Kabanata 5

88.3K 3K 1.2K
                                    


Kabanata 5

Letter


Pinaglaruan ko ang ballpen sa aking labi habang nag-iisip pa ng kung anong mailalagay ko sa aking diary, it's just a simple pink notebook. Iba-iba ang kulay ng pahina at parang stationary ang lahat dahil sa disenyo.

I want to list everything what would I change in my every day life, dapat masunod ko iyon sa bawat araw simula ngayon. Kailangang maumpishan na iyon, wala naman masamang maging dalaga ng maaga 'di ba?

Ano naman kung sixteen lang ako? I can be an eighteen year old look now! Iyon ba ang makakapagpadalaga sa paningin ni Spiral?

One week after we last talked sa washing area iyon, simula palang noon ay pinag-isipan ko na ang lahat ng gagawin ko. Hindi ako magbabago pero less isip bata na dapat.

I'm not changing my childishness for him, but for me. I should be mature now, nakakahiya na rin kasi sa Mommy ko lalo na't tingin niya pa rin sa akin ay isang baby!

"Ate Clar, kailan ka natutong mag lipstick?"

Kumunot agad ang noo ni Ate Clar, abala siya sa pagsusulat sa kanyang binder habang nasa center table. Nakakalat din doon ang kanyang mga highlighter at iba pang gamit na pang engineering student.

Ganoon din ba si Spiral? Engineering din ang course niya, e. Ganyan din siya mag-aral? Dapat siguro umpisahan ko na rin matuto kung paanong maging engineer.

Bumaling siya sa akin, inilapag ang highlighter na hawak.

"Why are you asking?" natawa siya, naniningkit ang mga mata niya sa akin. "May crush ka na 'no?" tukso pa niya.

Namula ang pisngi ko. Wala naman akong crush, ah? Porke ba nagtanong ako kung kailan siya natutong mag lipstick may crush na ako? May crush ba siya noong natuto siyang maglipstick?

I shook my head.

"Wala, Ate!" giit ko.

Nanunukso pa rin ang kanyang tingin sa akin, kinuha niya ang kanyang shoulder bag sa sofang nasa likuran niya at saka naglabas siya ng isang pouch doon.

Tumunghay ako sa kanya, I tucked my hair on the back of my ear and bit my lower lip. Nilabas niya ang kanyang mga make-up mula sa pouch, itinabi niya ang mga highlighter niya at tumingin sa akin.

"Para sa'yo, tint lang muna. When I was fifteen I used tint para 'di masyadong dalaga. Sapat lang sa edad ko. Kaya ikaw ganito muna..."

Pinakita niya sa akin ang Tony Moly liptint niya, cherry pink ang kulay. Marami pa siyang ganoon na nakalatag at iba-ibang kulay iyon. Pero iyong cherry pink ang kanyang binuksan, sinenyas niyang lumapit ako.

I did. I leaned closer to her.

May ganoon pala? Nasa edad kung anong nababagay na gamiting kulay? Bakit kaya? Hindi ko pa rin maintidihan kung anong mayroon sa edad.

For me, it's just a number! We're all the same human, kung pagdadaanan niya ang edad na iyon ay pagdadaanan ko din. So, anong gustong palabasin ni Spiral sa pagiging sixteen ko?

"Heto muna ang dapat sa'yo, simpleng kulay at 'di halatang meron dahil hindi pa naman talaga pwede ang make up sa highschool." she said while putting liptint on my lips.

Tumitig ako sa mukha ni Ate Clarine habang naglalagay siya ng liptint sa aking labi, maganda talaga si Ate. Magkamukha kami pero magkaiba ng tindig dahil siya ay mas higit na dalagang umasal at pumorma kesa sa akin.

Straight ang kulay brown niyang buhok na hanggang baywang, samantalang ako naman ay plain black lang na hanggang balikat.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now