CHAPTER 44 : Who is Zeus

16 0 0
                                    

TRISTAN'S POV

Nasa labas ako ng Cafe para sunduin si Chelsea. Ngayon ang fifth night ng pagrerenovate. In fairness sa nakuha kong contractor, mabilis ang gawa nila. Sabi ng engineer ay matatapos na ito in less than a week. Gabi sila gumagawa para hindi maapektuhan ang customer ng cafe during day time.

"Bro, kumusta?"

Napalingon ako. It's Zeus.

"Wag mo akong tawaging bro. Wala akong kapatid" I coldly replied.

"K." he said "So how's your life being a commoner?"

"Commoner?" tiningnan ko sya. "Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo? Oh well sabagay, it runs in your blood. Lahat kayo mga matapobre."

He smiled. "You're still a Guevara. It's in your vein too."

"I don't consider myself as one. I don't wanna be a part of your family" sagot ko sa kanya.

"Well, fine. Di ka naman pinipilit. Pero kung ako sa'yo, be wise at bumalik ka na sa mansyon" he has a serious face.

"Bakit nag iba ang takbo ng mga pangyayari? Di ba dati ikaw nga yung atat na atat na umalis ako? Sinisiraan mo pa nga ako kay Lolo para mapaalis ako. Sadly none of your plans work. Pwera nalang nung nabwisit na ako ng husto sa'yo" Namulsa ako. I saw how he got angry with the things I said.

"Either way, I always win. I always get what I want. Eventually, the company will be mine too. In time.. " sabi nya.

"That's good. Maigi nga at makukuha mo na ang lahat ng gusto mo, so at least you won't be a bitch about it" I smirked at him.

"No." kontra nya. "Truthfully, I have no interest with the company now. Dad has founded his own business and I'm sure to manage it someday. So, kahit hindi sakin ibigay ang GGC, I'll have a good future. How about you?"

"Are you concerned? Or you're just here to brag? Anyway I don't care about it. You may take your leave." taboy ko sa kanya.

"Give it up Tristan. Maawa ka sa sarili mo. Bumalik ka na sa Mansyon" mariin nyang sabi.

"Bakit ba nangungulit ka? Ano bang gusto mo ha?" napipikon na sabi ko.

"Si Chelsea"

Natigilan ako. "Ano?"

"I realised gusto ko pala talaga sya. Mula nung iniwasan nya ako, naisip kong I have to win her back. Kung tutuusin, she's falling for me. Sumingit ka lang. Kung babalik ka sa mansyon, I'll take care of her" he said with a straight face.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong palabas na sa Cafe si Chelsea.

"Tarantado ka pala eh.. " pagalit na sabi ko.

"Bakit? Kaya mo ba syang buhayin? Sa tingin mo ba magtatagal kayo? Ganyang wala kang pera? Ako, kaya kong ibigay lahat sa kanya." he paused. "And besides, kaya ko syang tanggapin ng buo"

Nagkuyom ang kamao ko, pinipigilan ko ang sarili kong suntukin sya, alam kong makikita kami ni Chelsea.

"Akala mo ba hindi ko alam na you tried to escape with her? You two spent the night at Baguio. Before that, she stayed few nights in your condo. I can accept her. It  won't be a bigdeal kahit ikaw ang nakauna sa kanya. Kaya ko pa rin syang mahalin."

"Kaya mong mahalin?" boses ni Chelsea yun.

Parehas kaming napalingon. Lumapit si Chelsea kay Zeus at isang malakas na sampal ang pinadapo sa muka nito.

"Hindi ka marunong magmahal. Sarili mo lang ang mahal mo. Sana naririnig mo ang sarili mo. You're disgusting"

Nilapitan ko si Chelsea at hinawakan sa kamay. Hinila ko na sya paalis.

It was foolish of him to say that.
We need to get away before I land another punch on his face.

"I'm sorry about that. He think that we already.. " I apologized.

"It's ok. Alam naman natin ang totoo" she replied. Her warm hand is really good to hold. I won't let her go. Ever.

Humarap ako sa kanya.

"Never talk to him again, Ok?"

She nodded. I kissed her forehead.  "Good girl"

~~❤

A/N;
✌ Sorry for a boring chapter.
Next 2 chapters, I'll give you some foreshadowing of my new work called never far away 😄😄
We'll end this one soon.

Thanks for being patient ❤❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now