Kabanata 25

85.6K 2.8K 1.2K
                                    


Kabanata 25

Bwisit

"Good morning, Rabbit."

Namilog ang mga mata ko, naihinto ko agad ang paghihikab ko nang makita si Spyder sa aking harapan. His perfume was filling my fresh morning. Wearing his gray longsleeves and a black pants, his hair is bit damp.

My heart raced, why do I have this feeling everytime I see him? He really looks like Spiral, mas maputi lang si Spiral sa kanya ng konti pero all in all? They almost had the same features!

"S-Spyder!" I exclaimed, stuttering.

Damn! I really hate morning like this, sasalubong sa akin ang lalaking fresh at bagong ligo samantalang ako'y ganito. Magulo ang buhok, lukot ang suot na damit, hindi naman amoy laway pero amoy higaan.

Ano bang ginagawa niya sa ganitong kaagang oras rito? At mukhang may lakad pa siya dahil nakaporma.

He flashed his usual evil smile. Tumaas baba ang kanyang kilay sa akin.

"Good morning?" he chuckled.

"G-Good morning, b-but..."

He cut me off. "Why I am here? I want to take you out today, wala ka namang pasok hanggang sa susunod na araw, hindi ba?"

Namataan ko si Bane na nakangiti sa amin habang nanunuod na parang nangangarap pa dahil hindi niya man lang napansin na nakatingin na ako sa kanya. I guess she told Spyder about it. Kaya alam niya.

Hindi siya ganyan kay Spiral! Hindi siya ganyan makatingin dahil naiilang na agad siya roon tuwing narito ang presensya ni Spiral. Pag andito si Spiral ay umiiwas na siya at kunwaring magpapalipas ng oras sa kusina o magdidilig ng halaman sa back yard.

So what's special about Spyder? Magkamukha rin naman!

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sabay iwas ng tingin. Nagyuko ako ng ulo para magtanggal ng kung ano sa aking mukha.

He chuckled.

"I want to take you to Manila. I guess you haven't been there?"

Agad umangat ang tingin ko sa kanya, my eyes went wide because of his offer. My heart is racing at the thought of Spiral. I wanted to go there but Spiral...

"Really? Kailan? Ngayon na?" wala na, nauna ng magdesisyon ang utak ko.

"Yup, ngayon na. Pwedeng ganyan ka nalang, ako na ang bahala sa lahat." he laughed.

I frowned. "Maliligo lang ako sandali at maghahanda ng gamit."

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong mapunta roon, pero kahit kailan naman ay hindi ko naman ginustong manirahan. I just want to stay even for just a couple of days, I was really curious about that place.

Si Asthreya na taga Isla Verde at dito na pinanganak ay pumunta roon, nagustuhan na rin niya kasi hindi na siya bumalik rito, e. Ano ang meron sa Maynila?

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na rin ako dala ang aking bag. I brought at least five pair of clothes, sigurado naman akong ibabalik ni Spyder sa susunod na araw dito sa Isla Verde ulit. Hindi na rin ako pwedeng lumiban sa klase dahil marami na din akong absences.

Ngumuso ako nang makababa ng sasakyan, may isang white na bus sa tapat ng kanilang mansyon. Ang iilang bodyguards nila ay may pinapasok na mga bags sa loob noon.

Andyan kaya si Aura at Emelina? Kahit masungit si Emelina sa akin noon ay naalala ko pa rin siya. Ngayon nalang ulit ako nagawi rito, e. Kapag wala si Spiral ay tahimik naman ang mansyon. Well, kahit nariyan siya. Pero mas buhay nga lang ito kapag narito siya.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now