Chapter 24: Place

5.1K 157 4
                                    

Architect Bianca Navarro is like a walking temptation. Iyon ang napansin ni Amanda pagkakita pa lang rito.

The way she introduced herself, somehow she knew that it will be this woman who she has to keep an eye on.

It was a quick meeting since Arch.Navarro asked if she could just rest for a while. Mabuti na lang at ito ang nagsabi dahil kung si Fred ay paniguradong pipigilan pa ni Madam.

The next day, Fred had to leave for his meeting. That's the first reason why they went to this place, it's more on business rather pleasure.

But, she's okay. Somehow, she enjoyed this quiet moment for herself.

"Good morning, Ma'am." Bati sa kanya ng staff, "Pinapadala po ni Sir Eric para sa inyo,"

Napatayo siya, "Ano daw iyan?"

"Breakfast mo po, Ma'am." Nakangiting sambit nito, "These are all freshly harvested dito sa farm."

Nanlaki ang mga mata niya nang buksan nito iyon at naamoy ang pagkain. Ang sarap! "Thank you, ha?"

"You're welcome, Ma'am. Enjoy your food," Lumabas na din ito kaagad at naiwan na nga siya. She saw a note with his penmanship. Kung hindi ba naman din malakas magpakilig iyon!

After breakfast, she took a shower and decided to stroll outside. Magandang maikot ang lugar kaysa naman nasa loob lang siya ng silid at manood ng TV.

"Good morning, Ma'am!" Bati sa kanya ng mga nakakasalubong na staff. Halos lahat magagalang at totoo ang ngiti. Hindi napipilitan o nagkukunwari.

Walang bulaklak sa farm na ito. Kung mayroon man, kakaunti. Mas marami ang pananim na iba't ibang klase daw na halaman at iba naman ay herbs.

"Hello po!" Isang batang lalaki na kung titignan ay maaring nasa 5 taong gulang o 6. "Ang ganda mo po."

Natawa siya doon at lumebel ng upo rito para magpantay ang mata nila, "Anong pangalan mo?"

"Alexei po."

"Ang ganda naman ng pangalan mo, anong ginagawa mo rito? Nasaan ang magulang mo?" Tanong niya kahit hindi naman mukhang nawawala. Halatadong kabisado pa ng bata ang lugar kaysa sa kanya.

"Nagtratrabaho po ang Papa ko. Ang Mama ko naman natutulog kasi inaantok po siya..." He innocently said, "Gusto mo pong sumama sa amin?"

"Saan ba ang sa inyo?"

Turo nito sa hindi kalayuang villa. Mukha nga iyong village. Nakakatuwa ang resort na ito, sa sobrang laki parang ang daming nasa loob.

Nagpahila siya kay Alexei papunta sa tinutuluyan nito. There she found out that his parents are workers here in Gunita, "Alexei, nakakahiya at dinala mo na naman dito ang guest." Ngumiti sa kanya ang Papa nito.

"Jandro po, Ma'am." Nakipagkilala ito, "Pasensya na po kayo sa anak ko."

"Amanda na lang," Umiling siya, "Walang kaso iyon. Wala rin naman akong ginagawa. Natutuwa nga ako at nalibang ako nitong si Alexei."

"Jandro, may bisita ba?" Lumabas sa isang silid ang sa tingin niyang nanay ni Alexei. Kaya pala tulog ang Mama nito dahil nagdadalang tao, "Ay, magandang umaga po... Pasensya na po at inabala kayo ni Alexei."

"Asawa ko po si Elaine," pakilala ni Jandro sa asawa.

"Nalibang naman ako sa mga kwento niya papunta rito," Tumingin siya sa tiyan nito, "Malapit na?"

Tumango ito, "Opo. Kahit anong oras po ay maari nang lumabas itong bunso namin. Magkakaroon na rin ng kalaro itong si Alexei."

"Matagal na kayo rito?" Pagiiba niya ng tanong, naghanda si Jandro ng inumin habang si Elaine ay sinamahan siya sa mesa.

"Dito na po kami nagkatuluyan nitong asawa ko." Tumawa ito, "Hindi pa man ito kay Sir Eric, nandito na kami."

"May ibang may-ari nito noon?"

"Oo, pero muntik na rin itong isarado at gagawan ng pabahay. Mabuti na lang at sinikap rin ni Sir Eric na mabuhay ulit." Ani Elaine.

Wala pa lang tumutubong mga halaman rito nang maayos at palaging namamatay. Natutuyo din ang lupa kaagad kaya mas lalong nawawalan ng pagasang mabuhay.

"Akala nga namin ay mapapaalis na kami rito. Mabuti naman at hindi," ani Jandro at tumabi na s asawa, "Iba rin talaga ang may kaalaman sa ganitong bagay. Hindi rin iyon pinagdamot sa amin ni Sir Eric kaya madami din kami natutunan at nai-ambag para mas maging maayos ito"

Gunita before was just a farm, then it expanded. Fred found some investors to make it a resort. Marami din pa lang mga artista ang nagpupunta rito para magpahinga.

Si Jandro ang isa sa mga taga-mintina ng mga pananim rito. Si Elaine naman ay isa sa staff ng resort pero dahil malapit ng manganak ay naka-maternity leave na ito.

"Maraming salamat ha. Pasensya na at napahaba ang kwentuhan," Buong maghapon na pala siya doon! She enjoyed the food they prepared, maging si Alexei ay napakaraming kwento.

She was on her way back to the villa when she saw Madam Carmelita and Architect Bianca. Naglalakad lakad din at parang may pinaguusapan.

She smiled since she couldn't avoid them, "Good afternoon po," She greeted them at bumati naman ito pabalik.

"Oh, Amanda." Tawag ni Madam sa kanya, "Can you set up the dinner over the garden patio?" Tinuro pa nito kahit na alam naman niya

Tumango na lang siya pero may dinagdag pa itong utos, "Also, inform your Sir Eric to join us in dinner. Okay?"

"O-okay, Ma'am."

"Oh wait" Tawag naman ng architect sa kanya, "Can you also send some cleaner in my room? I spilled my coffee sa bed kaninang umaga."

She sighed, "O-Okay."

"You're very nice!" She smiled and chuckled, "Anyway, Madam. Let's go back to our conversation about Eric."

Naglakad na ito papalayo. Hindi na niya narinig ang iba pang pinagusapan pero alam niyang gusto ni Madam si Bianca para sa nobyo.

She cleared her head and just did what they say. The dinner at the garden was served, nagpapunta na rin siya ng cleaner sa silid ni Bianca.

Wala pa rin si Fred sa silid nang makabalik siya. So, she just laid down on the bed and when she was just beginning to clear her head, may kumatok naman bigla.

It was the same staff who brought her breakfast. Nahihiyang ngumiti ito sa kanya at may inabot na damit.

It's a black dress na katulad ng suot ng kaharap niya ngayon, "Pinabibigay po ni Madam. You are expecting in the kitchen din po within 10 minutes."

Hindi na kailangan pang magisip ni Amanda. She know what Madam was doing. She's putting her in place.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Where stories live. Discover now