Kabanata 4

90.2K 3.3K 1.6K
                                    


Kabanata 4

Date


Simula noong huling may mangyari sa aking hindi maganda ay hindi na ako pinayagan na pumasok at umuwi ng walang sundo. Parati akong hinahatid ng aming driver at naghihintay lang siya sa carpark hanggang sa matapos ang klase ko.

"Good morning!" I cheerfully greeted.

Naabutan kong naglilinis ang aming mga kasambahay sa living area, we have three maids. Si Manang ang matagal na naming kasambahay at siya ang taga pagluto ng masasarap na pagkain namin.

Ang dalawa naman ay ang taga paglinis, mayroon kaming isang quarters at doon sila nananatili. Pinag-aaral ni Mommy ang dalawang baguhan habang namamasukan dito.

Ngumiti agad ang dalawa sa akin.

"Good morning, Miss Crayon! Ganda ng gising natin, ah?"

I shrugged and grinned, nilinga ko ang entrada ng aming dining area sa kanan. I don't know why do I feel like there's someone new here. Mayroon bang bisita ng ganito kaaga? Alas otso pa lang, ah?

"Si Mommy at Ate Clar?" I unconsciously asked while staring at the dining area's entrance.

Humagikgik silang dalawa, napabaling ako dahil doon. Nagpaluan pa sila ng kanilang braso dahil kinikilig sila, what? Ano mayroon?

"Nag-uumagahan sila kasama ang bisita ng ate mo!"

"Kakaumpisa pa lang naman, mabuti pa't sumabay ka na sa kanila para 'di ka mahuli sa klase mo..."

"Sinong bisita?" takang tanong ko.

Sino naman kaya ang bisita ni Ate? May mga bumibisita sa kanya ditong manliligaw niya pero hindi naman ganito ang mga reaksyon nila noon, parang wala lang.

"Basta, hindi namin kilala pero kaklase niya ata. Jusko, day! Napakagwapo!" she said. "Kung ako sa'yo makisabay ka na roon, para makita mo siya!"

Bahagyang tinulak pa ako patungo doon, ngumuso na lamang ako at dumiretso ng lakad sa dining area.

Naabutan ko si Mommy at Manang doon na inaayos ang lamesa, si Mommy ay naglalagay ng juice sa mga baso. Si Manang naman ay abala sa paglalagay ng apat na plato roon. Isa sa kanan, dalawa sa kaliwa at isa sa gitna.

Batid kong para sa akin, kay Mommy, Ate Clar at sa kung sinong bisita niya ang mga iyon. Kumunot ang noo ko nang makitang nakaupo roon ang isang lalake, nakatunghay siya sa kanan kung saan ang kusina namin patungo.

I can't see his face.

"Loisa, pakitawag na si Cray-" Mommy stopped when she saw me heading. "Oh! Good morning, baby!"

I scanned the whole area as I walk towards the long table, lumapit ako kay Mommy para halikan siya sa pisngi. Halos manlaki ang mga mata ko nang makilala na ngayon ang bisita ni Ate Clar.

I couldn't believe this! I just can't! Damn!

Anong ginagawa niya rito? Manliligaw ba siya ni Ate Clar, ayaw kong maniwala dahil hindi talaga ganoon ang tingin ko sa kanya. Pero bakit siya narito ngayon? Iyon lang naman ang ibig sabihin 'di ba?

I held my breath, kumurap-kurap ako at napatitig lamang sa kanya. His red like apple lips were in a thin line, he shifted his gaze at me. Walang reaksyong namuo sa kanya.

I gulped and pouted my lips.

Mommy smiled and caressed my shoulders, nasa likuran ko siya ngayon. Pinilit kong umayos ng itsura dahil sa pagkahiya, I just didn't really expect this. I'm shook.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon