Chapter 6: Yes

7.2K 218 14
                                    

"Yes?" She went back to her senses, "Was it good?"

Tumango na lang siya kaagad at umatras rito. "Maganda, Fred. Siguradong magugustuhan ni Camilla at mapapa-oo siya sa 'yo." She dryly smiled, "Oh, ito na---" Napangiwi siya nang kaunti dahil parang hindi niya mahubad iyon.

"Wait ha," Ano bang problema nito? Bakit ganito? 

She tried to remove the ring but it got stuck!

"Are you okay?" He asked, "Do you need help?"

Umiling siya, "Wait, let me just..." Pero ayaw talaga!

"Ayaw, Fred." Sinubukan niya pa ulit.

"Let me try," Hinakawan nito ang kamay niya at sinubukang hilain iyon sa daliri niya. Napa-aray siya dahil masyadong mahigpit, "Sorry, sorry..."

"Dahan-dahan, Fred." Nako, baka masira pa itong singsing dahil sa kanya!

"Just stay put, Aims." anito, "I'll be gentle, okay?" Sinubukan na naman nito pero ayaw talaga. Baka naman mabali ang daliri niya!

"Wala ka bang pampadulas diyan?"

"Pampadulas?"

She nodded,"lotion o oil? Baka kailangan para dumulas."

"H-Ha? I don't use lotion nor oil." He sighed, "Konting tiis lang, Aims. Wait," She tried not to scream in pain but she can't.

"Aray, Fred...."

"Almost there, Aims." He gritted his teeth at siya naman napakapit na rito.

Natigilan lang sila nang biglang pumasok ang Lola nito, "Eric, ano ba ang ginagawa--" she stopped. Agad niyang tinago ang kamay sa likuran niya.

"P-Po?"

"Goodness, akala ko kung ano na ang ginagawa niyo." She giggled with embarrassment! "I'm sorry..."

"What are you talking about, La?"

Tumawa pa itong muli, "Our maids heard you a while ago sa baba but never mind, pagagalitan ko nga," she said, "Akala nila may maagang nagbabagong taon rito..."

Fred was still dumbfounded with it pero siya nagets na niya. Anong akala nila, may nagpuputukan rito?

Hoy!

Napapikit siya. Hindi niya man lang naisip iyon kanina. Lola naman, eh!

"Uuwi rin po ako kaagad." Nagkatinginan sila ni Fred, "Pwede bang mag-CR?"

Tumango naman ito, "Turn right, you'll see my bathroom." Agad siyang pumunta sa tinuro nito. She locked the door and went to the sink.

Idadaan na lang niya sa sabon. Jusko, lumilikot tuloy ang isip niya. She applied an amount of liquid handwash and tried to take it out. Bakit naman kasi biglang nagkaganito, ang dali lang ng pagkakapasok sa kanya biglang ang hirap tanggalin!

"Amanda, are you okay?"

"Shit!" Napasigaw siya sa gulat at nabitawan ang singsing. Gosh! "Oh my god, Fred!" Na-shoot ito sa butas!

"Hey, what happened?" Agad niyang binuksan ang pinto at sinabi rito ang nangyari, "What!" Hindi naman ito nagtaas ng boses, sadyang kinabahan din.

Hindi mura ang singsing! Nako po, wala siyang pamalit doon.

"Sandali, tatawag ako ng tulong---"

"No! They can't know. It's a surprise..." Napahawak ito sa batok, "Wait, I have an idea." Binuksan nito ang cabinet sa baba at doon nakita ang pipeline.

Lumuhod doon si Fred at may ginawa, "Huy, alam mo ba iyan?"

"Oo naman---" but the water just burst!

"Hala!" Napaluhod din siya kaagad nang bilang sumirit ang tubig! "Mali yata yung nahila mo!" Hinawakan niya rin ang pipe para hindi ito masyado mabasa, but it's too late.

"Amanda, bitawan mo." Sambit nito, "Basang basa ka na!"

"H-ha? Baka bumaha dito!" Ang dami pa rin!

"Titigil iyan. Bitaw na," Pinauna siya nitong umalis at nang ito na ang bumitaw ay paunti-unti nga itong tumigil, "Mali ako ng nahila. Ito pala dapat," Isang mabilis na galaw ay nakuha na ni Fred ang singsing.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Amanda nang nakita iyon at napaupo na ng tuluyan sa sahig, "Hay, salamat..."

"Mabuti na lang at naagapan natin." Anito, "Okay ka lang---" Agad itong napatalikod at inabot ang bathrobe sa kanya.

Doon niya napansin na basang basa ang dibdib niya at humubog. Napatakip siya at agad na kinuha ang inabot nitong robe.

"Wait here, I'll get you some clothes." Nang bumalik ito ay inabutan siya ng dark blue na cotton shirt, "Iyan lang ang mayroon ako na kasya sa 'yo. Napagliitan ko iyan kaya baka sakto."

She nodded, "Pasensya na ulit. Ikaw din magpalit ka na,"

"No worries, sa labas na ako magpapalit. Ikaw na rito,"

Napatingin siya sa sarili. Ano ba itong nangyayari. Matatapos na lang ang taon, ganito pa.

She removed her shirt and put on his. Ang bango. Kumakapit pa rin ang amoy ni Fred kahit na napaglumaan na daw nito.

Sinuklay niya ay medyo nabasang buhok. At nang sa tingin ay mukha na siyang tao ulit ay lumabas na siya.

Nakaupo si Fred sa kama at nakatingin sa singsing, she walk towards him and sit beside him, "How are you feeling?" Tanong niya, "Handa ka na?"

He sighed deeply, "For the past few weeks of spending time with her somehow I felt ready. She's good, kind and loving... Maybe it wasn't so bad after all."

Wala na siyang nasabi pa pagkuwa'y tumango na lang.

"Good luck then." Tumayo na siya at ngumiti rito, kahit na kabaligtaran ang nararamdaman niya.  "Just let me know if you need anything, okay?"

Nang tatalikod na siya at lalabas ng silid ay naramdaman niya ang marahan nitong paghawak sa kamay niya.

She looked at it first. Kung kanina ay may ginaw na nararamdaman, ngayon naman ay init mula sa palad nito na dumadaloy sa buong sistema niya.

"Thank you," He sincerely said, "For everything, Aims. I really don't know what I'll do without you."

She went home that night. Habang ang lahat ay excited sa pagsalubong sa bagong taon. Siya naman ay parang ayaw na tumawid doon.

If she could only repeat the short moments earlier. When he rehearsed his proposal spiel and just play make believe that it was for her. She'd do it.

Nang pasapit na ang alas-dose ay nagsama-sama sila ng magulang.

"10, 9, 8...." The countdown has started, nasa labas sila ng bahay at nakikipagsabayan sa mga nagiingay. Dahil bawal na ang paputok, puro torotot na lang ang mayroon, "7,6,5..."

Inakbayan siya ng magulang at parehong ngumiti sa kanya, "4,3,2,1!"

"Happy New Year, anak!" She greeted them back. Then, she felt her phone vibrated. It's Fred.

Fred:
She said yes.

Fred:

😊

Fred:

Happy New Year, Aims! Thank you for everything.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon