sanders, alam mo 'yung ginagawa mo. I believe in you. I trust you." Namuo 'yung mga luha sa mga mata niya nung sinabi niya 'yun.

"What's wrong?" Tanong ko. Umiling lang siya.. "Bea.." Umiling lang sya ng paulit-ulit hanggang sa napasandal siya sa pader dahil umiiyak sya ng malakas. Iyakin si Bea, alam ko na 'yun, pero iba 'yung iyak niya ngayon.. kinakabahan ako sa iyak niya.

 

--

Naglalakad ako papasok sa kwarto ni Kyou na parang tanga, hindi ko na alam..

"Kevin.." Nakita ko sila Ybel na nasa gilid ng kama niya, nagtatawanan sila pero natigil 'yun nung pumasok ako.

"Ay.. sorry, hindi ko alam na may bisita ka pala, babalik na lang ako mamaya—"

"No, it's okay Kevin, you can stay." Malamig na sambit ni Tiara sakin.

"What's with the coldness Tiara?" Natatawang tanong ni Kyou. "Tara dito Kevin, ayos lang."  Hindi na ko nagsalita ulit pero naglakad na ko palapit sa kama niya at umupo sa gilid nun.

Tinitigan ko si Kyou habang nakikipag-kwentuhan siya sa mga kaibigan niyang babae, yung tawa niya. Yung saya niya..natural na natural. Wala talaga syang maalala na iba.

Hindi niya maalala si Vincent, hindi niya maalala na kasal na siya at namatayan sya ng asawa, hindi niya maalala na hindi na ako'yung mahal niya.

Hindi ko alam na posible palang mangyari 'to. Hindi ko alam na pwede ka pala talagang makalimot ng specific na pangyayari. Hindi ko alam na kaya mong utusan 'yung sarili mo na makalimot. Totoo nga 'yung sinasabi nila, napaka-powerful ng pagiisip ng tao. Napaka-powerful dahil pwedeng mangyari 'to..

Minsan gusto ko rin na makalimot na lang, minsan gusto kong gumising na walang problema tapos hindi ko maalala lahat ng sakit. I want to start anew..

Naramdaman kong hinawakan ni Kyou 'yung kamay ko kaya napatingin ulit ako sakanya, nakatingin siya sakin nang nagaalala.

"Are you okay?" Tanong niya. Hinawakan ko rin ng mahigpit 'yung kamay niya bago ako sumagot.

"Yes. May iniisip lang, sorry." Nakita kong napatitig sakin si Ybel habang si Tiara naman nag-iwas ng tingin sakin.

Hindi, ayoko palang makalimot, kasi kapag nakalimutan ko 'yung mga masasakit na nangyayari sa buhay ko, makakalimutan ko si Kyou...at si Kath.

Ayoko, silang dalawa 'yung nagbibigay ng lakas sakin kapag mahina ako, kaya ayokong makalimutan sila. Call me selfish, but I don't care. Mahal ko silang dalawa, dadating ang panahon na magiging masaya din kaming lahat, magiging masaya narin si Kyou. Sasaya din ako..  sa piling ni Katherine.

 

**

"Tell me, why are you crying?" tanong ko kay Bea.

 

"Kevin, hindi ko maintindihan. Mahina na 'yung puso ni Hazelle." Sabi ni Bea, hinawakan niya ko sa magkabilang braso dahil muntik na syang matumba.

 

"What..are you talking about?"

 

"Hindi na kakayanin ni Hazelle kapag nasaktan nanaman siya ng todo. Kevin, hindi na. She can't handle it. Kapag naalala ni Hazelle lahat, kapag nalaman niya lahat... there's a possibility na mawawala sya satin. I don't want that to happen! Kevin!!!"

 

"Hindi ko maintindihan, Bea! Ano bang sinasabi mo!?"

 

"Kevin..." Huminga sya ng malalim dahil humahagulgol na siya, hindi ko talaga siya maintindihan. Wala... Ayokong intindihin 'yung sinasabi niya.

 

"When the time comes.. Kapag dumating 'yung panahon na maaalala na niya lahat.. She might die. Kung hindi nya kakayanin. Her heart won't handle it."

 

**

...pero hindi ko alam kung kaya ko pa bang maging masaya, kapag nawala si Kyou. Siguro nabuhay nga talaga ko para hindi maging masaya. Pagbabayaran ko habang buhay 'yung kasalanan ng mga magulang ko. 

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon