Chapter 18: Love

5.5K 157 12
                                    

Halatadong nagulat ang kapatid nang buksan nito ang pinto at siya ang nakita, "Eric?"

"You've looked like seen a ghost"

"You looked like one." Ngumisi ito at niyakap siya, "Come in... Misra, Ezra your Uncle Eric is here!" Tawag nito sa kambal na anak.

Excited na nilundag siya ng yakap ng mga ito. Ang bilis din nilang lumaki, parang kailan lang nabubuhat niya pa itong dalawa gamit ang tig-isang braso.

"You didn't call me. Sana sinundo kita sa airport."

He smirked, "You drive?"

"Ang yabang!" Nagkatawanan silang dalawa.

Carmen doesn't drive before. Noong nandito siya sa Sydney ay palaging siya ang nagmamaneho ng sasakyan nito dahil takot sa kalsada ang kapatid.

But, something has changed.

Hindi na sila ulit nagkaroon ng pagkakataon magkakwentuhan dahil dinumog na siya ng dalawang pamangkin.

Misra and Ezra was conceived through IVF. Dalawang beses na kasing nakunan ang kapatid kaya sinubukan nito at ang asawa nito ang ganitong proseso.

They are both cute. Mas bibo lang si Misra kaysa kay Ezra. Ezra was the chill one. 

Kung magkakaanak siya, paniguradong cute din. He dreamed to have a child, to be a husband and be a father.

Kung babae papangalanan niyang Charlotte. Kapag lalaki papangalanan niyang Callum.

Tapos palalakihin nila ni Amanda iyon ng...

Bigla siyang napailing. Was he thinking about having a family with Amanda?

"How are you doing?" Tanong ng kapatid nang maabutan siya sa patio at nakaupo. Dito siya dumiretso nang nakatulog na ang dalawang pamangkin sa pagod, "I've heard hindi na tuloy ang kasal mo?"

Inabutan siya nito ng hot chocolate.

He smirked, "Why do you look so happy?"

"It's not that I don't want you to be happy," She said, "But, I just don't see Camilla with you..."

"Really? May iba ka bang nakikita?" He chuckled.

"Don't tell me you still don't know?"

"Know what?" Hinipan niya ang inumin  at dinama ang naghalong init mula sa iniinom at malamig na simoy ng hangin na humahampas sa pisngi niya. 

"Camilla's married." He said, that made Carmen looked at him, "All this time, she was married. I was dumb not to get her investigated ever since."

"You were too scared to find out something you are not ready to know. Lalo na tungkol kay Mommy,"

Ladies and gentlemen, Carmen Santiago- Curtis.

"Eric, do you think the reason why I didn't go back to the Philippines was because I'm running away from the responsibility that Mom left?"

Napatingin siya sa kapatid at sandaling napaisip. All he knew was the reason she left.

It was because of her dream.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now