Chapter 10: Busted

6.4K 174 5
                                    

Camilla Rose Salvador alleged to have been born on March 26, 1993 in Imus, Cavite to Sandro Cuesta Salvador and Claudia Rose yielded one (1) mostly likely match(ed) in our National Indices of Marriages.

Napaupo si Amanda sa nabasa. Tama siya ng hinala! Camilla is indeed married.

She was married on June 7, 2018 in Dimiao, Bohol. That was three years ago!

She is married with Wesley Cameron Gutierrez Klein. Agad niyang hinanap ang pangalan nito sa Google at lumabas ang isang custom company na nasa Cebu.

"Good morning, this is Julie Balthazar of CRS Custom Brokerage Inc., how may I help you?"

"Can I speak with Mr. Wesley Klein?"

"Who is this?"

She sighed, "This is Amanda Dela Paz, I need to speak with him. It's about his... Wife."

"I can rely the message to him, Ms.Dela Paz. Mr. Klein is currently busy as of the moment."

"This urgent, Julie." Pilit niya, "I need to speak to him now!"

"Alright, let me connect you. Please hold for a while," Sandali siyang naghintay at nang may sumagot ay babae pa rin ito, "Julie--"

"This is the CEO's office. How can I help you?" Sino na naman ba ito? "Who are you?"

"I'm Amanda Dela Paz, I need to speak with Mr.Klein regarding his wife, Camilla Salvador."

"Another scammer, huh?" Anito, "Look, Ms. Dela Paz, this isn't the first time someone fooled us with this information. Stop bothering Mr. Klein, he is not interested!"

Binaba nito ang tawag na kinagulat niya. Damn it! Hindi niya alam ang gagawin.

For a moment, when she requested this CENOMAR, hindi na siya masyadong umasa na tama ang hinala niya.

She just wanted peace of mind. Lalo na parang sinasbi ng paligid na totoo ang kutob niya.

Ngayon naman na nandito na siya, hindi na niya alam ang gagawin. Should she tell him? Should she let him see this?

Sinadya niya ito sa PSA noong isang araw para makuha talaga ang impormasyon within the day. She sighed, "Amanda! Dumudugo ang ilong mo!" Agad niyang nakita ang dugo na tumulo sa ilong niya.

Maagap na inabot ni Samuel ang tissue para sa kanya, "Anong nangyari sa 'yo?" Puno ng pagaalala ang mukha nito.

"Hindi ko alam,"

"Madalas ba nangyayari ito?" Umiling naman siya, "Ngayon lang?"

"Baka sa panahon lang," aniya, "Okay lang ako, Samuel. Hindi naman ako nahihilo."

"Amanda?" Si Fred, "What happened to you?" Naalarma din ang ekpresyon nito.

"I'm okay,"

"Sir Eric, dumugo po ang ilong." Pagimporma ni Samuel rito, "Sandali po at ikukuha ko ng tubig,"

Umupo si Fred sa swivel chair ni Samuel at binantayan siya, "High blood ka siguro."

This nosebleed of hers is actually normal. Yes, Amanda is high blood. Namana niya sa Mama niya iyon.

"Amanda, ito na." Nagpasalamat siya sa kaibigan, "Ayaw mo ba magpadala sa clinic?"

Umiling siya, "Hindi na. Normal lang ito," Tumingin siya kay Fred, "Why are you here? Ang sabi ni Mandy, you have an appointment with Francis Libiran?"

"Wala akong kasama," ani Fred, "I need you to come with me."

"Bakit ako?"

"You're my best woman!" Sagot nito na parang nalimutan niya pa. The truth is, she didn't agree.  "Please?"

The next thing she knew, pumasok na sila sa boutique ni Francis Libiran.

May tatlong suit na pinakita kay Fred. First, he was given a black tuxedo. Sinukat iyon ni Fred at pinakita sa kanya.

"How was it?" Kailangan pa lumunok ni Amanda para matikom ang bibig, he really looked dreamy with it. "Bagay ba ang bow tie sa akin?"

She nodded. Lahat naman bagay rito.

The next one is a beige suit, "Can I?" She offered to help him wear the suit, nagkatinginan sila sa salamin.

"What do you think?"

"Bagay din sa 'yo." She smiled.

At ang huli naman ay black suit. Syempre, bagay pa rin rito. Mukha ngang naweweirduhan na si Fred sa kanya dahil puro bagay ang sagot niya.

"Hello!" Pumasok na si Francis Libiran, "Have you chosen a style?"

Ngumiti si Fred dito at tinapik siya, "What do you think?"

"Y-Yung pangalawa at huli, mamili ka na lang sa dalawa." Aniya.

"We can incorporate the two if you like. That's why I'm here." He smiled, "Anyway, when is the wedding?"

"In 6 months," sagot ni Fred, "It's kind of fast."

"Sa taong inlove, walang mabilis." Francis laughed, "How about you? We have a lot of bridal gowns on the show room."

Napailing siya, "Ay, hindi ako yung bride."

"She's my best woman," ani Fred. God, bakit po ganito kahirap? Fred really anticipates her to be there!

But, it will be impossible! Kasal na si Camilla.

"I'm sorry," He said, "But, we can make your dress. Do you want to try?"

"Hmmm..."

"Go ahead, Amanda. I got you," Fred said. She was assisted by Francis Libiran's staff. May dalawang dress na pinakita sa kanya.

She just cooperated and tried the first one. It's a beige off shoulder dress, hindi ba siya mukhang bride sa itsura niya?

Nang matapos sila doon ay nag early dinner na sila ni Fred. Fred was talking about the preparation of their wedding, kung anu-anong pinapagawa ni Madam Carmelita sa kanila.

Maging ang kapatid nito na si Carmen ay kinukulit na umuwi. Of course, Carmen would attend. Hindi niya pa iyon nakikilala sa personal pero nagkausap na sila ilang beses noon.

"Amanda!"

"Tita Elaine." Nagulat siya at napatayo para magmano, "Kumusta po, anong ginagawa niyo rito?"

Tita Elaine is Kuya Hugo's mother-in-law! Kung hindi ba naman talaga maliit ang mundo.

"This is ours," anito, "Buti nakilala kita. You looked beautiful!"

She blushed, "Salamat po," Tumingin siya kay Fred, "Kaibigan ko po pala, si Fred."

"Hi," Dahil pandemic pa rin ay nag-bow lang si Fred dito at bumati, "ikaw yung boss ni Amanda, hindi ba?"

"Yes, Ma'am." Sagot ni Fred.

"Nakakatuwa naman na magkaibigan pa rin kayo kahit na aalis na itong si Amanda." Nagulat siya doon! Hala, Tita Elaine. "Nakwento pala sa akin ng Kuya Hugo at Ate Eleni mo na nakapagpasa ka na ng application. Tuloy na tuloy na talaga kayo sa Switzerland, ano?"

Nagkatinginan sila ni Fred. Nagiba ang ekspresyon sa mata nito, "Sino pong pupunta sa Switzerland?"

"Sila Amanda. Next month na alis ng magulang mo, ano? Pakisabi safe travels, ha."

"Aalis ka?" Fred directly asked, "Amanda, what's going on?"

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now