CHAPTER 13: Misunderstanding

24 2 0
                                    

5am
I woke up feeling lighter now.
Wala nang lagnat. I guess I had the best nurse yesterday via Tristan.

I'm humming while taking a bath.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan para sumabay sa pagkain nina mama at Chandria.

"Good morning" masaya kong bati.

"Good morning 'nak. Nilalagnat ka pa ba?" tanong ni Mama.

Umiling ako. "I'm good 'ma. Healthy yata to. Di pwedeng magtagal ang sakit"

Kumain na kami.
Pagkatapos ay nagligpit ako ng kinainan, ako na rin ang naghugas.

Sabay na kaming lumabas ni Chandria. Parehas kami ng way papuntang school pero mas malapit yung bababaan nya.

I kept humming while waiting for the bus. She's just silently staring at me.

"May problema ba, Chandi?" I asked

Umiling sya.

Dumating na ang bus at nauna syang sumakay. Nakasunod ako.

"Ate" she said habang umaandar ang sasakyan.

"Ano yun?" tanong ko.

"Yung lalaking yun kahapon, boyfriend mo ba sya?" she stares at me while asking.

"Hindi" agad kong sabi. "Wala sa isip ko yan"

"Pero gusto mo sya"

I blinked. "Huh?"

"Kung gusto mo sya, at gusto ka rin nya, wala namang masama dun. Ang masama yung gusto mo sya pero hindi naman mutual yung feelings nyo. He will end up breaking your heart lalo na kung ganyang wala kayong label." she said in serious voice.

Umiling ako.  "Hindi ko sya gusto no. Never"

"Ok" she said. Narating na namin ang school nya, nagpaalam na sya para bumaba.

~~❤

Wala si Tristan sa klase.
Hindi ito pumasok ngayong araw. I'm quite disappointed.

Stupid. Bakit ko naman sya hinahanap?

I focused on the lessons. Next week exam na kaya kailangan kong magreview. No need of distraction.
Mabagal ang takbo ng oras. I spent all my free time sa pagrereview.

Matapos ang klase ay dumiretso na ako sa coffee shop. Malapit lang yun sa school namin. Habang naglalakad, may nakasalubong ako.

"Hi" si Zeus.

"Hello" I smiled. He's standing in front of me, smiling like a prince. Ang gwapo bes.

"Hindi sya pumasok ngayon. Di ko alam kung bakit" sabi ko na ang tinukoy ay si Tristan.

Nag isip sya sandali. "Uh, Actually, hindi kasi sya yung pinunta ko dito."

He's smiling shyly. Which I really like about him.

"I'm sorry" nagkamot sya ng ulo. "You'll probably think I'm strange. I-I just want to talk to you"

"Ako?" I was puzzled at the same time,  medyo kinilig. Stupid. Sinaway ko ang sarili ko.

"Don't worry, nothing personal naman. I'll just ask you somethings about Tristan" he assured.

"Ah. Sige no problem" asado haha!

Pumunta kami sa isang fastfood. Ako ang nagdecide. Mas kumportable kasi dun.

Nag order sya ng food. Matapos ay dinala yun sa table namin.

MY LOVELY STRANGER Where stories live. Discover now