Chapter 29: Smile

4.7K 146 7
                                    

They stayed in a four-star hotel named Hotel PaPa Whale. Namangha kaagad si Amanda sa itsura ng Taiwan, mula pa kanina sa daan hanggang dito sa tutuluyan nila.

Ang ganda!

"Amanda, tayong dalawa ang magkasama sa room," Mich said, "Denver and Caroline, here is your key card. Nelvin and Betty. Shaun and Elton,"

"There they are!" Napalingon sila sa isang lalaki na kaagad lumapit kay Mich, "How was your flight?"

"It was smooth," Sagot naman ng huli, "By the way, this is Dale," She introduced him, "He's our tour guide, and also my business partner."

Tumingin ito sa kanila at ngumiti sa lahat, "Hi, so let's get you settled! You can rest for this morning, later we will be having lunch all together. Then maybe you can stroll around on the afternoon. Bukas ang start ng tour natin,"

Nauna na ang 3 pares sa elevator. Naiwan siya, si Mich, si Dale at Fred sa baba. "Fred, si Dale ang kasama mo sa room." Mich said.

"Hi, Fred. It's nice to finally meet you, ikaw ang bukang bibig nitong kaibigan ko---" Siniko ni Mich ito para tumigil, "Gustong gusto niya pumunta doon sa farm resort mo,"

Nagsalubong ang tingin nila ni Fred. Siya ang unang umiwas dito, "Yeah, pwede naman kayong pumunta doon. Mas maganda na ngayon dahil marami ng renovations ang natapos,"

Oh, natapos na pala ng bubuyog iyong project. Kumusta na pala iyon? If Carmen introduced Fred to Mich, maybe those two didn't work out at all.

Nang makapasok sa silid, namangha na naman si Amanda. It's cozy and spacious. Maganda din ang view mula sa bintana nila.

"Amanda, I'm going to take a nap. Ikaw ba?"

She sighed, "Baka umidlip din ako, but who knows..."

Tumango ito, "Dalawa ang key card, tig-isa tayo. If you'll go out, bring one okay?"

"Okay,"

Sinubukan naman ni Amanda na matulog. But, she's too awake to even close her eyes. Si Mich ay mabilis na nakatulog, pagod din siguro.

Pinagmasdan pa niya ang lugar. She smiled, dadalihin niya ang anak dito kapag nakaipon na siya. Isasama niya ang magulang para naman makapagbakasyon.

Aha! Tatawagan nga pala niya ang mga ito. She turned her phone into airplane mode at kinuha ang sim card na binigay ni Fred.

Naalala na naman niya ang eksena kanina. Parang pelikula iyon nangyari dahil nagkaroon ng slow motion sandali sa pagitan nilang tatlo.

Bumilis ang tibok ng puso ni Amanda. Hindi niya dapat nararamdaman ito! "Kalma," tinapik tapik pa niya ang dibdib at pinagpatuloy ang gagawin.

When she successfully inserted the sim, agad niyang binuksan ang cellphone. She got instantly connected to messenger at agad na tinawagan ang magulang.

"Oh, kumusta ang biyahe mo?" Sabi ng Mama niya, "Okay ka naman?"

"Opo, si Tutti po?" Agad niyang hanap sa anak na kaagad pinakita ng ina, "Hi baby... Miss ka ni Mama... Anong ginagawa mo po? Kumakain ka na? Wow... Very good naman iyang pretty na iyan..." Bumungisngis si Tutti sa kanya at agad siyang napatawa.

"Anak, magpahinga ka muna. Maaga kang gumising kanina, at anong oras pa lang!" Ani Mama, "Kami na ang bahala dito sa anak mo. Magenjoy ka diyan, ha?"

"Si Papa po?"

"Nasa labas nagpupunas ng sasakyan," Sagot nito na medyo natigilan, "Okay ka lang ba, anak?"

She was caught off guard, "Po? Opo, Ma... Ok lang po ako," She bit her lip.

"Oh siya, magiingat ka anak. Ba-bye!"

Napahiga siya muli sa kama. Hindi talaga siya inaantok. Hmm, what should she do? Labas na lang kaya siya? She can explore the hotel as well! Aha, tama nga.

Hindi naman na siya nagpalit ng damit. Nagtoothbrush lang at nagsuklay lang siya at kinuha ang bag pagkuwa'y lumabas na.

Nagulat siya nang makasalubong si Fred na papalabas din kasama ni Dale, "Hi Amanda!" Bati ng huli, "Are you going out, too?"

"Oo, hindi ako inaantok kasi." She answered, "Kayo ba?" Her eyes locked on Fred's, agad niya rin iniwasan iyon.

Somehow, his gesture with her makes her uncomfortable. Hindi ito ang expected niyang reaksyon ni Fred sa unang beses nilang pagkikita mula nang... umalis siya.

He seemed so calm and composed. Hindi kaya naka-move on na? Tila parang may pumiga sa bandang kaliwang dibdib.

"Why not let's go together? I'll walk you to the not so busy street here. Umaga pa kasi, usually gabi ang madaming bukas na establishment rito," Dale said and walked towards the elevator, nahuli sila ni Fred. Pinauna pa siya nito. See?

"So, how did you know, Mich?" Dale asked while on the elevator.

"Hindi kami ang makilala. I met her through Charles." She said which Dale recognized him, "He wanted me to take this trip..."

"Wow, that's very sweet of him." Dale commented and the door opened. Nang makalabas sila sa hotel ay agad niyang nalanghap ang simoy ng hangin ng Taiwan.

It was really different in the Philippines.

"Ang daming 7/11 rito at Family Mart, ano?" That's the first things she noticed, "Halos magkakatapat."

"Yes, it's like a coffee shop here. Sa atin kasi sa Pinas convenience store lang, but here, ang daming pwedeng mabili." He said and they started to walk around.

She opened her phone and took some photos. Isesend niya iyon lahat sa GC nilang pamilya para makita nila na maganda ang lugar.

"Do you want me to take you a photo?" Fred asked and handed his hand. Napatitig siya sandali sa kamay nito at hindi namalayan na inabot na pala niya ang cellphone rito.

He stepped back and positioned the phone in front of her, "Okay, 1-2-3- smile!" And she did smile.

Dalawang litrato ang kinuha nito at akmang ibabalik na ni Fred ang phone ay kinuha iyon ni Dale, "Kuhanan ko kayo dali."

"Ha?"

"Dali, sayang iyong view." Dale said and motioned them to stand with each other, "Closer naman, parang magkaaway."

Si Fred ang lumapit sa kanya at humarap sila sa camera, "Thank you," she said and walked towards Dale.

"Welcome--" He paused and looked at her phone, "Wow, ang cute naman ng anak mo!"

Shit!

"Anak?"

Hindi palamura si Amanda pero... Shit talaga!

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now