Chapter 23

12.2K 213 10
                                    

"RAMA naman!" Sigaw sakin ni Verix. Tinaasan ko nga ng kilay.

"Ang kapal ng mukha mo 'ah! Kagabi ako na bumili ng pagkain natin tapos ngayon, ako ulit? Aba, umaabuso ka! Shoo!" At iwinasiwas ko ang isa 'kong kamay na parang isa siyang aso.

Niyakap niya ang braso ko. Puta, nagsitayuan ang balahibo ko!

"Pre, ano ka ba? Hindi tayo talo. At lalong bahala ka sa buhay mo." Nababahala kong sambit. Marami pa akong pangarap sa buhay. At hindi kasama sa plano ko ang jowain ang baklang 'to!

"Hoy! Hindi ako bakla!" Lalong lumapit sakin si Verix.

"Stop mind reading me! Nakakatakot ka!"

Lumayo siya sakin. "Hindi ako mind reader! I only do observe the body language and--"

"Kahit na! You creepy psychologist!"

Lumobo pa ang pisngi nito kaya lalo akong napangiwi. Bakla talaga 'to. Noong una hindi ko pa halata, pero nawala lang si Boss saglit 'eh nagladlad sa harap ko! Paano na ako? Paano kung dalhin ako nito sa ka-federasyon n'ya? Nay! Marami pa akong pangarap sa buhay! Oh--

"You're over reacting Vinz. Hindi kita dadalhin sa ka-federasyon ko at wala ako 'non gago."

Medyo napangiwi ako. Ako pa ang minura niya 'eh siya nga 'tong nakakatakot! Nagpapabili lang ng pagkain ang gago pero kailangan yakapin pa ang braso ko?! Hokage!

"Hindi ka mukhang kachansing-chansing, Vinz." Iling niya at ang mukha nito'y parang pinagsuklaban ng langit at lupa. "Kaya lang naman ako dumidikit sa'yo para kahit papaano'y mahawaan ka ng ka-gwapuhan ko." Malayo ang tingin niya na parang nawala sa kamay niya ang Yamashita's Treasure.

I grinned. "Ka-gwaguhan ka'mo."

Tumingin siya sakin. "Kailangan mo pa ba 'non? Galing nga sayo ang source ng kagaguhan na kumakalat dito sa pilipinas tapos manghihingi ka pa sa isang tulad kong hashtag humble lang?"

Lalong umasim ang mukha ko. Parang mas maasim pa ang itsura ko panigurado sa isang nakasinghot ng pinaksiw na galunggong.

"Hindi ka ba natatakot sa sarili mo? Isa kang psychologist pero mukhang ikaw ang psycho. Oww, creepy!" Sabi ko sakanya ng may magandang tono. Minsan naiisip ko nga na sa ganda ng boses ko, pwede akong sumali sa The Voice. Kaso lang walang iikot dahil lahat ng coaches ay hindi deserve ang ginintuang boses ko.

"You're grinning like an idiot again, Vinz. Pinapaandar mo na naman ang malakas na hangin diyan sa utak mo."

"Hoy, hoy, hoy! Ikaw tigil-tigilan mo nga ako kaka-obserba mo! Alam mo bang pwede kang patawan ng parusa--"

"Hindi halatang abogado ka. Abugago pwede pa."

"Aba. .sumasagot ka na Cristian?!" I strangle his neck.

"What the fuck--nagpapabili-- ako ng pagkain! Tapos--" binitawan ko ang leeg niya at umayos ng upo sa sofa.

"Seriously dude, ginising mo lang ako para bumili ng pagkain mo?" Inis na ako ah. Alam kong siraulo si Verix and he's quite weird, pathetic, old hag, stupid--pero ang gisingin ako sa magandang pag tulog ko?

Ibang usapan na 'yon dude.

"No. I just want you to piss off. Seriously." Humagalpak siya ng tawa. At ang sarap pasakan ng bunganga nito ng mansanas at ipalunok ito sakanya ng buo. Medyo napaatras siya palayo sakin.

"Oh, dude. Ano, alam mo naman siguro ang kaso mo pag sinaktan mo ang poging tulad ko?"

Agad kong pinatunog ang mga daliri sa kamay ko. Pang-ready lang. Kailangan ko 'to para maayos ang pagkakasapak kay Christian at matahimik na sa 9th circle of hell.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now