Chapter 11: Date

6.3K 180 5
                                    

"Aalis ka?" Fred directly asked, "Amanda, what's going on?"

Agad na napailing si Amanda. She was caught off guard! 

"Sila Mama lang," agad niyang nasagot.

Gusto niyang sampalin ang sarili. It was the perfect moment to inform him yet she didn't grab the chance, pero hindi kasi iyon ang gusto niyang sabihin rito.

May mas importante kaysa sa pagalis niya.

She has to tell him about Camilla's real civil status. She has to tell him that Camilla is already married to a man named Wesley Klein. 

She has to tell him before he gets hurt. Kahit na alam niyang hindi nito mahal si Camilla kagaya ng pagmamahal niya kay Fred, she knew that he is capable to like her. Fred was willing to be inlove with her and that choice will hurt him.

Minsan lang magdesisyon si Fred para sa sarili tapos ganito pa.

"Paano ka?" She went back to her senses when Fred asked, "Sino ng makakasama mo sa inyo?"

"Ako lang. Kaya ko naman." Although lumaki si Amanda na kasama ang tatlong mga nakakatandang kapatid at magulang, hindi naman siya hinayaan ng mga itong nakadepende sa iba.

Since she is the only girl child, siya ang nag-conform sa mga kapatid. She can do electrical, semi DIY handy stuff.

"Are you sure? I can look for a helper, para may kasama ka sa bahay."

Gusto niyang matawa. Hindi niya kailangan ng helper! 

Umiling siya, "No, it's okay." Hindi rin naman siya magtatagal doon, in few months time she would look for a family who would rent the place. "Don't worry about me, Fred. I live in a private village, if safety ko ang inaalala mo."

"I'm just concern, okay?"

Dumating na ang pagkain nila at patuloy lang si Fred sa pagkukuwento tungkol sa kanila ni Camilla. As much as it pains her, natutuwa siyang makita ang ngiti ni Fred.

Nalilihis siya sa planong sabihin rito ang totoo. Why?

Camilla makes him a better man. Tila nawala ang makapal na maskara na hindi mahubad ni Fred. Hindi na lang siya ang pinagkakatiwalaan nito, he has Camilla.

Umuwi si Amanda na bitbit pa rin ang sikretong kasal na si Camilla. Hindi ba dapat masaya siya? Dapat masaya siya na kasal na pala itong tao. Dapat masaya siya na hindi matutuloy ang kasal ni Fred sa huli.

But, could she really see him hurt like how he was with Sabrina? 

Nahahati ang puso at isip niya. 

Hanggang sa makarinig siya ng pagkatok sa pinto, Papa niya ito.

"Amanda, hindi ka na ba kakain?" Pumasok ang Papa niya sa silid, "Okay ka lang ba?"

She smiled, "Oo naman po. Kayo po ba?" Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya.

"Okay naman na lahat. Ikaw na lang ang iniisip namin ng Mama mo," anito, "Huwag ka naman masyadong magtagal rito, ha? Sumunod ka agad sa amin para magkasama-sama na tayo ulit."

She embraced him back, "Oo naman, Pa. Iyon naman po ang plano,"

"Kailan mo plano sabihin kay Fred?"

She sighed, "Hindi ko pa po alam," aniya, "Hindi rin po alam kung papaano."

"Ikakasal na pala siya, imbitado pa kami sa engagement party."

"Nako, Pa. Hindi matutuloy dahil pinamove ni Madam Carmelita. Mga next month daw," Aniya, "Baka po nakaalis na kayo niyon."

"Ikaw na lang ang magabot ng pagbati namin kay Fred sa araw na iyon. Mamimiss kita, anak." Mapagmahal na sambit nito, "Unang beses na mawawalay ka sa amin. Ikaw pa man din ang babae,"

"Ano ka ba, Pa. Ikaw kaya nagturo sa akin paano lumaban o protektahan ang sarili ko." Pampalubag loob niyang sabi, "Isa pa, wala kayong dapat ipagalala dahil kaya ko ang sarili ko."

"Hindi naman mawawala sa aming magulang iyon." Anito, "Basta palagi kang tatawag, ha?"

"Pangako, Pa."

Kinabukasan ay wala na naman si Fred. He has business conferences scheduled for the rest of the month. Kailangan nitong paghusayan ang pagpapakita sa bawat conferences dahil doon ito maaring makakilala ng mga investor at sponsor.

Okay na rin. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang magsisinungaling rito.

"Amanda, tulala ka diyan." Si Samuel, "Okay ka lang?"

Tumango siya, "Oo naman. Bakit?"

"Miss mo na?" Pangangasar nito, "Grabe, makairap. Binibiro lang naman."

"Tigilan mo ako, Samuel. Wala ako sa mood," Totoo naman iyon, "Natapos mo na iyong monthly report? Papasok na ang Marso, kailangan na natin maipasa iyon para mapirmahan."

"Grabe, nilagpasan ang Valentine's?"

"Samuel, maniwala ka sa akin. Mabilis lang ang araw," anito.

"May gagawin ka sa Lunes?" Tanong nito, "Anong plano mo sa Lunes?"

Umirap siya, "Magtratrabaho,"

"Grabe, araw ng mga puso pero work pa rin?"

"Ano bang gusto mo, Samuel?"

"Ikaw." He playfully smirked, "Labas tayo sa Lunes after work? Please?"

"Hindi ka nireplyan  ni Miles?" Bumagsak ang balikat nito at nawala ang ngisi, "Yikes. Basted ka?"

"I hate you,"

Tumawa na siya rito. Huli! "Gagamitin mo pa akong  tool para pagselosin si Miles! Kilala na kita, Samuel."

"Shut up." Tumalikod na ito at bumalik sa upuan. Matagal ng nililigawan ni Samuel si Miles, pero dahil ayaw ni Miles sa spoiled brat ay palagi itong basted.

It is one of the reason why Samuel put up with this job kahit na kaya naman nito magnegosyo na lang.  He was whipped.

Nilapitan niya ito at niyakap, "Oo na. Samahan na kita," Hindi naman niya matitiis ito, "Ano ba need kong suotin?"

Nagpipigil ito ng ngiti, "Pwedeng sexy little red dress?" Binatukan niya ito, "Aray!"

"Hindi magseselos si Miles sa babaeng mukhang kinulang ng tela sa suot." Anito.

"I know, Miles. Just dress up, okay?"

"Fine."

Ngumiti na ito sa kanya, "Thank you, Amy."

"Amanda." Nagulat siya at nakita si Fred na nakatayo na pala malapit sa kanila, "I forgot some of my files." Nakakunot ang noo nito.

"What? Binigay ko na lahat kay Mandy." She said, "It's all set, Fred." Tumingin ito kay Samuel na nakabalik na sa harapan ng desktop.

"May kailangan ka pa ba?"

Matalim siyang tinignan nito, "I need you to do your job during office hours, Amanda."

She didn't know where did that come from, "Y-Yes, Sir." Nilagpasan na siya nito at hindi na lumingon.

What did just happen?

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat