CHAPTER 26: Be My Girl

27 2 0
                                    

"Napakarandom mo talaga." sabi ko nung matapos na kaming kumain.

Ako at si Tristan nalang ang natira sa kitchen.

"Bakit mo nasabi?" tanong nya.

"Hindi mo sinabi sa'kin na magkakilala kayo ni Ma'am Cristy" tumayo ako at iniligpit ang mga kinainan namin.

"Di ka naman nagtatanong. Akala ko nasabi nya rin" he stayed on the chair, watching my movements.

Dinala ko sa lababo ang mga hugasin at nagsimulang maghugas ng pinagkainan.

"Pero magkakaano ano ba talaga kayo?"

Hindi sya sumagot.

"Bakit mo sya tinatawag na mama? Related ba kayo sa isa't isa?" hindi ko sya tinitingnan at nagpatuloy lang ako sa paghuhugas.

"Bakit gusto mong malaman? Interesado ka na ba sa'kin?" bulong nya sa tenga ko.

Nabitawan ko ang platong hawak ko, pero mabilis nya iyong nahawakan mula sa likod ko. Hindi ko namalayan kung pano sya nakalapit ng ganito sa akin. I can smell his cologne and feel his chest leans on my back.

"Easy ka lang. Masyado kang tensed" natatawang sabi nya at saka lumayo sa akin. Inilapag nya ang plato sa lababo.

My heart beat is racing so fast.

Hinawakan nya ako sa siko at ihinarap sa kanya.

"Why do you always ask questions?" he looked into my eyes.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Alam mo, aatakehin ako sa puso dahil sa pinaggagawa mo!" I placed my hand on my chest. "Kinabahan ako ng husto"

He smirked at my statement.

"Bilisan mong maghugas. Baka ma-late tayo sa next subject."  bumalik sya sa upuan. His smirk never left his lips.

Inirapan ko sya.

~~❤

Bumalik kami sa university. May 20 minutes pa bago magsimula ang next class.

Naupo muna kami sa mga bench na nasa lilim sa gilid ng campus ground.

"Marami pala tayong oras. Siguro hindi na masama kung araw araw tayong kakain sa cafe" sabi ni Tristan.

"Nakakahiya no!" kontra ko. "Araw araw mong paglulutuin si Ma'am Cristy. Grabe ka"

"Araw araw syang nagluluto. Hindi mo ba alam yun?" tanong nya.

Napaisip ako. Siguro nga. Tuwing sabado lang ako nakakakain sa Cafe, Monday to Friday naman ay 4 hours lang ang duty ko.

"Pero, sabihin mo na sakin kung anong meron sa inyo. Mag ina ba talaga kayo?" pangungulit ko.

"Sasabihin ko sayo kapag sinabi mong may gusto ka sakin" sagot nya.

"Wala akong gusto sa'yo." inis na sabi ko. "Masama bang ma-curious? Siguro ok lang naman malaman ko kasi dun ako nagtatrabaho."

"Hindi ok yun. It's unethical na alamin ang mga bagay bagay tungkol sa boss mo" he leaned closer to me. Staring at my face.

Nailang ako sa ginagawa nya. "Wag mo nga akong tingnan"

"Bakit naman? I can look at whatever I want to look at, whenever I want ." amused nyang sabi.

"Tigilan mo sabi yan eh." mahina kong itinulak palayo ang muka nya. "Staring at someone's face is rude for so long is rude, di mo ba alam yun?"

"Says who?"

"Says me" I looked into his face. His eyelashes are thick, his light-brown eyes are mesmerizing. Matangos ang ilong, at mamula mula ang lips. He once kissed me what that soft lips of his.

Biglang nag init ang pisngi ko ng maalala ko ang halik nya. Ilang linggo na nung nangyari yun pero naiilang parin ako kapag naaalala ko. Nagbawi ako ng tingin.

"B-balik na tayo sa room" I stuttered, tumayo ako.

Pinigilan nya ang kamay ko.

"May Fifteen minutes pa tayo" he said.

Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sakin. "Tigilan mo nga ako"

Tumayo rin sya.

"Nagmamadali kang bumalik, wala ka namang gagawin sa room." namulsa sya. "Fine."

Nainis na naman ako sa kanya. Lagi nalang syang ganito. Nagpapakilig tapos magiging cold.

Padabog akong naglakad.

~~❤

TRISTAN'S POV

There she goes. Walking harshly towards the corridor. This cute little thing always amuse me. Everything she does is cute. I'm addicted to her actions and facial expressions. She's so amazingly priceless.

I love teasing her everytime I have a chance. Pano ba naman, out of nowhere, bigla nalang namumula, kahit sa simpleng titig ko lang.

Malayo na sya, nakatanaw pa rin ako. Bago sya lumiko sa pasilyo ay lumingon pa sya sakin.

"Be my girl" sabi ko kahit alam kong hindi nya maririnig. I winked at her. Tuluyan na syang lumiko.

"Ha! If you like her that much then i-push mo yan"

Napalingon ako. Nasa tabi ko na pala si Xyerah.

"I will. So stay out of her life." sabi ko.

"I don't want to get involved with her too. She meddled with my business. You should have known that" she sighed.

I knew Xyerah for a couple of years now. Since childhood, actually. Although hindi kami close. Maldita kasi talaga sya ever since. My Mom and her dad were bestfriends. Her Father helped me a lot when my mom died.

"Wag mo na syang guluhin. Just leave things as they were" sabi ko.

"I know right? Mananalo ba naman ako sa'yo? Lagi ka ring pinapakinggan ni Daddy. Still ... " she paused and looked at me. "I don't like her. And I can't stand you too."

Ngumiti ako. "Well thank goodness. Chelsea will have one less rival"

She blankly stared at me. "I guess you haven't heard"

"Ano yun?"

"Pumunta ka sa party sa sabado para malaman mo. I don't want it to come out from me" she crossed her hands. "But to give you a heads up, if you want Chelsea so badly then stand your ground. It might actually save us both"

Naglakad na sya papunta sa corridor.

Napaisip ako sa mga sinabi nya.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now