Chapter 4 ✔

17.1K 322 56
                                    

~Kevin's POV!~

"Hindi parin ba siya nagigising?" Tanong ni Saiyuki, lumingon ako sakanya, nakita kong binababa niya 'yung isang malaking bag. Mga gamit siguro ni Kyou 'yun.

"Hindi pa eh." Sagot ko. Tumayo ako para kunin 'yung dala nyang mga prutas, inilagay ko 'yun sa side table ni Kyou."Nasan si Jill?" Tanong ko.

"Susunod daw. Ayaw nya kasing isama si Jewel dito." Tumango ako. Naglakad sya papunta sa bintana nung natapos na niyang ayusin 'yung mga dala niya.

Simula nung nawala si Vincent, hindi na naayos 'yung relasyon ni Kyou at Saiyuki. Sinusubukang kausapin ni Saiyukin si Kyou pero ayaw ni Kyou, iniiwasan niya parin. Wala siyang pakielam kung masaktan niya si Yuki. Wala siyang pakielam..

"Bakit ko iintindihin 'yung nararamdaman niya Kevin? Bakit? Nung ako ba 'yung nanghingi ng konting pang-unawa sakanya, binigay niya? Diba hindi?"

"Kinausap ka ni Daddy?" Tanong ni Yuki.

"Oo." Tinitigan ko ulit si Kyou na natutulog. Kailan ka ba gigising?

"Anong sabi?"

"He asked a favor. Sabi niya.. magpanggap daw ako kung sakaling nakalimutan nga ni Kyou lahat." Humarap sakin si Yuki, kitang-kita kong nagagalit siya.

"Wag mong sabihing pumayag ka?!" Galit niyang sabi.

"I have to-"

"No! You don't have to do it! Paano si Katherine?!" Nung narinig ko 'yung pangalan ni Kath, kinagat ko agad 'yung labi ko. Marami akong tinatagong lihim,sa oras na lumabas lahat ng lihim... Si Kath at Kyou ang masasaktan ng todo.

"Paano si Kyou?" Tanong ko.

"Kath is your fiancée, Kevin! Hindi mo kailangang intindihin si Hazelle! She's out on your responsibilities!" Sigaw nya, lumapit sya at kinwelyuhan ako. "Naiintindihan kong importante si Hazelle sayo, pero hindi ko maintindihan kung bakit si Hazelle palagi ang priority mo."Pabalibag nya kong binitawan at dinuro-duro ako.

"Tell me. You still love my sister!" Sigaw niya. Nag-iwas ako ng tingin at tinitigan na lang 'yung muka ni Kyou na mahimbing na natutulog.

"Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mawawala 'yung pagmamahal na 'yun Yuki. Yes... I still love her." Narinig kong nagmura ng paulit-ulit si Yuki.

Pinanood ko siya habang nagmumura.. kapag dumating ang araw na lumabas lahat ng lihim.. Isa rin si Saiyuki sa mga nasasaktan.

"Hindi mo ba mahal si Katherine?" Mahinahong tanong niya.

"Mahal ko siya."

"Bakit mo sya palaging sinasaktan?" Tanong niya. Tumitig ako sakanya tsaka ko ibinalik sakanya 'yung tanong.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon