Kabanata 38

100K 2.7K 1.4K
                                    

Kabanata 38

Sunrise


Ilang araw ang lumipas ay nagpasya na magtagal pa kami sa Isla dahil masyado nga namang maikli ang tatlong araw kung sakali. I was so happy being with his family kahit na hindi naman ako gaanong nakikipag usap dahil may sariling mundo si Spiral para sa aming dalawa.

Maaga akong nagising dahil sa paghilab ng aking tiyan at pagsusuka, Spiral is still sleeping in our room. Hindi ako bumalik sa aming kwarto at lumabas na muna ng villa.

It's past six in the morning, ang nakita ko lang na gising kanina ay ang dalawang kasambahay na nag-aayos para sa umagahan. They're cooking, hindi ko nakayanan ang amoy ng malansang isdang niluluto nila kaya nagsuka ulit ako at lumabas na ng tuluyan.

Kumunot ang noo ko at hinaplos ang aking tiyan habang naglalakad patungo sa isang sun lounger sa dalampasigan, may anim na sun lounger ang nakakalat roon.

Papasibol pa lang ang araw ngayon, napangiti ako at pinagmasdan ang araw na lilitaw. The wind blew my hair, agad ko itong inayos at itinali ang aking buhok gamit ang ponytail na nasa aking pulsuhan.

Hindi ko alam kung bakit panay ang paghilab ng tiyan ko, kumain kami ni Spiral kagabi sa kwarto at ang ulam ay paborito kong tinola pero ganito ulit ang nangyari.

My tummy is swirling up and I don't know why! Ang akala ko ay dahil sa caldereta at isdang kinain namin noon sa yate, pero hindi.

Damn, what's that?

Hindi ba ako sanay sa ibang isla? Ibang karagatan? O ibang lugar ngayon? Pero nakapagtagal naman kami ng ilang araw, ah?

Muling umihip ang hanging malamig sa balat, mabuti na lamang at naisipan ko pang magsuot ng jacket ni Spiral bago lumabas ng villa. Pansin ko rin ang pangangalumata ko kahit puro pagtulog ang ginawa ko noong nakaraang araw at kahapon nang makarating kami rito.

Gusto kong tanungin kay Spiral kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero baka mag-alala lang iyon sa kalagayan ko kaya titiisin ko na lang hangga't kaya.

Hindi naman masama ang magsuka, hindi ba?

Bumuntong hininga ako at pinisil ang aking mga kamay, natanaw ko si Spyder na naglalakad sa dalampasigan 'di kalayuan sa akin.

He is wearing a boardshorts and a white t-shirt, nakapamulsa siya roon habang naglalakad sa bandang naabot ng tubig kapag umaalon ang kanyang paa. Gumagalaw ang kanyang buhok dahil sa hanging umiihip.

Tumayo ako.

"Spyder!" I called him while waving my hand.

Kunot noo siyang lumingon sa aking gawi, bahagyang nilingon pa ang paligid at likuran ko bago nagpasyang maglakad para makalapit sa akin. Nakapaa lang siya, napansin ko ang tsinelas niya sa isang sun lounger sa aking kanan.

Ngumuso ako at muling lumingon sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumitig sa akin habang nakatayo sa harapan ko.

"Hi!" I said cheerfully. "Hindi ka namamansin, ah?"

Alam ko naman kung bakit siya iwas sa akin, dahil iyon kay Spiral. Syempre, magkapatid sila at halata kay Spiral na ayaw niya akong makipag-usap kay Spyder o Jarin. But still, I wanna talk to him.

I never had a chance to talk to him in social media for the past years because I deactivated all my accounts. Hindi ko man lang siya nakumusta noong iwanan ko siya sa ospital.

Tumaas ang sulok ng labi niya at bumaba ang tingin sa kanyang paanan. He's more taller now, ang kanyang braso ay nakahubog sa hapit na manggas ng kanyang t-shirt.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon