Chapter 34: Realize

5.5K 145 17
                                    

"Amanda?" It's her father, "Anak, bakit gising ka pa?"

She smiled at him, "Hindi lang po ako makatulog agad."

"Si Fred?"

"Tulog po, katabi ni Tutti." Umuwi si Fred kanina sa kanila kaagad pagkagaling sa Lola nito. Ang bilis ng pangyayari sa totoo lang.

When the moment she confessed to him what happened. Hindi na siya nito pinakawalan. He kneeled in front of her, apologizing for the things he didn't even do and know.

He wanted to start again. He wanted for them to be a family. Ang dami nitong plano at lahat... possible.

She could now see the possibilities she didn't see before, "Anak, masaya ako para sa 'yo. Gusto kong malaman mo iyon,"

"Alam ko naman po iyon, Pa."

"Pero may sasabihin ako sa 'yo na gusto kong pagisipan mo nang mabuti." Tumango siya rito at ibinigay ang buong atensyon sa ama, "Huwag kang magpakasal kay Fred..."

Amanda was surprised. Hindi siya nakahinga kaagad pero nang bitiwan niya ay kasabay nang pag-gaan ng pakiramdam.

It's as if God just heard her right now. No, He heard her. This was His response. He used her father.

"Hindi dahil sa hindi ko siya gusto, dahil alam mo namang pamilya na rin ang turing namin sa kanya ng Mama mo, pero Amanda... May kailangan pa kayong isuko sa Panginoon."

She couldn't speak. Bakit sakto lahat ng sagot sa kanyang tanong?

Nang makauwi sila ni Fred dito sa Pilipinas ay inaya na siya nitong magpakasal. He even talked to her parents about it. Kulang na lang pauwiin lahat ng kapatid niya para mamanhikan na.

Amanda realized that she still in love with Fred. Hindi naman nakakagulat lalo na may anak pa silang dalawa na mas nagpapaalala sa kanya ng pagmamahalan nilang dalawa.

But... The problem was... She still has full of fears and doubts. Tama ang Papa niya, mayroon pa siyang kailangan isuko sa Panginoon.

She couldn't make the same mistakes, again. That caused her years away from the man she loves. Kung darating man ang pagkakataon na kailangan niyang ulit pakawalan si Fred, hindi na dapat sa paraan na ginawa niya noon.

Bumalik na siya sa kwarto at nakitang inihiga ni Fred si Tutti sa crib. What a sight to see. Hindi niya lubos akalain na darating ang oras na makikita niya ito muli.

"Hindi makatulog ang isa kong baby?" Lumapit ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Are you okay?"

Tumango naman siya, "I am..."

"But?"

"Huh?"

"Alam kong may kasunod. C'mon, love. What is it?" He pulled her to bed and cuddled beside her, "Share it to me."

She sighed. Pulling up all her strength to say those words, "I'm not marrying you," naramdaman niyang mas humigpit ang yakap nito sa kanya, "I-I just..."

"You don't need to explain, Aims. Naiintindihan kita,"

Doon siya napatingala dito. Hindi inaasahan na maririnig niya iyon mula dito. Knowing Fred? He doesn't take no for an answer.

----
"Fred?" Hindi alam ni Fred kung papaanong papakalmahin ang sarili matapos harapin ang Lola niya. Ngayon naman, ang Daddy niya. "You're home."

"Dad." Nagkatitigan silang dalawa at kahit walang salita ay nagkaunawaan. "What are you doing here?"

"I'd like to ask the same." He smirked, "Kumain ka na ba? Do you want to join me for early dinner?" Tatanggi na sana siya pero kusang tumango ang ulo niya dito.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon