Kabanata 29

87.3K 3K 990
                                    


Kabanata 29

Long

Huminga ako ng malalim at frustrated na sumabunot sa aking buhok. Nakita ko ang maraming scratch paper sa buhanginan, nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Wala namang tao sa beachfront na ito dahil pribado itong pagmamay-ari ng mga Legaspi.

But the fact that I am throwing papers on the white sand, parang hindi katanggap tanggap.

I heaved a sigh and picked up the papers, nilukot ko iyon ng sobra isa-isa at pumunit ako ng isa pang pahina mula sa sketchpad para doon ko pasumahin ang lahat. Nagmistulang bola ang papel na iyon.

I smiled, marahan kong binato ang papel paulit-ulit sa ere. It somehow comfort me, muli akong bumaling sa dagat. Minther gave me access here, may taga pangalaga ang kanilang mansyon rito at nasanay na iyon sa pagtetrespass ko rito.

Well, I found peace here. I looked at my sketchpad, pakiramdam ko ay nawalan ng buhay ang kamay ko. Nawalan ng buhay ang lahat bawat iguhit kong magandang tanawin ay hindi ko makitaan ng kagandahan sa ilang pahinang nadrawingan ko.

I wonder why?

Tipid na ngumiti ako, ilang minuto pa nang magdesisyon akong huwag na munang gumuhit. Naglakad ako patungong La Santa, malapit lang iyon kung dito ako magmumula.

Puro tuyong dahon ang napupunit bawat paghakbang ko sa parteng ito, ang mga punong halos magkakadikit lang ay malalago ang bunga. Ngumisi ako nang madinig ang pag-agos ng tubig, mabilis ang aking paghinga sa kahingalan pero nagawa ko pa ring tumakbo patungo sa talon.

Cyprian once brought me here, hindi ko alam ang parteng ito noon dahil hindi naman ako taga La Santa. But I love La Santa, I love every place in Isla Verde. Nakita ko ang bahagyang pag-usok ng tubig.

Lumapit ako sa batuhan para kapain ang tubig ng talon. Sa aking harapan ay tanaw ang tubig na umaagos pababa rito, tiningala ko ang waterfalls.

Medyo matindi pa rin ang sikat ng araw kaya masarap magswimming rito, hindi naman ako masisikatan ng araw dahil harang ang waterfalls, ang matayog at mataas na lupa kaya malilim ang pinakabagsakan ng tubig na ito.

Huminga ako ng malalim at nilagay sa malapit na ilalim ng puno ang aking sketchpad. May duyan sa punong iyon na gawa sa gulong kaya doon ko naisipan ilagay ang sketchpad para siguradong safe at hindi mababasa o marurumihan.

Hinubad ko ang suot na spaghetti strap at sinunod ko ang aking maong na pants, sa duyan ko na rin nilagay iyon. Marahan ko pa iyong tinapik. Sabi ni Cyprian ay madalang ang tao rito at swerte lang ang makakahanap ng falls na ito.

Maraming falls ang La Santa kaya hindi rin ito dinadayo siguro ay dahil tago ito at hindi napupuntahan, may ilang minuto pa kasi ang kailangan lakarin para marating ito unlike sa ibang falls.

Sa ilang beses kong naligo rito ay wala akong naabutang tao o nakikitang tao kundi ako lang mag-isa, kasama ko ang mga ibon na nagliliparan at humuhuni lamang kaya hindi ako natatakot. This part is amazing and beautiful.

Nang malubog sa tubig na maligamgam ng talon ay agad akong nakahinga ng maluwag at nakaramdam ng ginhawa na parang kanina ko pa dapat ginawa. Nagfloating ako at sa payapang kalangitan tumuon.

I wish I could sleep like this, pero baka matagpuan akong patay na nagpapalutang lutang dito kung ganoon ang gagawin ko. Kadalasan akong nagpupunta rito simula last week pagkauwi galing New York.

I immediately called Cyprian that day I came back after three long years, hindi ako nabibigo pagdating sa kanya. He's always there when I needed him, iyon ang ayaw ko sa akin.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon