Chapter 41✔

12K 268 40
                                    



-----

"HAZELLE!" Sigaw ni Sandra, nanginginig sya nung makita nya yung dugo sa kamay ko, agad nyang kinuha yung panyo nya at pinunasan yun.

"I'm.... fine." Sabi ko, umiling si Sandra.

"Gusto mo bang magpunta sa Ospital?" Tanong nya, ngumiti lang ako, ngiti na ayokong pumunta.

"May iba akong pupuntahan." Sabi ko.

"But Kyou---"

"Let me Darwin, may mga bagay ako na.. ginulo, kailangan kong ayusin lahat yun." Sabi ko.

Sumikip yung dibdib ko ng maalala ko si Kevin at Kath, nagflashback sakin lahat.

"My fiancee left me, mas pinili nya yung dati nyang pinapahalagahan."

"Kath.."

"That's why, walang marriage na magaganap, nice right?"


"Excuse me!" Sigaw ko, tinabig ko silang dalawa sa dadaanan ko tsaka ako tumakbo paalis, kahit na malakas yung ulan sinugod ko yun, malapit dito yung White House ni Johnny, at malamang nandun sila, aakalain nilang nandun ako.

Tumakbo ako, kahit lumulubog yung paa ko sa buhangin, wala akong pakelam, talagang binilisan ko pa yung pagtatakbo.

"Madame Hazelle!" Agad na sigaw nung katulong nang matanaw nila ko sa gate.

"May dumating ba dito!?" Tanong ko.

"Opo Madame, sila sir Kevin po." Sabi nya, pinapasok nya ko at agad na pinayungan. Hindi na ko pumasok, tumakbo ulit ako hanggang sa may ilaw na sumilaw sakin.

"KYOU!" May sumigaw, pagtingin ko si Kevin, tumatakbo sya palapit sakin at pinayungan, agad nyang pinatong sakin yung Jacket.

"You came back." Sabi ko.

"What the hell! Kung san-san ka nagpupunta!" Sigaw nya, ngumiti ako, yumakap lang ako sakanya, wala akong pakelam kung mabasa sya, basta masaya ko na nandito sya.

Nalaglag yung payong na dala nya dahil sa pagkakayakap ko, wala akong pakelam kung pareho kaming nababasa sa ulan.

Wala akong pakelam kung kasinungalingan lahat ng sinabi nya sakin, wala akong pakelam kung puro kasinungalingan yung mga ginawa nya para sakin, basta alam ko sa sarili ko na totoo lahat ng nararamdaman ko ngayon, wala akong pakelam kung si Katherine yung mahal nya at hindi ako, wala akong pakelam kung minahal nya lang ako dahil sa nagaalala sya sakin, atleast naramdaman kong mahal nya ko.

"Kyou." Wala akong pakelam.

Naramdaman kong tumulo yung luha ko kaya humigpit yung yakap ko sakanya.

Sya yung nandyan nung kailangan ko ng tulong, sya yung hindi sumuko sakin, ibinigay nya sakin lahat ng oras nya na dapat ay kay Katherine. Ibinigay nya lahat ng pagmamahal na dapat ay kay Katherine.

Ako ang inintindi imbis na yung totoong mahal nya.

"You didn't love me." Bulong ko.

"Kyou, what are you talki--"

"Stop lying to yourself Kevin, stop hurting yourself, I'm fine now." Sabi ko. Kahit masakit sakin, sinabi ko. "You can go now." sabi ko sakanya.

Hinalikan nya yung ulo ko at humigpit yung yakap sakin.

"I can't, you're the one that I lo--"

"No, I know you more than you know yourself Kevin, please.. Stop making it hard for the three of us, You love her, She loves you. Kevin, sa una palang, dapat di mo na ginawa 'to." Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at tumingin sakanya.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon