Chapter 38✔

10.8K 209 54
                                    

Nakita kong palabas si Jill ng bahay nila at halatang umiiyak, bumaba ako sa taxi, lumapit agad ako sa bestfriend ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko, tumingin sakin si Jill, mga mata nya yung nagsasalita, panay iling lang sya.

"Jill.." Lumapit lang sya tsaka sya yumakap sakin.

"Hindi ko na kaya." bulong nya, napakapit sya sakin tsaka humagulgol ng malakas, ngayon ko lang ulit nakita na ganito si Jill.

"Kakayanin natin." Sabi ko, kahit wala na kong alam sa mga nangyayari, nakita kong lumabas din si Raphael sa bahay, agad kong iniwas yung tingin ko sakanya.

"Hahanapin namin si Hazelle, sasama ka ba?" Tanong nya, agad na bumalik yung tingin ko sakanya.

"Hahanapin?! Bakit?! Anong nangyari--"

"Nawawala sya. Kath... Si Hazelle...." Nanlaki yung mga mata ko.

"Bakit sya nawawal--"

"Magpahinga ka na lang muna pala, kami na lang muna bahala sakanya." Humarap sya kay Jill. "Tatawagan ko mamaya si Kevin, ipapaalam ko na 'to." Sabi nya.

"Pero, nasa trabaho sila." Sagot ni Jill

"Kailangan nilang malaman 'to, hindi pwedeng ipagpaliban 'to." Sabi nya habang inaalalayan nya si Jill papunta dun sa kotse nya. Umikot si Raph sa may driver seat, pero bago sya pumasok may sinabi pa sya.

"Pagisipan mo yung sinabi ko sayo." Sabi nya sakin tsaka sya pumasok, pinanood ko silang umalis.

Ngumiti ako ng mapait.

"Hindi ko kailangan ng awa Raph, hindi mo kailangan makonsensya."


**

~Bea's POV!~



"Nawawala raw si Hazelle, tara muna sa bahay nila. Nung isang araw pa yun ah!" Agad na kinuha ni Charles yung susi ng kotse nya tsaka yung jacket ko.

"Ayokong sumama." Sabi ko, kumunot yung noo nya habang pinapatong nya yung jacket sa balikat ko.

"Don't worry Bea, magiging maayos sya, bakit ba kasi para kang nagi-guilty dyan." Sabi nya sakin, hinatak ko sya palapit sakin tsaka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Sorry, Charles, Sorry."

"Sorry for what?" Tanong nya.

"For everything." Sabi ko, naramdaman kong hinalikan nya yung noo ko. Inalis nya yung pagkakayakap ko sakanya, tsaka nya ko tinignan ng diretso.

"You don't need to, I love you. Pupunta tayo kela Hazelle at tutulong, Ok?" Sabi nya.

Tumango ako, kahit na natatakot ako, tumayo na rin ako, umakbay sya sakin tsaka kami sabay na naglakad palabas ng bahay, kinuha nya yung kotse tsaka ko sya pinanood.

Ngumiti ako.

I'm lucky to have you, pero alam ko na kapag nalaman mo na may kasalanan ako kung bakit nawawala ang isa sa mga mahalaga sayong kaibigan.

Magagalit ka sakin at lalayo ka sakin, handa akong harapin yun Charles, handa kong harapin na pati ikaw mawawala sakin. I'm sorry.

"Sakay na?" Tanong nya, ngumiti ako tsaka ako sumakay. Buong biyahe sa labas lang ako nakatingin.

Nakarating kami sa Mansion nila Hazelle, pagbaba ko, galit na mga mata nila ang agad na tumingin sakin.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon