Chapter 14: Awake

6.1K 166 6
                                    

"Amanda?" 

That was the first word that he said when he regain consciousness. Umuusok ang sasakyan at agad niyang nakita si Amanda na duguan at walang malay.

Adrenaline came over him, agad niyang inalis ang seatbelt at dinaluhan si Amanda, "Aims... Wake up..." He cupped her face yet he saw blood, "Aims..."

Ilang sandali pa ay may narinig na siyang ambulansya, "Sir, can you hear me?"

"H-help her," He asked, "She's not...responding..."

Inilabas na siya sa sasakyan at nakita niyang may umaasikaso na kay Amanda. Agad siyang tumayo para daluhan ito pero pinigilan siya ng medic, "Sir, we need to get you to the hospital---"

"I'm not gonna leave her." Lumayo siya at nilapitan si Amanda. They got her a neck brace, nasa stretcher na rin ito at pinasok sa ambulansya "Amanda..."

"You can go with her," ani ng medic, "Let's go, team!"

Malapit lang ang ospital kung saan sila dinala. Hawak niya ang kamay ni Amanda at hindi ito binitawan hanggang sa dinala ito sa emergency room at O.R.

He was left in the emergency room. They've treated his wounds and put him on an arm brace, "Fred!" It's Camilla. "What happened?"

"I'm okay..." He said. Kanina pa siya naghihintay sa doctor ni Amanda. Wala pa ring lumalabas, "Thanks for coming,"

"Si Madam na ang nagpunta sa presinto. She wanted to see the CCTV," tukoy nito sa Lola niya, "Just rest for a while, okay?"

Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor, "Mr. Santiago, the operation went well. We already removed the glasses na maaring pumasok sa ulo niya. We just need her to wake up, but base on the x-rays, CT Scan, everything is normal and stable."

"Can I see her now?" Tumango naman ito at hinatid sila sa silid ni Amanda. She has tubes connected on her, halos maputla ang mukha. "Hi, Aims... I'm here..."

Agad nilang tinawagan ang magulang nito pagsapit ng umaga. Amelia was crying upon seeing her, si Simon naman ay gustong malaman kung aksidente lang ang lahat o kung may kailangan managot.

"Sobra kaming nagalala... Kaya pala..." Umiiyak pa rin si Amelia, "Anak, gising ka na..."

"Paano ka susunod sa amin sa Switzerland kung hindi ka gigising?" He was surprised with what her father said, "Gumising ka na at sabay-sabay na tayong pupunta doon."

"Pupunta po kayong lahat ng Switzerland?"

Humarap si Amelia sa kanya, "Oo, Fred. Siya ang dapat mauuna doon kaysa sa amin. Magreresign na siya sa inyo pero hindi natuloy..."

He didn't know that. Amanda never said it. Ngunit kung iisipin, hindi naman niya tinanong. How could he be such a bad friend?

He didn't know about her plans, her feelings, or anything! Hindi niya alam kung masaya pa ba ito.

"W-Why did she stay?"

Nagkatinginan ang magasawa, "Hindi niya rin sinabi sa amin, Fred. She just said she can't go yet... Na mas importante pa sa coffee shop na pangarap niya ang dahilan bakit siya mananatili rito."

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now