Chapter 38

6.3K 129 0
                                    

"DAMN!" Mariing sigaw ni Andrei at tinapon ang kanyang telepono. He looked like going to cry. Sa sobrang galit niya ay nilapitan nito ang lalaking isa sa mga namamaril.

Sa hinaba-haba ng marthon namin, siya lang ang nakuha namin-- or natira sa hinahabol namin.

"Tell me, sinong nag-utos nito?" Tanong niya. Agad umiling ang lalaki kaya binaril niya ito ng walang pag-aalinlangan. Nandito kami ngayon sa gitna ng gubat dahil sa paghabol ng mga lalaking 'yon.

Hindi rin namin sila namukhaan dahil nakabalot sila ng itim na tela. Mula ulo hanggang paa. Noong inalis ko ang face mask ng lalaki ay hindi ko ito kilala.

Si Verix ay inayos ang gulo na nangyari sa beach. Lahat ng nakasaksi ay pipilitin niyang paniwalain na they won't be harm by what they saw. Si Avy nama'y agad sumunod kay Verix.

"Rama." Tawag ni Andrei. "Ihanda mo ang kotse. Aalis tayo." Wika nito at tumayo. Tahimik kaming sumunod sakanya.

Bakit umuulit ang pangyayari? I really thought they can have their happy ever after now. Pero panibagong gulo na naman.

Kalmado si Andrei. He manage to look calm though he felt like his world were going to break once again, because of his love.

Hindi ko alam kung paano kami natunton ng mga lalaking humahabol kay Lumi--Not unless. ..there is a traitor?

Tinignan ko ang aking kasama. Minus Verix and Avy. Wala sila dito. I eliminated Andrei at the list.. .Kahit si Kian ay pagdududahan ko.

"What are you thinking?" Tanong ni Kian. Ngumisi ako sakanya.

"Ikaw." Totoo naman.

"So blunt." Iling niya pa at hinila lang ako papalapit sakanya. Nako, konti na lang talaga! Iisipin kong crush rin ako nito!

Mabilis magpatakbo si Rama ng kotse. Halos dati ay sumisigaw kami dahil sa bilis nito. Pero ngayon. ..Kinakabahan kami para kay Lumi. Walang gusto na magsalita. ..

May traydor talaga sa grupo namin. Hindi kami matutunton kung wala. ..Pero sino? Bakit?

Itinigil ni Rama ang kotse niya. "Dito ako tinuro ng GPS mula sa telepono ni Greg."

Walang sasakyan sa paligid. Nasaan sila?

"Damn it!" Wika ni Andrei at bumaba. Nagdire-diretso siya sa gilid ng kalasada!

"Nandon sila?!" I shrieked. Bumaba rin kami at naghanap sa ibang parte. Pababa ang lupa kaya medyo nahirapan ako kasi baka anytime dumulas ako!

"Kaila, wala sila diyan. They've found them." Pigil ni Kian sakin. Tumango ako at sumunod sakanya.

Nang makarating kami don, isang kotse ang nadatnan namin na nabunggo sa puno. Bukas ang pintuan ng passenger seat. Si Greg lang ang naroon! Duguan, walang malay!

Agad siyang pinagtulungan ng mga lalaking kasama namin, upang alisin siya sa sasakyan. Wala si Lumiere! Wala siya!

"Alam kong hindi tayo matutunton. Not unless may magsasabi sakanila, mula sa grupong ito." Madilim na wika ni Andrei. "You're going to die, you traitor. Even you're a mafia boss or underboss. I'll do everything to have your death in a cruel way." Umalis ito sa harap namin.

Sumunod naman si Rama. Kaming tatlo nila Kian ay narito pa rin sa kinatatayuan namin.

I sighed. Sino? Sino ang traydor na 'yon?

Akala ko matatapos na ang problema nilang dalawa. Finally, Greg let her go. Masaya silang nagyayakapan kanina. I didn't see that it will end up like this.

At ang pinagtataka ko, bakit nakalimutan ni Lumiere si Andrei--kahit na sinabi ng doctor ay wala itong naging deperensya sa utak niya. Walang shock o ano na pwedeng maging dahilan ng selective amnesia niya. Tsaka noong una, hinahanap niya pa si Andrei!

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon