Chapter 45

5.3K 107 1
                                    

"Hello?" Inayos ko ang aking bag pagkalabas ng coffee shop. Kinausap ko sila Rama, Kian At Verix. I apologize for what I have done. ..And they gladly accepted it.

Si Marcus lang talaga ang maarte. And speaking of Marcus.

Napatingin ako sa aking telepono. "Marcus?!"

"Oooh! Hindi ako nagsalita pero kilala mo ako?" Tumawa siya. "Ikaw 'ah." Tudyo nito.

Pinatay ko ang tawag. Mukhang wala naman siyang balak na magsalita ng matino 'eh. Nang makapasok ako sa kotse ay agad ako tinanong ni Kuyang Guard kung saan ako pupunta.

Medyo kumunot ang noo ko ng may makita akong nakakatakot na lugar sa isip ko. 'Yong lugar sa libro ko--kung nasaan ang Factory ng isang Mafia sa'king libro.

I wonder kung totoo 'yon. .. Well, since wala naman akong magawa, hahanapin ko ang lugar na 'yon. Kahit alam kong hindi naman mage-exist 'yon kasi nga sa panaginip ko lang iyon.

Itinuro ko kay Kuyang Driver ang lugar kung saan ako pupunta, at laking gulat ko na habang papatagal ng papatagal, nakikita ko na ang lugar kagaya sa panaginip ko!

And then, wala ng ibang building rito. Puro bermuda grass na lang. ..Kagaya sa panaginip ko.

I wonder. ..kung totoo rin ang base o factory ng Mafia? Ang galing! What a coincidence! Kagayang-kagaya sa panaginip ko ang lugar na isang malawak ng talahiban, at sa dulo nito ay 'yong factory.

Ma-try ko ngang puntahan. Malay mo, totoo rin? Napatawa ako sa'king naisip.

Hindi uso ang mafia dito sa Pilipinas, Lumiere. Tsk!

"Manong, baba na po ako rito. Maghintay lang po kayo diyan."

Alanganin pang tumango ang aking bantay, ngunit wala na siyang nagawa. Nagsimula ako maglakad sa talahiban kung saan ang dahon ay aabot sa beywang ko.

"Oh. Nakakatuwa naman. Parehas na parehas sa libro ko." Bungisngis ko.

Makalipas ang kalahating oras ay isang patag ang tumambad sa'kin. Sementado ito kaya kumunot ang aking noo. Sa gitna ng talahiban, may daanan ng sasakyan?

Anong ginagawa nito dito?

Agad kong sinunod ang tinatahak ng sementadong daan. Habang tumatagal ay nawawala na ang mga matatayog na dahon at napalitan ito ng mga naglalakihang puno. Ang daan ay bahagyang madilim na dahil sa punong humaharang sa sinag ng araw.

Creepy. Kumunot ang aking noo ng makita ang isang gusali sa dulo ng kalsada. Matatayog ang pader nito kaya't hindi ko alam kung anong mayroon sa loob.

Napaatras ako. Parehas na parehas sa'king panaginip.

"Huwag kang gagalaw." Agad nanigas ang aking katawan ng may malamig na bagay ang dumampi sa leeg ko.

Napapikit ako. God. Napangiwi ako ng marahas niya akong hilahin.

Nagsimula nang dumagundong sa kaba ang aking puso. Anong nangyayari? Bakit biglang ganito?

"Tsk. Lagot tayo kay Boss pag nalaman niyang may babaeng kusang nagpunta dito. Natiktikan 'ata tayo." Wika ng lalaki sa likod ko.

Agad akong napalunok. Boss? Lagot sila? Natiktikan? Sino ba kasi sila?!

"P-Pakawalan niyo ako. ..please." Doon na tumulo ang aking luha.

Tumawa lang ang lalaki at madiing hinawakan ang braso ko. "Mukhang original ang babaeng 'to ah?"

Lalo akong nakaramdam ng takot sa sinabi nito. Please. Iligtas niyo ako.

"Ilalagay ba natin 'to sa aliwan?"

Aliwan?

"Oo naman. Malaki ang kikitain natin dito ano. Ilagay mo na 'yan sa likod."

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now