Chapter 24

11.2K 214 6
                                    

"Marcus, slow down." Mahigpit akong napahawak sa seatbelt. Kita ko ang pagtagis ng panga nito then pressed his lips together. Na para bang pinipigilan niya ang sarili na sumabog sa galit.

Imbes makinig sakin ay nanatiling mabilis ang pagmamaneho nito. "Marcus! Bagalan mo ang sasakyan! Kung ayaw mo ay baba na lang ako!" I hissed.

Kinakabahan ako. Mukhang wala siyang balak makinig sakin. Mukhang sarado ang isip niya!

"Then what? Baba ka? Tapos ano? Babalik ka kay Greg?"

Napaamang ako. "Ano 'bang sinasabi mo, Marcus? Sayo na nga ako sumama! Hindi pa ba sapat 'yon?"

"Sumama ka kasi gusto ko! Kasi kailangan mo! Tangina, kahit saglit ba ginusto mo na makasama ang katulad ko? Huh?"

Ano 'bang sinasabi niya? Siya ang pinili ko kasi sya ang gusto ko makasama! Why can't he see that?

"Stop the car." Hindi siya pwedeng mag-drive ng galit. Baka mapahamak kami. Mali ang iniisip niya. Mali ang pag-iisip niya.

"What?!"

"Marcus, itigil mo 'to!"

Agad niyang iginilid ang kotse. Bumaba agad ako at nilibot ang aking tingin. Hindi syudad 'to. Mapuno dito at tila gubat. Walang kailaw-ilaw at madilim. Malamig na 'rin dahil gabi na.

Kinatok ko ang bintana ni Marcus. Agad naman niyang binuksan ito at tinaasan ako ng kilay.

"Bumaba ka na. Hindi maganda mag drive na puno ng galit."

Suminghap muna siya bago tuluyang bumaba. Dumiretso ito sa hood ng kotse at doon naupo. Ako nama'y tumingala at malinaw 'kong nakikita ngayon ang mga bituin. Sigurado ako malayo na kami sa syudad. Saan kaya ako nito dadalhin?

"You didn't answer my question, Elicia." Napatingin ako sakanya. Kita kong nakatingin 'din ito sa kalangitan kagaya ng ginagawa ko.

Now he look more calm. That's more like it.

I slightly smiled bago tumingin sa taas. "I am almost six months with Greg. ..Pero alam mo hindi siya pinili ng singsing para siya ang magpatuloy sa misyon ko."

"Sasabihin mo ba sakin na kaya ka sumama sakin ay para matuloy ang misyon mo?" Iritado ang boses nito kaya nilingon ko na siya.

"Hindi pa kasi ako tapos!"

"Dammit! Wala akong panahon para malaman ang kwento nyong dalawa! I just want to know if. .."

"Sumama ako sayo kasi kailangan. Hindi kailangan kita kasi para sa misyon ko. Kailangan ano kasi. .." Kailangan kita.

"What? Kasi wala akong nakikitang ibang dahilan-"

"Ikaw mismo 'yong kailangan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero--"

"Now tell me. ..do you love that man. ..too?"

Napatingin na ako sakanya ng tuluyan.

Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari bago kami makarating dito sa mansyon niya. Hindi ito 'yong dati naming inuuwian. Ito ay estranghero sa paningin ko. Ni hindi ko alam kung saang lugar ang kinalalagyan ko ngayon.

Napaigtad ako ng may kumatok sa kwarto. It must be Marcus since kami lang namang dalawa ang narito.

"Hi!" Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko ang nakangiting si Avy sa'kin. "Gusto lang sana kitang ayain kumain? Uh, nakakain ka na ba ng breakfast?" Agad akong umiling kaya bumaba na kami agad.

Taming the Mafia Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن