Kabanata 15

85.9K 3.1K 2.1K
                                    


Kabanata 15

Beach


Sabado ng umaga ang usapan naming magkakaibigan na tutungong La Verde beach, napagdesisyunan naming isurprise si Kurt para sa kanyang kaarawan. Today he just turned seventeen!

Ako ay sa next month, December. Nakakainggit nga, e. Dapat eighteen na kaagad ako, pero dadaan pa pala ako ng seventeen. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong meron sa edad ng mga tao.

Merong ibang nagagalit kapag sinasabihan ng matanda, samantalang ako ay gustong tumanda naman. Bakit ganoon? Dapat iyong mga eighteen and above ay nakipagpalit sa akin para wala na kaming problema pareho.

I was humming while walking downstairs with my backpack, hindi ako nagpaalam kay Spiral na aalis ako ngayon. Hindi ko alam kung may pasok ba siya ngayon o tulog pa sa kanyang silid dahil wala akong anino niyang makita rito.

"Uy, sexy natin, ah?" bati sa akin ni Aura nang makita akong pababa, gumala ang kanyang mga mata sa aking kabuuan.

Pati ang dalawa pang kasambahay roon ay napatingin sa aking banda at manghang pinasadahan ako ng tingin.

Ngumuso ako at tumawa ng mahina. "Salamat!"

"Saan ang punta mo?" she asked. "Masyadong maikli ang iyong short," ngumiwi siya.

"Swimming, po. Sa La Verde..."

Kaya nga short, e. Syempre, maikli dapat. Tinawag pang short kung hanggang talampakan ang haba nito, 'di ba?

"Nagpaalam ka ba kay Sir Spiral? Baka hanapin ka noon." si Emelina ang nagsalita nang makalabas siya mula sa dining area at pumasada rin ang tingin sa akin.

Medyo ikinahiya ko iyon dahil sa ginagawa nilang paninitig, hindi ko alam kung insulto ba o paghanga. But still, I know I'm wearing a comfortable swimming outfit. Pangit naman siguro kung magpantalon at longsleeves ako roon.

"E, wala naman po siya?" I scanned the whole area, kumapit ako sa hagdanan at nilinga ang dining area kung naroon siya.

Ngumiwi si Emelina at nailing.

"Papasok pa lang iyon, baka bumaba na maya-maya. Aalis ka na ba?" si Aura. "Sino ba ang mga kasama mo at saan kayo magkikita?"

I pouted, marahan kong inayos ang aking buhok pataas para sa messy bun.

"Mga kaibigan ko lang, po. Magtetext ako kay Kurt para masundo ako rito..."

"O siya, maghintay ka na muna rito sa sala, baka maabutan mo pa si Sir na bumaba. Magpaalam ka lang at sabihin kung anong oras ka makakabalik." may kasungitang ani Emelina bago tumungo sa kusina.

Napanguso ako, ngumisi si Aura sa akin at tumayo sa likuran ng sofa sa harapan ko. Pumangalumbaba siya habang tinititigan ako.

"Kaganda mo talagang bata, Crayon. Mas maganda ka roon kay Clarine, iyong kapatid mo. Mas dalaga ka kung titingnan, e. 'Wag ka lang magnguso-nguso," she laughed.

Ngumuso ako. Hindi napigilan ang mapamaktol sa kanyang nasabi.

"Ganoon ba 'yon?" I asked. "Mas matangkad ako kay Ate kaya mo siguro nasabing mas dalaga akong tingnan," I scowled.

Tumawa siya.

"Hindi, talagang dalaga ka namang tingnan kundi lang sa mga reaksyon ng iyong mukha. Pero huwag kang magmadali, mas maganda iyang ganyan ka lang muna." she winked.

I flinched a bit, napaisip ako bigla sa mga sinabi niya. Kung mas dalaga akong tingnan kay Ate bakit mas nagustuhan siya ni Spiral? Ibig sabihin mahilig talaga siya sa 'di dalagang itsura?

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now