CHAPTER 3: I'm not cute

34 1 0
                                    


Kinabukasan, on time akong dumating sa school. Hindi ako haggard at nagmamadali.

Good mood ako ngayon habang naglalakad sa school grounds. Sa di kalayuan ay may natanaw akong kumpulan ng mga estudyante.

Out of curiosity, tumigil ako para tingnan ang nangyayari. Dalawang babae ang parang nag aaway. Ang isa ay umiiyak na nakasalampak sa lapag. Ang isa naman ay hawak ito sa buhok.

Maraming estudyante ang nanonood lang. Ang iba ay nagvi-video. Wala manlang umaawat.

Maya maya pa ay may dalawang babaeng humawak sa magkabilang braso ng babaeng umiiyak at itinayo ito. Akala ko ay tutulong ang mga ito yun pala ay ipapabugbog pa rin sa babaeng may hawak sa buhok nito kanina. Sampal, sabunot, sipa.

Naawa ako sa babaeng umiiyak lalo pa't nagtatawanan ang mga estudyante sa paligid parang nag eenjoy sa nakikita. Hindi ako makapaniwala.

Nang hindi ko na matiis. Humakbang ako palapit at inawat sila.

"Tama na" sabi ko.

Nagsitigil ang mga ito sa ginagawa.

"Bakit nakikialam ka? Sino ka ba?" sabi ng isang parang leader ng grupo.

"Hindi tama ang ginagawa nyo. Gusto nyo bang mapatawag sa office? Tatawag ako ng faculty member" banta ko para tumigil na sila.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay binasa ang ID ko.

"Miss Chelsea Drew Henares of Block 1-2B, next time please mind your own business" sabi nito. "I'm Xyerah Yu. Remember my name. Let's go girls" tumalikod na ito paalis kasama ang mga tropa nito.

Sa sulok ng mata nya ay nakita nyang nandun din at nakatingin ang lalaking kaklase nya. The guy with beautiful eyes. Nang mapatingin sya rito ay naglakad na ito paalis. Ganun din ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila.

"Thank you" sabi ng babaeng binugbog kanina.

"It's fine. But kung ok lang tanungin, bakit ka ba nila pinagtutulungan?"

Umiling ito. "Hindi rin malinaw sa'kin pero nagsimula nya akong ganituhin mula nung naging class president ako. Hindi naman bigdeal sa'kin nung una pero lately pinapahiya na nya ako."

"Bakit hindi ka lumaban? Magsumbong ka sa office" advice ko.

Umiling lang ito at ngumiti. "I tried. Pero anak kasi sya ng school director kaya no use din. Dinidedma lang nila ako."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya at inis para sa babaeng Xyerah ang pangalan. Tinutolerate pala ito ng magulang. Hindi pwede yun.

~~❤

Wala kaming gaanong ginawa sa klase ngayon dahil katatapos lang ng quiz kahapon. More on checking of papers lang at back study ng lessons. Inip na inip ako habang nasa room.

Sumapit ang lunchbreak at hinintay ko munang kumonte ang mga estudyante bago ako tumayo para lumabas. May humawak sa braso ko mula sa likod.

Pag tingin ko ay yung lalaking blondy na naman.

"Ano ba?" iritadong tanong ko.

"Gusto kong sumabay" sabi nito.

"At bakit ka naman sasabay?"

He just stared at me blankly. "Kasi gusto ko"

Hindi ko sya pinansin. Naglakad na ako papuntang canteen pero nakabuntot parin sya sakin. Umorder na ako't lahat, hanggang sa pag upo ay nakasunod sya. Parang anino.

Hindi ko sya pinapansin habang kumakain. Hindi sya bumili ng pagkain, may dala syang isang pack ng chips. Nainis ako sa ginagawa nyang pag titig sakin.

"Ano bang problema mo?" tiningnan ko sya.

Hindi sya umimik. He just sat there in front of me eating chips like he's watching a movie.

"Stop staring at me. Dudukutin ko yang eyeballs mo" inis na sabi ko.

Kumurap ito.

"You're not cute at all" he chuckled as he left his seat.

"Stupid" nasabi ko sapat para marinig nya.

~~~

A/N:

Haha so how do you find the story, so far? Sensya na wala pa syang gaanong development since kakastart lang, I'll put some pictures in it soon.

xoEru ❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now