Chapter 33: Home

4.7K 123 12
                                    

"Kanina mo pa ako tinitignan ng ganyan,"

"Masama bang titigan ka?" He smiled at her. Parang tumalon na naman ang puso ni Amanda, "Ang tagal kaya kitang hindi nakita."

"It has been three days, Fred. Hindi ka pa ba sawa sa mukha ko?"

"You knew me better than that, Aims."

Hindi na sila nakasunod kila Mich. Wala din naman plano si Fred na sumunod dahil gusto lang nitong masolo daw siya.

"Saan pala tayo pupunta ngayon?" They just had dinner and spend the night walking.

"Fourplay," he said, "You're gonna love it there."

Nang makarating sila doon ay isa pala itong cocktail bar. They also serve foods but their speciality is really drinks.

"Ang tagal ko ng hindi umiinom," she said out of nowhere. Tinignan siya ni Fred na parang hindi naniniwala, "Sira, oo nga. I am breastfeeding so even I was allowed to drink just a good portion, hindi ko na rin ginawa dahil baka makasama pa kay Tutti."

"You're a good mother," He held her hand and kissed the back of it, "Thank you for sharing everything to me. It feels so good to know it."

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. The bartender asked for their order at dahil walang menu na ibibigay ay diniscribe lang ni Fred ang gusto niyang inumin. Habang siya naman ay iniisip kung anong gusto niyang matikman.

"Aims, I have a question. You can be honest with me,"

"Ano iyon?"

"Didn't you see anyone?" He asked, "I mean, it's impossible na walang nagkagusto sa 'yo?"

She looked at him in the eye and smirked, "Why did you ask?"

"Because I am very eager to fix this family," seryoso nitong sambit sa kanya, "Hindi lang ako sa anak natin babawi. Kundi maging sa 'yo, Aims."

Saktong sakto na dumating ang inumin nito. Parang natuyo ang lalamunan niya kaya kinuha niya kaagad iyon at ininom ng isang lagok.

"Aims!" He was surprised then he chuckled, "Slow down, love." Pinunasan nito ang labi niya.

Ano ba itong inorder nito? "You drink that?"

"Hindi naman kasi dapat iniinom iyon ng isang bagsakan," He amusingly explained, "See this lemon and salt? You need to do this first..." Kinuha nito ang palapulsuhan niya at pinahid doon ang dalawang sangkap na hindi niya naman naisip na kasama pala.

Nanginig ang buong kalamnan ni Amanda nang maramdaman ang mainit nitong labi at dila na dumulas sa balat niya.

"Fred,"

"You do it." He pushed the plate of lemon slices with salt on her. Tinignan niya iyon sandali at sinubukan ang ginawa ni Fred. He handed his thumb on her. Very classic, Frederico.

She looked into her eyes and saw the a fire being ignited at the moment. Fred pulled her chair closer to his, "You know how to play, huh?"

"Do not play fire with fire, Mr. Santiago." Nagkatinginan sila sa mata at sabay na nagtawanan. It was a good night after all. Fred just allowed her to drink at least two glasses.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now