Chapter 51

5.2K 115 3
                                    

Akala ko masaya na magkatapos ng lahat ng nangyari. Ang saya-saya. Pero mukhang totoo nga na. ..pagkatapos mo maging masaya, sunod ay ang kabaliktaran nito.

"Are you going?" Though his face are emotionless, those sweet eyes can't lie.

"Marcus. .."

Kanina lang ay tumawag ang bodyguard ko kay Marcus at nang ipasa niya sakin ang telepono ay sinabi nito na papunta na si Greg sa Manila. Kailangan ko na daw umuwi.

"Please. Stay here. With me." Hinawi nito ang buhok ko na tumatakip sa mata ko.

Agad akong napakagat ng labi. Hindi pwedeng bigla na lang ako mawala sa piling ng magulang ko. Hahanapin nila ako hanggang sa mahanap nila ako. And worst, baka malaman pa nila kung sino at ano ang kasama ko ngayon.

"I really want that but--"

"Then stay. You want it. So you'll stay. Simple as that."

"Marcus. .."

"Don't make this so complicated, Lumiere." Iritasyon na ang nangingibabaw samin.

"It is complicated!" I hissed.

"Damn!" Tinalikuran niya ako. "Then go!" He walks out.

I bit my lip to prevent myself na habulin siya at sigawan. Gusto kong maayos ang usapan namin, hindi iyong mag-aaaway kami. Pero he just fucking walked out right in front of my face na, parang wala siyang pakialam!

"Bullshit." Napaangat ako ng tingin, kasabay 'non ang pagyakap niya sakin. "I'm sorry baby. .."

I cried. Niyakap ko ito pabalik. "I promised na babalik ako. Why won't you believe me?"

"I just can't imagine myself a day without you."

Napangisi ako. "I'm really sorry if I have to do this but. ..I really need to do this. ..para sa'tin."

"Wow. For us?" Hinawakan nito ang balikat ko bago ilayo ang sarili niya sakin. "Meron ba'ng tayo?" He bit his lip. Parang kinakabahan pa ito sa sariling tanong niya.

Napanguso ako, pinipigilan ang ngiti. Ewan. Kinikilig ako. "Bakit? Wala pa ba sa lagay na 'to?"

Ilang segundo niya akong tinitigan kaya ako naman ang kinabahan. Tae. Hindi niya ba gusto ang sinabi ko? Bakit ganyan ang reaksyon niya?!

"Shit." Aniya bago ako halikan. Matapos ang ilang minuto ay nilayo niya sa'kin ang labi bago isandal ang noo niya sakin. "Even if you promised na babalik ka, I can't help it Lumi. Call it a big drama or what. Naiisip ko na wala ka. ..it stings baby."

I just smiled. "I'll be back."

Tahimik akong nakatulala sa kawalan. Ang sasakyan papunta sa mansyon ay masyadong tahimik. And I don't feel talking right now.

Hindi niya ako hinatid, dahil sa business niya. He really insist pero ang sama ng tingin sa'kin ni Rama kaya I pushed him to his work.

Mabuti na nga lang at pumayag. Isang oras din kami nagtulakan. At kung wala si Rama, malamang si Marcus ang naghatid sa'kin palabas ng base nila. Hanggang doon lang since bawal niya ako ihatid hanggang mansyon, na ikinaiirita niya talaga at hindi maintindihan.

I sighed.

Paano ko ba aayusin 'to? I have Greg. Paano ko sasabihin? We are okay noong nasa sariling bansa kami. Pero ngayon? Ang bilis magkagulo ng lahat.

Too fast that I didn't even know how it all started.

"Madame?"

Agad ko itong nilingon. Ngayon ko lang napansin na nasa harap kami ng mansyon. I just nod before getting out on the car. Nakita ko naman si Greg sa harap, wearing his big smile.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon