CHAPTER 54: Date

28 3 0
                                    

MONDAY-

The classes are done. Oras na para umuwi. Makulimlim sa labas at nagsisimula nang umambon.

Naglakad na ako palabas ng room. Pagdating ko sa pasilyo ay maraming bumabati sa akin. Ibang iba itong school na to. Dati sa university na pinapapasukan namin ni Tristan, kahit ilang beses akong magpabalik balik sa pasilyo ay walang papansin sakin. Dito, I've became quite famous. Siguro ganun talaga kapag transfer, instant favorite din ako ng mga teachers dahil outstanding ang grades ko.

Now anywhere I look, someone greets me..

Hindi pa rin ako sanay. Maganda sana kung nandito ngayon si Xyerah, hindi ako maiilang.

"Sabay na tayong umuwi, Miss Chelsea" sabi ng isang lalaking nagpakilalang Sam. "I'll give you a ride. Mukang malakas ang ulan oh."

"No, thanks. May sundo ako" ngumiti ako sa kanya. Kahit wala naman.

Malapit na kami sa gate.

"Ah ganun? Sino?" sagot nya. Cute din ang lalaki.

"Ah, yung.. " nag isip ako.

Hindi kami sabay umuuwi ni Chandria dahil mas maaga ang uwian nya. Walking distance lang rin ang school mula sa bahay.

"Sakin ka nalang sumabay, wala ka namang sundo eh. Nakikita kita palaging naglalakad, kasama yung isang babae." pangungulit ni Sam. Si Xyerah ang tinutukoy nya.

Nagtaka ako nung makita ko sa labas ng school si Tristan. Nakapamulsa sya at nakatingin sa akin.

"Ayun oh! Boyfriend ko. Sinusundo ako" sabi ko sa lalaki.

"Ay, sorry, may boyfriend ka pala?" nagkatiningan silang dalawa.

Tumango ako.

Nagpaalam na si Sam at mabilis na lumakad palayo.

Nilapitan ko si Tristan. "Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang" palusot nya.

"Napadaan na naman?" I looked at him suspiciously. "Ang layo ng company nyo tapos napadaan ka lang?"

Hindi sya umimik. Nakatingin lang sa akin.

I walked passed him and headed home. But then he stopped me.

"I want to watch a movie" he said.

"Manood ka" sagot ko.

"With you"

Tiningnan ko sya.

"Come on." hinawakan nya ang kamay ko.

"Ano ba!" piglas ko. "Bakit naman ako sasama sayo?"

"Boyfriend mo ako." he smirked. "Sabi mo kanina boyfriend mo ako diba? Now, samahan mo akong manood ng movie"

Nagsimulang pumatak ang ulan. Lumingon ako. Malayo layo ang pwedeng silungan. Hinanap ko ang payong sa bag ko.

Nang makuha ay mabilis kong binuksan. Bahagya na rin akong nabasa ng ulan.

I looked at Tristan. He's still standing there, few inches from me pero nagpapakabasa ng ulan.

"Goodness" hinila ko ang kamay nya para lumapit at pinasukob sa payong. "Ano bang gagawin ko sa'yo?"

"Watch a movie with me" he said once again.

"Fine" I agreed and we walked. Dinala nya ako kung saan nakapark ang kotse nya.

I'm pretty surprised na marunong pa rin syang mag drive kahit nagkaamnesya sya.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now