CHAPTER 24: Could Have Been Perfect

31 2 0
                                    

CHELSEA'S POV

Di kalayuan sa school, sa sidewalk, lumingon ako at napansing walang gaanong tao kaya dun na'ko huminto.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ko kay Zeus.

He stopped then looked at me. He tried to hold my hand pero iniwas ko iyon.

"What's the matter, Chelsea?" nagtatanong ang mga mata nya. "Galit ka pa rin ba?"

Namaywang ako at tiningnan sya mata sa mata.

"Alam mo, wala sa itsura mo ang pagiging manloloko." sabi ko "Ganun ba ako katanga para sa'yo at akala mo robot ako na hindi maaapektuhan?"

His face was flooded by confusion.

"Ano bang sinasabi mo?" takang tanong nya.

"Wala akong balak maki-ride on sa trip mo. Tama ang sinabi ni Tristan, hindi dapat ako magtiwala sa'yo. You're such a jerk." inis na sabi ko.

Parang lahat ng infatuation or what ever its called, na nararamdaman ko sa kanya, napalitan ng inis.

"Ano bang sinabi nya sa'yo?" nakakunot noong tanong nya.

Best in acting na bes!

"Alam ko na ang balak mo. Ginagamit mo lang ako para pauwiin si Tristan. You never really liked me." mahinahon ko nang sabi. "But thanks, I realized what kind of person you are. I've learned my lesson"

"Chelsea" he held my hand. "Kung ano man ang sinabi ni Tristan sa'yo, it's all lies. Wag kang maniwala sa kanya. Trust me, ok? I really like you"

Bigla lumipad ang palad ko sa pisngi nya.

"I've heard you loud and clear. Kahapon sa parking lot ng mall. Kausap mo ang tito mo. Pwede bang wag mo akong pinagloloko? Lalo akong naaasar sa'yo" hinila ko ang isa kong kamay na hawak nya.

He was speechless.

"Now, kung may gusto kang gawin kay Tristan, pwede wag mo akong idamay? To make things clear, there's nothing going on between us, hindi mo rin ako magagamit. Unless sobrang kapal ng muka mo at magpapakita ka pa sa'kin" tinalikuran ko na sya at naglakad na ako papunta sa cafe.

I almost felt for his trap. I believed everything he said. He was too perfect. I almost accepted his fake feelings.

Fuck you!

I was cussing in my mind.

Naisip ko ang mga sinabi nya kahapon. Love interest daw ako ni Tristan, kay ako ang gagamitin nya to lure him home. He has no idea.

Diba nga sinabihan din ako ni Tristan na it's a misunderstanding? Pareho lang silang magpinsan. Parehong paasa.

Dapat ko na silang iwasan dahil hindi ko maintindihan kung anong trip nila sa buhay.

Dumating ako sa shop at sinimulan na ang duty ko. It's surprisingly crowded today, hindi naman sana holiday. I became busy at naiwaglit sa isip ko ang dalawa.

~~❤

"Thank you for the hard work" sabi ng manager nang nagpaalam na akong umuwi.

I nod at her at lumabas na ng shop.

Tristan is standing outside, waiting for me.

Hindi ko sya pinansin. Nilampasan ko sya at nagmamadaling naglakad.

Hindi naman nya ako pinigilan or tinawag. Basta naramdaman kong sumusunod sya sakin.

I know I shouldn't be involved sa kanya. Wala akong paki sa problema ng pamilya nila.

Tumawid ako ng kalsada since nakastop ang Jeep para magbaba ng pasahero. Mabilis ang lakad ko. Nasa kalagitnaan na ako nang bigla akong mapalingon sa kaliwa at nakita ko ang isang motor na nag overtake sa jeep at humaharurot papunta sa kinatatayuan ko.

Suddenly I felt frozen. Hindi ko alam kung aabante o aatras. It's few inches from me now.

I closed my eyes.

Point Blank.

I felt a strong hand pulled me back. Malakas ang pagkakahila sa'kin at natalisod ang paa ko. Nasubsob ako sa katawan ng isang tao. Good thing he stood firm at balanced me up.

I opened my eyes and looked up.

I knew it.

"Are you that hurried na gusto mo nang magpasagasa?" his eyes locked in mine.

"Sorry, Thanks" I realized our position, nakasandal ako sa dibdib nya, nakayakap naman sya sakin.

"Sorry Miss, hindi ko akalain na may tatawid pala.  Sorry" Isang lalaki ang lumapit samin,  ito ang driver ng motor. "Nagmamadali kasi ako, pupunta ako ng ospital dahil nanganak ang misis ko." paliwanag nya.

"Ok lang sya. Next time tingnan mo ng maigi ang dinadaanan mo" sabi ni Tristan at inilayo ako. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Sige boss. Pasensya na talaga."

Naglakad na kami patawid ni Tristan. Hindi na ako umangal sa pagkakahawak nya. Nanginginig pa ang tuhod ko. Akala ko masasagasaan na talaga ako kanina.

Dinala nya ako sa isang fastfood chain at pinahintay sa bakanteng mesa. Naupo ako at tiningnan sya habang naglalakad papunta sa counter.

He ordered spaghetti, chicken nuggets, sundae at Fries.

"So, kumusta ang work?" tanong nya.

I looked at him. Akala ko ang una nyang itatanong ay tungkol kay Zeus.

"Ok naman. Masaya" sagot ko.

He held my hand on the table. "It breaks my heart"

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ang alin?"

"Seeing you work like that." sabi nya with a serious face. "If I were to meet your father, I'll punch him hard"

Natawa ako sa sinabi nya. "Ikaw talaga. Hindi ka pa nakuntento na nakapanuntok ka kanina" si Zeus ang tinutukoy ko. Nakita ko na sinuntok nya yun, hindi ko nga lang narinig ang usapan nila.

"Seryoso ako. I've seen how hard the works are. Last weekend you even hurt your feet walking all day. You don't deserve that"

"Kaya ko ang sarili ko. Naaawa ka ba sakin?" tanong ko.

"No" he then let go of my hand and started eating.

Tinaasan ko sya ng kilay.  "Then?"

"Wala" he said.

Tumahimik nalang ako at nagfocus sa pagkain.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now