CHAPTER 14: I LIKE YOU!!!!

25 2 0
                                    

Few days have passed.
Hindi kami nagpapansinan ni Tristan.
Nagconcentrate ako sa pagrereview.
Dumating ang Friday. Nagpasya akong magpaalam sa coffee shop na hindi ako papasok kinabukasan para makapag aral ako all day till Sunday. Pumayag naman ang manager.

7PM, nagpaalam na ako.

Paglabas ko ng shop, nasalubong ko si Zeus malapit sa bus stop.

"Hi" sabi nya ng makita ako. "Bakit nandito ka pa? Late nang natapos ang klase?"

"Hindi, nagtatrabaho ako sa coffee shop. Part time after school." paliwanag ko.

"So, pauwi ka na nyan?"

"Oo. Ikaw?" balik tanong ko.

"Humahanap ako ng makakainan. Samahan mo naman ako. My treat" nakangiting sabi nya.

Umiling ako. "No thanks, need ko kasing magreview ngayon. Sa Monday na ang exam namin. Next time nalang siguro."

Tumango tango sya. "Ah ganun ba. Ang sipag mo naman"

His smile never left his lips. Ang ganda ng smile nya. May dimples pa.  hayss

"So sige, next time nalang then." kumaway sya sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"By the way" dinukot nya ang phone mula sa bulsa. "May I get your number? Para sure ako kung kelan ka pwede"

I was surprised. Tinanggap ko ang phone nya at tinype ang number ko.

"There" I gave it to him.

"Thanks. See you around"

Umalis na ito, pumunta na ako sa bus stop.

Hindi naman nagtagal, dumating na ang bus.

~~❤

I managed to get Tristan off my mind the following days. I have a relaxed mind over the weekend and gained confidence to pass the exams.

Lunes ng umaga, araw ng exam.

Bagong Tristan ang bumungad sa'kin. He colored his hair black, nakauniform na din. He totally looked formal and handsome.

Gusto ko sana syang batiin pero naisip kong wag nalang.

Lunchtime.

"Chelsea" may humarang sa harap ko.

Tiningnan ko yun. Si Tristan.

Biglang nagring ang phone ko. Para makaiwas, sinagot ko ang phone.

"Hello?"

"Hi Chelsea. Sorry I called on random hour. Are you busy?"

Nakatayo pa rin si Tristan sa harap ko. Nakatingin sakin.

"Hello Zeus." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Tristan. "Yes I'm kinda busy today due to exam. Bakit?"

Nangunot ang noo ni Tristan.

"Aww. Sige, so kelan ka free?" tanong mula sa kabilang linya.

Nag isip ako.

"Sa Friday siguro"

"Great. Then, pwede ba kitang yayaing kumain sa labas after school?" sabi ni Zeus.

Nakita kong tumalikod at naglakad paalis si Tristan.

"Hmm ok. " sabi ko. Wala naman akong dahilan para tumanggi. Tapos na ang exam by then.

"Thank you. I'll pick you up from school sa Friday"

~~❤

Mabilis lumipas ang araw.
Dumating ang Friday. Masaya ako dahil bukod sa magkikita sila ni Zeus, natapos na rin ang lahat ng exam.

Parang may pakpak ang mga paa ko habang pababa ng hagdan ng university.

Pagdating sa locker room, bigla akong hinila ni Tristan papunta sa isang sulok.

Madilim ang expression ng muka nya.

"Ano na naman?" naiinis na tanong ko. But his look makes me nervous. Ang lapit pa ng muka nya since he pinned me to the wall.

"Seryoso, makikipagdate ka?" tanong nya.

"Oo. Bakit, may problema ka ba?" tanong ko rin.

He gritted his teeth.

"Do you even know that guy? May gusto ka ba sa kanya?" mariin ang pagkakasabi nya.

Tinulak ko sya.

"Wala kang pakialam"

He laughed. "Oo nga pala. Fine. Enjoy" he said sarcastically.

Tinalikuran na nya ako. Malayo layo na sya ng sinigawan ko sya.

"Stupid!! You're so stupid!" inis na sigaw ko.

Naiinis ako dahil hindi nya sabihin kung anong gusto nya. Kung pipigilan nya ba ako o ewan.

Bahala ka!

Nagdabog akong lumabas ng school. Nasa gate na naghihintay si Zeus. Ngumiti ito ng makita ako.

Naglakad lang kami papunta sa isang resto malapit sa cafe na pinagtatrabahuan ko.

"So, kumusta kayo ni Tristan?" tanong ni Zeus nang nagsisimula na kaming kumain.

"Wala. Hindi na kami nakakapag usap since nung huli tayong nagkita." sabi ko.

He looked at me. Saka tumango. "Ah, ang sad naman. I thought you two are dating."

I shrugged.

"Hindi naman nya ako gusto. There's nothing going on between us. Not even friendship since we're not talking anymore" I said.

"I feel you. He always tend to get cold to people at times." he ate his food.

"But honestly akala ko talaga kayo"

"Wala ngang kami" natatawang sabi ko. "Walang ganun"

He then stared at me. "He never made a move. He's such a stupid guy."

I looked back at him. "Eh?"

He smiled. "He don't like you but I do. Now that I confirmed that you're not his, then I'll take my chance."

Napaawang ang bibig ko. Speechless.

He held my hand. "I liked you even at the first time I saw you."

What!!

My mind was slow to process what's happening right now. I mean, I admit I like Zeus. He's so cute, he's kind and has a great personality kahit ilang beses palang kaming nagka usap, I can feel it.

But..

"Zeus" I cleared my throat. "I don't think I'm ready for this"

Umiling si Zeus.

"You don't have to think too much. I just said how I feel. I don't want you to think I'm going way too fast. I just thought I should let you know." pinisil nya ang kamay ko. "You are special."

He was like a prince charming to me. So perfect. One I can say every girl would dream of. And this Prince just confessed to me. OMG KILL ME PLEASE. 😍😍😍😍

MY LOVELY STRANGER Där berättelser lever. Upptäck nu