Chapter 5: Propose

7.3K 191 9
                                    

New Year's Eve
December 31,2021

Madaling araw gumising si Amanda dahil kailangan na niyang asikasuhin ang ilang putahe na lulutuin para mamaya sa media noche.

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang single siya, ngayon single pa rin.

Joke!

Nang lumabas ng silid ay nakita na niya ang magulang na papaalis dahil pupunta sa bagsakan para bumili ng fresh na gulay, karne at isda.

Siya naman ay naging abala para sa dessert. Gagawin na niya ang leche flan at maja blanca ngayon para mamaya ay appetizers naman.

Mabilis lang ang oras. Nakabalik ang magulang bandang ala-siete ng umaga. Nakaidlip na rin siya saglit dahil nakasalang na ang leche flan at pinapatuyo na niya ang maja.

"Anak, hiwain na natin ito. Ang Papa mo daw ang magiihaw para sa tanghalian natin." Tumango naman siya at nagsimula sa paghihiwa ng ibang rekados.

Ang Mama niya ang naka-toka sa main courses. Syempre, menudo, shanghai, pancit, at pininyahang manok na request niya.

"Anak kapag naluto ito, ipagbalot mo si Fred."

"Opo," Pupuntahan niya rin talaga ito para dalhin ang singsing na naorder nila online. It was named as Ring Venice. It is a 585 white & rose 0.28 carat diamond ring. Siya mismo ang pumili niyon.

Natawa pa siya nang deliver iyon kahapon. Chinismis pa siya ng deliveryman. Paano, nagcongratulations ba naman outloud? Akala tuloy ng kapitbahay ay ikakasal siya.

Sana naman.

How she hope that Camilla would feel that this ring has been chosen carefully.

Saktong alas-singko ay nakapagbihis na siya at naihanda na ng Mama niya ang kailangan niyang bitbitin. Since Fred resides in Taguig and she is from Cavite, pinasundo na lamang siya ni Fred sa driver nito.

Hindi naman nagtagal ang biyahe, salamat sa Skyway, at nakarating sila kaagad sa bahay ng mga Santiago.

Bawal pa naman ang party. But, Madam Carmelita manages to still make it look like a celebration.

Sina Camilla, Sabrina at ang asawa nito ang invited. Natawa siya nang sabihin iyon ni Fred. Wala siyang choice dahil best friends ang dalawa.

"Hi Amanda!" Bati ni Madam sa kanya, "Happy New Year."

"Happy New Year din po." She replied.

"Are you going to join us later?"

Umiling siya, "Hindi po, uuwi din ako kaagad.
May pinapabigay lang po si Mama."

Kaagad naman niyang nakita si Fred, my kausap ito sa phone at sa pagkakarinig niya ay si Camilla iyon.

"Sige po, excuse me po. May iaabot lang din po ako kay, Fred."

"Sure, go on." Bumalik ito sa pagaasikaso ng decors kasama ang ilang kasambahay.

Since Fred has decided to marry Camilla, he really made way to spend time with her. Lalo na at nasa bakasyon si Sabrina kasama ang asawa nito last two weeks.

"Thank God you're here..."

"Pinabibigay nila Mama," Kinuha nito iyon at inamoy. Fred loves the food that was made by her mom, kaya naman gustong gusto rin siyang paglutuan. "Para sa inyo rito."

"Nagabala pa kayo. Thank you, nagpabalot din ako ng para sa inyo" He said, "Dala mo na ba?"

Tumango siya, "Yes. It's here. Gusto mong makita?" Agad nitong pinigilan ang kamay niya nang akmang ilalabas sa bag.

"Huwag dito." He whispered, "Doon tayo sa terrace," Sumunod siya rito at umakyat sila sa second floor. Malaki ang bahay at maaliwalas, nakakatuwa na namintina ng ganito ang buong bahay, ang sarap magpahinga.

She wondered why Fred doesn't go home here. Mas maganda naman rito kaysa sa condo nito. But, she could understand, too. Sometimes, it's really not about the house, but the homey feeling that makes us wanna go home.

Pumasok sila sa silid nito. She could tell based on the color schemes and design. Cool lang at simple. Lumabas sila sa terrace doon, ang sarap ng simoy ng hangin!

"Let me see?" Inbot na niya rito iyon. He smiled so wide, looking impressed when he saw it, "Wow, ang galing mo pumili, Aims... Thank you.."

Of course. She tried to smile, kahit na masikip sa dibdib ang pinakiusap nito.

"Welcome..." Napabuntong hininga ito nang malalim, "What's wrong?"

Fred looked at her in the eyes, "I-I actually didn't know what to say... Luluhod ba ako? Hindi kaya baka magulat naman? What if she would say no?"

Pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa balikat, "Fred, just tell her how you feel.. from here." Turo niya sa dibdib nito pagkuwa'y hawak sa baba nito para magtugma ang mata nila, "at tingin sa mata."

"We're not a couple, do you think she will say yes?"

Kabado talaga ito, "May makakahindi ba sa 'yo?" She let out a chuckle just to ease his tension.

"Aims..."

"Just take a deep breath, Fred." She inhaled and slowly exhaled, "Kaya mo iyan!"

Ikaw, Amanda. Kaya mo pa? Isip niya.

"Okay," Tumango ito, "C-Can I try?"

Magprapractice ito? Sa kanya?

"Sige na. Then you can tell me where should I improve." Kumbinsi nito. She found herself nodding. Fully accepting without reservation. "Okay, here it goes..." Tinago nito ang singsing sa bulsa.

He closed his eyes and sighed deeply. Nang imulat nito ang mga mata ang diresto na kaagad sa kanya. Hindi bumibitaw, hindi lumilihis. Nakapako sa isa't isa.

Slowly, Fred held her hand and smiled lovingly at her. "2020 was not the best year of our lives, but it was the year that I've met you."

She smiled and nodded, encouraging him to continue. So he did, "I may lost my Mom but if I were going to find meaning in that loss, it was you. Since then, you never left my side. You fought battles alongside me and I am forever grateful."

Amanda tried to swallow but she can't. Paano niya nakakayanan ito? It's like she's in her death sentence now.

"2021 was enough for me to know that I want my year 2022 to be all of you." Unti-unti na itong lumuhod at kinuha ang singsing sa bulsa, "You deserve the very best, someone who will back you up without limits, let you grow without borders, and love you without end. Will you let me be the one?"

"Yes" She replied like it was for her.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now