Kabanata 19

91.7K 3K 1.1K
                                    


Kabanata 19

Lost

"Good morning!" masiglang sigaw ko kinaumagahan.

Mangha ang aming mga kasambahay na nakasulyap sa akin, they're all busy cleaning the house this morning. Pinapalitan ng kurtina ang mga bintana at ang iba naman ay abala sa pagpapalit ng pillow covers.

"Ganda ng gising Miss Crayon," nakangiting puna ni Bane.

Siguro'y nagtataka si Bane dahil kagabi ay sobrang lungkot ko pero ngayon ay ganito ako kasigla. Hindi ko rin alam kung bakit biglang sigla ng gising ko ngayon, I feel like I bloomed like a beautiful flower.

Ngumisi lamang ako at tumungo na sa dining area kung nasaan sila Mommy at Ate Clar. Si Mommy ay naabutan kong tumutulong kay Manang na maglagay ng pagkain sa babasaging lamesa.

"Boo!" Ate Clar's loud laugh mad me jumped in surprise.

"Ate!" maktol ko.

She looked at me from head to toe, sumilay ang ngiting mangha mula sa kanyang labi. Umikot pa siya sa akin para tuluyan akong mahagod ng tingin.

"You're blooming! What's up? You were sad last night, ano ang meron at masaya ka ngayon? I guess, hindi mo gusto ang magdalaga?" panghuhula niya pa.

I smiled sweetly and shrugged.

"Butterfly knows how much I wanted to be eighteen, Ate."

Tumungo ako kay Mommy para humalik sa kanyang pisngi. Sumunod si Ate para gawin din iyon. Mommy was smiling but her eyes filled with worry.

"Good morning, Mum." masigla kong sinabi at naupo na malapit sa kabisera.

"Good morning," she smiled. "Hindi mo ba nagustuhan ang ginawang party kagabi?" 

Ngumuso ako.

"Hindi sa ganoon, Mommy. Of course, I loved it. Effort ninyo ni Ate iyon. I'd treasure that party,"

Sabay sabay kaming kumain ng umagahan, ang mga pagkain ay biglang nagkaroon ng kulay sa akin ngayon hindi katulad kahapon at noong mga nakaraang araw na dinaig ko pa ang nagdadiet.

Kumunot ang noo niya, hindi alam kung maniniwala ba sa akin o hindi. Her face suddenly brightened.

"Oh! So I guess you didn't enjoy it because Spiral wasn't around?"

Namilog ang mga mata ko, uminit ang aking pisngi sa kanyang hinula.

Mommy is aware of what I feel with Spiral, alam niya naman ang lahat sa akin. Ganoon rin si Ate Clar, I thought she'd be mad at me when I told her about how I really like Spiral. I was seventeen back then but she just smiled and cheered me.

"Mommy! Hindi naman!" depensa ko. "Ano lang... uhm," I bit my lower lip, sumimsim ako sa baso ng juice.

She teasingly smiled at me. Ate Clar choked, mabilis niya kong nilingon kahit pa kumakain.

"What? My God! Hindi nga? I saw Spiral last night here, may dala siyang bouquet for you! I never thought that he was the reason of your sadness, I just realized it now! Bigla kang blooming knowing that he's here! Nagkita ba kayo? He told me he'd wait for you."

Kumurap-kurap ako sa kawalan ng sasabihin. Wala akong masabi kundi ang mamangha sa nangyari kagabi, sa kanyang ginawa... he took my first kiss.

Shall I tell Mommy and Ate about it? Oh no, I'll keep it a secret between me and Spiral.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now