CHAPTER 2: That annoying guy

58 3 0
                                    


Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin. Bigla akong napaatras. Nagbawi ako ng tingin, tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto. Palabas na ako ng room nang bigla nya akong hawakan sa braso.

"Hey" sabi nito.

Napalingon ako. "Excuse me?"

Nakatitig ang lalaki sa muka ko. Parang may hinahanap na kung ano.

Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nya. Ang awkward kasi nakatingin lang sya sakin para akong tutunawin.

"May kailangan ka ba?" natanong ko para mawala ang tensyon sa pagitan namin. Nabibingi ako sa katahimikan.

"Well wala naman. I just thought you're cute. But turns out hindi naman. Sa unang tingin lang pala." diretsong sabi nito at nilampasan sya.

What the actual fuck?!

Naiwan akong nakaawang ang bibig. I chuckled. "Ang yabang" naisip ko.

Sinundan ko sya ng masamang tingin. Ang kapal kala mo napakagwapo.

Bigla itong lumingon sa akin at huling huli nya ako.

He smirked.

"By the way, I think you dropped this" may dinukot ito sa bulsa ng jeans nito. Ipinakita nito sa kanya ang isang unused sanitary napkin.

Biglang nag init ang pisngi ko.

"Nakita ko kanina sa floor. Nahulog yata galing sa bag mo" sabi nito.

Padabog akong lumapit at kinuha yun mula sa kamay nito. Agad ko iyong binulsa.

Nahuli ko syang ngumisi. Napairap ako.

"You're welcome. LOL " sabi nito at tumalikod na. Pasipol sipol pa ito habang naglalakad palayo.

Nagdecide na akong pumunta na sa canteen para kumain.

~~❤

Matapos ang pangyayaring yun ay di ko na ulit nakausap ang lalaki. Hindi kami nagpapansinan sa room dahil natutulog lang ito sa klase. Hindi ko rin akalain talaga na classmates kami kasi hindi ko naman napapansin ang mga kaklase ko. Nakakapagtaka ring ok lang sa mga prof na may tulog sa klase.

Pagsapit ng uwian ay excited na'kong makauwi. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang may maramdaman ako na parang may nakatingin sa akin. Tumingin tingin ako sa mga kaklase ko sa paligid. Mga busy rin sila sa pag aayos, yung iba ay nagkukwentuhan.
Napadako ang tingin ko sa pintuan.

And there he is. Nakasandal sa dahon ng pinto at nakapamulsa. Nakatitig sa akin at biglang ngumiti.

huh?

Bigla akong lumingon sa likod ko. Baka kasi sa iba ito nakatingin. Walang tao sa likod. Bumalik ang tingin ko sa pinto but he already disappeared.

Ano yun? Ang lakas ng trip.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now