Kabanata 18

85.3K 3.2K 2.1K
                                    


Kabanata 18

First

"Happy birthday..." ngumiti siya ng tipid.

"Happy birthday din." I pouted a bit.

Huminga siya ng malalim at nagulat ako ng nilahad niya ang kanyang kamay. Wala sa sariling pinatong ko ang aking kamay sa kanya, he smirked and pulled me up.

"Ano na naman 'to?" natatawang tanong ko.

Hinawakan niya ang aking kamay habang higit-higit ako papalabas ng parke.

Tuwing napupunta ako sa hacienda noon ay nakikita ko siya parating mag-isa, minsan ay kasama sila Cocoy at Jepoy. Pero madalas ko siyang nakikitang mag-isa sa lawa sa malayong banda ng hacienda, nakaupo sa damuhan at nagbabato ng kung ano sa lawa.

Natatawa pa ako noon dahil naririnig ko siyang nagkakabisado ng mga tagalog words na may kasamang mura sa huli habang nagbabato ng maliliit na bato sa lawa. I guess he was learning that time.

"Let's go somewhere," he said. "I'm bored..."

Ngumuso ako. "Bakit? Paskong pasko, ganyan ang ugali mo! Birthday mo rin, you should be staying at home and enjoy with your family!"

Nangingiti ako habang nagpapahila sa kanya.

Saan kaya talaga ang lakad nito? He's just wearing a white v-neck t-shirt and a ripped jeans, sobrang simple lang at walang paghahanda. Hindi ba siya nag celebrate ng birthday niya sa kanila?

"Kaya nga ako umalis, I'm not enjoying there." tamad niyang sambit.

Natanaw ko na ang kanyang marangyang motorsiklo, na kahit kailan ay ayaw kong sakyan dahil mukhang nakakatakot roon sumakay.

Ngumiwi ako.

"Ayaw ko diyan!"

He chuckled, mas lalo akong hinila roon. Panay ang piglas ko sa kanya pero masyado siyang malakas at marahas, kailan ba naging gentle ang bwisit na ito?

Unang pagkikita pa lang namin ay sinaktan na niya ako! Paano pa kaya sa ilang beses naming nagkasama? Well, he's not really that ruthless. Pero bawat galaw niya ay may tigas at rahas parati. Ganoon na pala talaga siya.

Inabot niya sa akin ang helmet noon at inabala ang kanyang sarili sa pagpulupot ng jacket sa aking baywang, ngumuso lamang ako habang pinapanuod siya.

Isang taon pa lang simula nang makilala ko siya, pero madami na ang nagbago sa kanya. Noon ay hindi siya katangkaran, ngayon ay talagang higante na, natural din na lumaki ang kanyang katawan sa magandang paraan.

Naputol ang pagtingin ko sa kanya nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko at tinitigan lamang ang pangalan ni Spiral doon.

I sighed, hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito o hindi.

Wala rin naman akong makukuha sa kanya, oo masaya ako kung madidinig ko ang boses niya pero masisira din agad iyon kapag nagsalita siya. Sobrang gulo, gustong gusto ko marining siyang magsalita, pero natatakot rin akong masaktan.

"Decline it..."

Suminghap ako. "Bakit? Hayaan ko nalang, kunwari tulog ako."

No way, I won't reject his call! Ayokong makaramdam siya ng iba dahil sa pagpatay ko ng tawag.

He looked at me with irritation, tumaas ang kilay niya at biglang kinuha ang cellphone ko. Siya mismo ang nagpatay noon bago ibulsa sa kanyang pantalon.

Napamura ako. "Baliw ka ba!? Ba't mo ginawa 'yon!"

Ngumisi siya at nagkibit ng balikat.

"So what? He doesn't care naman, you should stop seeing him. Stop dreaming about him and study hard." tumawa siya at sumakay na sa kanyang motor.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now