Chapter 16 ✔

12.3K 228 60
                                    


**

"WAAAA!! Charles!"

"Ahaha~ Ang ganda-ganda mo Bea!"

Ayun yung dalawa, nagtatakbuhan at nagsisigawan.

Kanina pa sila, kanina pa kasi pinapahiran ni Charles si Bea ng mga malalagkit.

"Nababaliw nanaman sila." Sabi ni Kevin tsaka nya inihilig yung ulo nya sa balikat ko.

"Haa? Ang sweet kaya nila!" Sabi ko.

"Woo, gusto mo makigaya?" Tanong nya, tapos nilapit nya yung muka nya sakin.

"Ayoko nga!" Sabi ko.

Ngumiti lang sya tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Ay sheeet! ang sweet! makalayas na nga!" Complain ni Tiara tapos umalis sa tabi ni Kevin.

"Tara dito Hon dali! haha~ sakanila ka kasi tumatabi eh ako yung Fiancee mo." Sabi naman ni Kekel.

"Tss! Hindi kita pakasalan dyan eh!" Sabi nya.

"Tiara para kang buntis!" Saway ni Ybel sakanya.

"Buntis-buntis! WAHHAA! Ikaw nga dapat ang mabuntis! Ilang taon na kayong kasa-" Nahinto sa pagsasalita si Tiara dahil tumabi si Seb kay Ybel at inakbayan to.

Namilog lahat ng mga mata namin, dahil yung ngiti ng Mr.&Mrs.Castillo kaka-iba.

"Y-ybel.." Napaayos ng upo si Kevin at inakbayan ako tapos lahat kami naghihintay ng announcement nila.

"Guys.."

"SABIHIN MO NA! IBABATO KO SAYO TONG UPUAN!" Sigaw ni Bea.

"Excited! manahimik ka nga!" sabi naman ni Ybel.

Ngumiti na lang ulit si Ybel tsaka sinabi ang balita na ikinatuwa ng barkada.

"I'm 3 weeks pregnant." Sabi ni Ybel.

Halos magwala naman sila Tiara at Bea, isama mo na rin si Kath tsaka sila nagtatalon.

"Oy~ Wag nyong pipiin! baka mamatay anak ko!" Saway ni Seb sa tatlo.

"Babae ba?" Tanong ni Tiara.

"Ay? Tanga lang Tiara? kita mong ilang linggo palang." Sabi naman ni Bea.

"Isa ka pa! dapat magbuntis ka na rin!" Sigaw ni Kath.

"Bawal pa, nagaaral pa sya." Sabi ni Charles habang kumakain ng sandwich.

"Tss! NAGAARAL PA KASI EH! Graduated naman ng Arch--"

"Sige, gamitin mo degree mo sa archi sa pagdo-doctor." Sabi ni Bea.

"Bakit ba kasi ng Archi ka? susunod ka pala sa yapak ni Tita?" Tanong naman ni Kath.

"Ayoko kasi mawalay sa barkada, eh kung nag Medicine agad ako? edi hindi kami nagkatuluyan ng bugok na to!" Sabi ni Bea.

Halos mabulunan si Charles tapos kami natigilan. Ngayon lang kasi pinagmalaki ni Bea yun.

"AYIIIEEEHH! Ano ba! ang sweet nyo! Kaasar!" sabi ni Kath.

"Eh sino bang hindi pa nagpapakasal dito?" Tanong nila, sabay-sabay naman silang lumingon papunta samin ni Kevin.

"O, o! Alam nyong hindi pa pwede." Sabi ni Kevin.

Ngumiti lang naman ako sa sinabi nila.

"Eh kung aayain bang magpakasal? Papayag ba?" Tanong nila.

Tumingin sakin yung iba, pero yung iba kay Kath.

"Ay mali! WAHHAA! Magkamuka kasi~ Kay Hazelle pala dapat tumingin." Sabi ni Charles na parang timang na pinagpawisan ng malamig dahil ang sama ng tingin ni Bea sakanya.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon