CHAPTER 15: Happy Birthday.

35 3 0
                                    

From that day onwards, we've been close. Zeus and I.
I can't deny I am actually attracted to him but I can't imagine being in a relationship with him. I just can't.

I've get to know him more. What's his favorites, about his family, open syang magkwento. Ang gaan nya pa kasama kasi may sense of humor naman.

Pag may time ay dumadaan ito sa school at kumakain sila sa labas. He never brought up about his feelings again and somehow it makes me glad because I don't want to talk about it.

Yes I'm a hypocrite.

As for Tristan, he totally ignored me. Nag iiwasan kami as much as possible.

"Grabe ha, baka masanay na ako ng ganito, lagi mo kong nililibre." sabi ko isang hapon habang kumakain kami sa isang resto.

"Ok lang masanay ka. I will always do this" kumindat ito sa akin.

Ngumiti ako.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano lang habang kumakain. Nang oras na para pumasok sa cafe ay nagpaalam na ako. Sabay na kaming lumabas.

"By the way, birthday ni Tristan bukas. Gusto ko sana syang bigyan ng regalo pero baka ireject nya lang." sabi nya

"Birthday nya bukas? Oh, Hindi ko alam yun"

"Only few people know. I guess magiging masaya sya somehow if someone remember."

"Bakit di mo sya kausapin?" suggestion ko.

Umiling sya. "He hates me. Makita lang ako, kumukulo na ang dugo nun"

"That much?"

Tumango sya. "yeah"

Nagpaalam na ako maya maya at pumunta na sa cafe.

Kinagabihan, humanap ako ng pwede kong iregalo sa kanya.

Nilibot ko ang mga pamilihan malapit sa University.

~~❤

Kinabukasan, maaga akong pumasok.
Dala ko ang regalo ko para kay Tristan.

I waited for him to come.

Nagsimula na ang klase ng dumating ito. Hindi na ko nagkaroon ng chance na makausap sya.

Naghintay ako hanggang mag lunch.

Lunchtime.

Tristan immediately get up from his seat and started walking towards the door.

"Tristan" I called.

Hindi sya sumagot. Just kept on walking.

"Tristan!" mas malakas na sabi ko.

He's completely ignoring me

He walked out the door. Kinuha ko ang gift ko para sa kanya mula sa bag ko. Humabol ako palabas. Wala na sya sa pasilyo.

Patakbo akong bumaba ng hagdan. Hanggang sa nakarating ako sa pinakababa ay wala ni Anino ni Tristan.

Tumayo ako sa gitna ng campus ground. I sighed. I lost him again. He's very good at running away and hiding.

May maliliit na patak ng ulan ang simulang mahulog mula sa langit. Tumingala ako, makulimlim na naman. Napatingin ako sa rooftop ng building namin. From there I saw him.

Nakatanaw sa baba. Hindi ko sure kung saan nakatingin. I'm sure he's Tristan.

Tumakbo ako pabalik ng building at umakyat hanggang sa rooftop. Humahangos ako nang marating ko ang lugar.

Malakas na ang ulan. Tristan is there, nagpapakabasa.  Nakatanaw parin sa baba. Dahan dahan akong lumapit.

"Nag eemo ka dito sa kalakasan ng ulan? Ang lakas ng trip mo diba?"

He looked at me with a blank expression on his face.

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Bakit nandito ka?" tanong nya din sakin.

"Ako ang unang nagtanong, bakit nagtatanong ka din?"

Long silence. I'm starting to feel cold.

"Just leave me alone." he said emotionless. Muli syang tumanaw sa baba.

I took a deep breath and swallowed before I held his hand.

"Are you lonely?"

Which is quite a stupid thing to ask. I think it's obvious. He looked at my hand. He crossed his fingers to mine.

"You know what?" He smiled. "Whenever you're around, everything feels warm and fine"

"Eh?"

"And I realized bathing in the rain isn't that bad."

Anong pinagsasabi nito.

He hugged me.

"Para saan to?" tanong ko.

"I have no idea. I just like the feeling when it rains and you're with me." sabi nya. Bumitaw din sya agad.

We both stared at each other's eyes.

"I-I wanna give you this" Inabot ko sa kanya ang isang box. Nakagiftwrap pa ang regalo. "Happy birthday"

He was surprised. "How'd you know?"

Tinanggap nya ang basang box.

"I have my ways" I said. Naalala ko ang sinabi ni Zeus, na kukulo ang dugo ni Tristan kapag nagpakita sya. Hindi ko nalang binanggit ang pangalan nya para hindi mabadtrip ang birthday boy.

He is smiling like a kid when he starts unwrapping the gift. "It's been a long time since I last received anything for my birthday"

"Hindi yan mamahalin, yan lang kasi kaya ng budget ko. Pero naisip ko na kakailanganin mo yan dahil taglamig na. Bumili din ako ng akin" sabi ko.

He was speechless. He's just staring at the gift I gave him. It's a thick black scarf.

"Hey"

"It.. It's nice. I love it" he said with a big smile habang hinahaplos ang scarf.

"Talaga?" hindi ako convinced.

He's laughing. "Seriously. Thank you" he wore it around his neck.

Ilang sandali pa, nawala ang ngiti sa labi nya. He's staring at my face for a long time.

"Stop that!" saway ko, naiilang sa titig nya. "May problema ba?"

He blinked and shook his head. "So, gwapo ba 'ko?"

Umirap ako. "Akala ko kung ano."

Nagpout sya. "Hindi mo manlang ako binabati tungkol sa new look ko. Gusto ko na ulit tuloy magpa-blonde"

"Okay" sabi ko. "Wala namang magbabago sa'yo"

"You're so mean" nakasimangot syang lumakad paalis.

"Gwapo ka kahit anong kulay ng buhok mo" I giggled.

Lumingon sya. Nagpipigil ng ngiti. "Talaga?"

"Wala akong sinabi." Tumawa ako.

Naglakad na ako pababa ng hagdan. Hinila ko sya sa kamay dahil lalong lumalakas ang ulan.

~~❤

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now