CHAPTER 28: Sleepover

19 1 0
                                    

"Stay here" sabi ni Tristan. Inabot nya sakin ang isang makapal na sweater at jogging pants. "Lalabas ako para bumili ng damit na isusuot mo."

I nodded.

Umalis sya agad.

We ended up in his condo.

Nagbanlaw ako sa CR at nilabhan ang damit ko. Sinabi nyang dito nalang ako matulog. Mas safe dito kesa bumyahe ako.

Makalipas ang ilang sandali, dumating sya. Naisampay ko na ang damit ko at nakapagbihis na.

"Get changed" inabot nya sakin ang isang paperbag.

Nagpalit ako ng damit. Pero dahil nilalamig ako, sinuot ko pa rin ang jacket nya. Jogging pants lang ang ibinalik ko sa kanya.

"Come here" hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo ako sa couch. He checked my face and he clenched his teeth when he saw the wound on my lips and some bruise on my face.

"That bastard! He should rot in the cell" galit na sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat sa pagdating mo. Kung wala ka dun, baka kung napano na ako. Takot na takot ako."

Kinilabutan ako ng maisip kung ano nga kayang nangyari kung hindi dumating si Tristan. Baka bukas nasa headline na ako sa radyo at TV, at trending sa internet.

He smiled and pulled me in.

"Takot na takot din ako" sabi nya. "I can't imagine what I will do if anything bad happened to you."

I hugged him back. I like this comfortable feeling.

"Sorry sa mga pinagsasabi ko nung isang araw. Hindi ko sinasadya yun." sabi ko.

"Alam ko. Inaasar lang din kita nun" hinaplos nya ang buhok ko.

Tumingala ako sa kanya.

"Eh bakit two days kang absent?" tanong ko.

"Kasi po may inasikaso ako. Dumalaw ako sa puntod ng mommy ko" he smiled. "Nagmadali akong umuwi para maabutan kita sa cafe pero nakaalis ka na pagdating ko. Luckily sabi ni Mama Cristy, kakaalis mo lang. Kaya ayun. Nakita ko nalang yung payong mo sa kalsada."

"Ah, ganun pala.." kumalas ako sa pagkakayakap nya. "Akala ko galit ka sakin"

He pinched my nose. "Never akong magagalit sa'yo no. Ikaw pa? Malakas ka sakin"

Tumayo sya. "Tara sa kitchen, nagluto ako."

Sumama ako sa kanya sa kusina. Pinaupo nya ako at nagsandok ng pagkain namin.

Tinolang manok ang niluto nya. Isa sa mga paborito kong pagkain. I'm not a fan of sarsa or pork, kung may chicken, chicken at chicken pa rin.

"Hinanap mo ba ako nung di ako pumasok?" tanong nya maya maya.

"Hindi"

"Pero nag alala ka?" his voice and eyes are teasing me.

"Hindi rin" sagot ko. Magana akong kumakain. Masarap talaga syang magluto.

Sumimangot sya. "Napakaunfair naman. Di mo manlang ako namiss. Samantalang hindi ka naalis sa isip ko"

Tiningnan ko sya. "Bakit mo naman ako naiisip?"

"Gusto kasi kitang isipin." he winked at me.

How can he be so casual about saying those things? Tapos ako, namumula sa mga sinasabi nya.

"Shut it up" sabi ko.

"Look at you" he leaned closer. "You look beautiful in my sweater."

Inirapan ko sya. "Wag mo ng akong utuin. Ilang beses mo akong sinabihang pangit dati"

"Hoy, kelan?" he amusedly asked.

"Dati. Nung unang kita natin. Lagi mong sinasabi na hindi ako cute." kunot noong sabi ko. "Nakakababa kaya ng self esteem yun!"

He chuckled. "Hindi ka naman kasi cute."

I glared at him.

"Hindi ko rin naman sinabing pangit ka."

Hindi ako umimik. Nagpatuloy nalang akong kumain.

"Hey" tawag nya. "Look at me, baby"

"Baby ka dyan!" tiningnan ko sya ng masama.

"Makinig ka kasi." he looked into my eyes. "Hindi ka cute. You are beautiful."

Sa sinabi nyang yun, parang nalagyan ng sili ang muka ko, feeling ko ang init.

"You're so beautiful that the word cute doesn't suit you." he winked again.

I'm lost for words. Bigla kong iniligpit ang pinagkainan ko.

Dinala ko yun sa lababo.

"Wag mong sabihin na galit ka na naman?" tanong nyang natatawa.

Tiningnan ko sya ng masama. "Joketime ka palagi."

"Di naman kasi ako nagbibiro." seryosong sabi nya.

Tumayo na rin sya at nagligpit ng lamesa.

"Magto-toothbursh na ako. Saan ba ako matutulog?" pag iiba ko sa usapan.

"Mag toothbrush ka na muna. Ituturo ko nalang sayo ang tutulugan mo pagkatapos." sabi nya.

Iniwan ko na sya sa kusina.

~~❤

"You can sleep here. Dyan nalang ako sa couch matutulog" sabi nya.

Nasa loob kami ng kwarto nya. Napakalawak nun. Maganda ng mga design, halatang lalaki ang may ari. It is very impressive, dahil may malaking kama, sariling banyo, malaking flatscreen na TV, at ang wardrobe nya, triple ng size ng kwarto ko. Iba pa ang lagayan ng mga sapatos. Organized naman lahat ng gamit nya. Halatang malinis sya sa bahay.

"Mag isa ka lang na nakatira dito?" I asked as I looked inside the room.

"Yes" kumuha sya ng isang unan mula sa kama at dinala yun sa couch.

I looked at him. Paano nya nakakayanan na tumira dito? Napakaganda ng bahay pero ang lungkot ng pakiramdam ko rito.

I went to bed and burried myself under the covers. It's so nice and warm. Nakahiga na ako at nilingon ko sya. Nakahiga na rin sya sa sofa bed at nakatingin sa akin. Ngumiti sya.

"Goodnight" he said.

"Goodnight"

Nagtalukbong na ako ng kumot. Hindi pa rin tumitila ang ulan sa labas. Napakalamig. Pumikit ako.

Nakabibingi ang katahimikan. Pinilit kong matulog.

After few minutes, dumilat ako at tinanggal ang kumot. Nilingon ko si Tristan. He's facing the other way so I'm not sure kung gising pa sya o tulog na.

Ilang biling-baliktad ang ginawa ko pero hindi talaga ako makatulog.

"Can't sleep?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Tristan. Tiningnan ko sya.

"Namamahay yata ako" sabi ko nalang. "Pwede bang patayin yung ilaw?"

He nodded. Tumayo sya mula sa sofa at pinatay ang ilaw. It was completely darkness.

"Sweetdreams" sabi nya.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now