Chapter 11✔

13.6K 257 21
                                    


~Kath's POV!~

Para kaming tinanggalan ng karapatan magsalita dahil sa narinig namin, Lalo na ako. Dahil sakin yun! Bakit ba kasi kailangan mangyari to!?

Nakita ko na bigla silang tumakbo papasok sa emergency room, samantalang ako, naiwan dito sa labas, na para bang wala na kong lakas pang pumasok.

"Kath.." Tawag sakin ni Ybel tsaka nya ko niyakap ng mahigpit, mahigpit na mahigpit na parang bang sinasabi nya na wala akong kasalanan.

"Ybel.."

"Walang may kasalanan, wala.. Please.. Be Strong Kath." Sabi nya sakin, tumango ako, noong naramdaman nya na tumango ako sinama nya ko sa loob, nakita ko si Hazelle na nakahiga at ang daming nakakabit sakanya. Merong nakakabit na Oxygen, Dextrose at marami pang iba, tinignan ko yung makina na nasa gilid ng kama nya.

Lumapit sila sakin at hinagod yung likod ko.

"Stop crying Kath, Hindi mo naman kasalanan na maalala nya kagad lahat eh." Sabi nila.

"Pero kasi..."

"Walang dapat sisihin Kath." Sabi nila. Kaya pinilit kong maging malakas para lumapit kay Hazelle.

"I'm sorry.." Bulong ko.

**

Ilang linggo na ang nakalipas at hindi parin nagigising si Hazelle.

"Ms.Kath, Nandito ka nanaman? Haha~ Napapadalas pagdalaw mo ah." Sabi nung Private Nurse ni Hazelle.

"Nagaalala kasi ako sakanya, Ayos na ba sya?" Tanong ko, pero agad na nawala yung ngiti sa mga labi nung Nurse at umiling, pero bumalik ang ngiti nya at hinawakan ako sa mga kamay ko.

"Don't worry, Magiging maayos din ang lahat, wag kayong susuko." Sabi nung Nurse.

"Salamat." Sabi ko.

"Sige na po Miss, Haha! Nakalimutan ko, magkakabit pa ko ng Dextrose sa kabilang room! Bye!~" Sabi nya tsaka sya tumakbo palabas.

Umupo ako sa tabi ng kama nya at hinawakan yung kamay nya.

"Haze.. Gumising ka na o. Sige na o." Sabi ko kay Hazelle. "Promise kapag nagising ka.. Hindi na ko manggugulo, Ibibigay ko na ng buo si Kevin, Please Hazelle." Pagmamakaawa ko sakanya.

Iniyuko ko yung muka ko sa kama dahil nagsimula nanamang tumulo yung mga luha ko.

"Please, Magising ka lang. Magiging masaya na ko para sayo, Please Hazelle." Sabi ko ulit, hanggang sa may naramdaman ako na humawak sa balikat ko, agad kong tinignan kung sino, ngumiti sya sakin at tumabi.

"Magigising din sya, Nakalimutan mo na ba? Malakas sya." Sabi ng bestfriend ko na si Jill.

Agad ko syang niyakap, All these years, ngayon na lang ulit kami nagkausap nga ganito, Miss na miss ko na ang bestfriend ko.

"Jill." Tawag ko sakanya tsaka ako umiyak ng malakas, Sa loob ng maraming taon, Minsan lang kami magkausap, Inililihis ko pa yung topic na tungkol samin ni Kevin noon, Pero ngayon.. 'di ko na kaya.

"Three weeks na syang nakahilata dyan, Ano ka ba Kath~ Wag mo naman ibuhos lahat ng oras mo para bisitahin sya." Saway nya sakin, pero tinawanan ko lang sya.

"Jill.. Kapag ba nagising sya? Magiging maayos na diba?" Tanong ko.

"No one knows."

"Magiging maayos na sya diba?" Tanong ko ulit.

"Ay naku! Oo naman no! Malakas kaya siya! Alam mo, kesa nagmumukmok ka dyan! Tara! Sumama ka sakin!" Sabi nya habang nakangiti at umalis na kami sa ospital.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon