CHAPTER 20: The Prince and I

27 2 0
                                    

SUNDAY.

Maagang umalis sila mama. Hindi na sila nagpahatid sa airport kahit nagpupumilit ako. Delikado daw mag isa akong uuwi.

Kaya ngayon, nakatunganga ako sa kisame habang nakahilata sa kama.

Hayy!

Ang boring ng bahay na to.

Bumangon ako at bumaba sa kusina. May pagkain sa lamesa. Nagluto pa si mama bago umalis.

Binuksan ko ang ref at nakita ang cake na bigay ni Manager kagabi. Kinuha ko yun at nilagay sa mesa. Kumuha ako ng platito at kutsarita.

Mukang ako lang ang kakain nito dahil mag isa lang ako sa bahay ng ilang araw.

I'm enjoying the cake when my phone started ringing.

I picked it up seeing Zeus is on the other line.

"Hello" bati ko.

"Hi Chelsea" masiglang bati nya. "Good morning, did I woke you up?"

"Good morning. No. I'm eating breakfast. Bakit napatawag ka?" I asked him.

"I was jogging kasi. Naalala kita bigla. Naisip ko hindi pa kita formally nayayang lumabas. Lagi lang afterschool. So, itatanong ko lang sana kung may time ka this afternoon?"

"Meron naman." sagot ko
Bahagyang kinilig. "How about lunch?"

"Great then. So, it's a date?" he asked.

"Ha?" narinig ko yun pero di ko akalaing sasabihin nya.

"Just kidding." he laughed "Sige, I'll see you later. Text text nalang"

Binaba ko na ang phone. Nangingiti ako habang naiisip si Zeus. The thought of spending a good Sunday afternoon with him feels so nice.

I Love Him. I thought.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Pagkatapos ay nagligpit ako ng mesa, binalik sa ref ang cake at saka naghugas ng kinainan.

Sobrang excited akong umakyat sa kwarto ko at iprepare ang susuotin ko later.

He is a prince, I should look like a princess. Charot.

I sighed in frustration when I saw na wala manlang akong bagong damit. Matagal na nung huli akong bumili. Tiningnan ko ang mga damit na nakahanger, nakita ko ang dress na bigay ni Tristan. Nalabhan na pala.

Umiling ako. I'd feel bad kung yan din ang isusuot ko sa date namin ni Zeus.

Pero ang ganda kasi..

Took me few minutes to decide whether to wear it or not..

~~❤

11am and I'm on the way to our meeting place. Magkatext kami ni Zeus.

Nauna akong nakarating sa mall. I decided to go the comfort room first.

Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. I wore a pink off-shoulder, white knee level na skirt at 3 inches sandals.

Ipinuyod ko ang buhok ko and I put some baby powder on my face, konting lip tint. Good to go.

Lumabas na'ko ng CR.

Naglibot libot ako sa mall habang naghihintay. Ilang minuto akong palakad lakad hanggang sa makaramdam ako ng pananakit ng paa.

Naupo ako sa isang bench sa 2nd floor ng mall. I checked my phone. It's already 11:45 and wala pa sya. Last text nya pa ay On the way na, kaninang 11:20 pa yun, hindi ko na nireplyan na nandito na ko dahil ayaw kong isipin nya na atat akong makita sya.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now