Chapter 39

6.1K 131 13
                                    

Agad kong minulat ang aking mata. Hinihingal ako dahil pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi humihinga.

"Gising na siya."

Nang maalala ko ang nangyari ay agad akong kinabahan. The drug! May drug na namang dumadaloy sa katawan ko!

"Tsk. Lagot tayo kay Boss nito pag nalaman niya 'to. Suppose to be dapat tulog pa siya kasi iyon ang ini-set ko."

"P-Pakawalan niyo ako!" Ramdam ko na parang may humihila sakin papatulog. Pero hindi pwede. Ayoko. Baka hindi na ako magising. Hindi. Hindi!

"Nagsasalita pa siya." He sounded so disappointed!

"A-Ano bang kailangan niyo? P-Please! Pera? Huh?" Ayoko gamitin ang kapangyarihan ko pero iyon na lang ag choice ko! Ang gamitin ang aking pangalan!

"How rude of you, Miss Lumiere Rinaldi." He sighed. "Hindi namin kailangan ng pera. We need you. Your voice. Your power."

"H-Hindi niyo ako magagamit sa g-gusto niyo. .." Wala akong makita kundi ang puting ceiling na nakakasilaw. Bukod pa 'ron ang aking paningin ay malabo na 'rin. ..

"Since you keep asking what do we want from you, we'll going to explain it now." He faked a cough. "You're a princess from house of Rinaldi. Makapangyarihan ang pamilya niyo diba? Ganito kasi 'yan. Our drug can control any people. Dead or alive." He laughed.

Alisin niyo ako dito. Please. Please.

"Kahit patay ka na, once na maturukan ka ng likidong ginawa ng katulad namin, ay diretsong mamumuo 'yon sa utak mo at gagawa ng isang maliit na chip don. .."

"A-Ayoko. .."

He chuckled. "Wala kang magagawa! At. Pag na-control ka namin, pwede ka naming gamitin para patayin ang nabubuhay na Rinaldi's ngayon. Tapos ikaw ang magmamana ng trono. ..at! Pag nangyari 'yon ay doon papasok ang imbensyon namin na droga. Gagamitin mo ang kapangyarihan mo para kumalat 'yon. ..At pag nasa-igawa mo 'yon. ..Mamumuno kami sa mundo!" He laughed. Punong-puno ng kasakiman at pang-aangkin ang boses nito.

Doon ako nakaramdam ng takot. Sa mga kwento niya, hangarin para sa bayan. Para sa mga tao. Bakit? Bakit may mga taong sakim sa kapangyarihan?

"Ayaw mo ba 'non?" Agad akong umiling sa tanong niya. He sighed. "Kaya nga pilit namin ginagawang perpekto ang drogang ito. Para ma-kontrol ka namin at ma-isagawa na ang napakatalino niyang plano."

Pinilit ko ang aking sarili na ngumisi. Nilalabanan ko ang aking antok na nararamdaman. Lumaban ka.

"Kung ma. ..gagawa m-mo."

"Kung hindi ka susunod, wala kaming magagawa kundi operahan ka para lagyan ng chip sa kokote mo. Epektibo naman 'to sa normal na tao." He laughed. "Kaya ikaw ang napili namin sa una, kasi gusto lang namin ma-perpekto ang droga. Ngayon? Gusto naming maghari sa mundo. Naiintidihan mo ba, ha?"

"Ayoko. Di niyo ako mapipilit!" Nakaramdam ako ng kirot saking lalamunan dahil sa biglaan kong pagsigaw.

"Oh dear. Hindi mo kailangan magpapilit." He laughed. "Ooperahan ka namin sa pinakadahan-dahan na paraan."

"Inaantok na siya." Wika ng isang babae. "Mukhang sumusunod siya sa ini-set mong system."

"Itong ginagawa niyo sakin. ..Sino ang may gawa? Sino ang may utos?" Pilit kong nilalabanan ang antok na nararamdaman ko. No. Please.

"Malapit lang siya sayo."

Kinabahan ako sa sinabi nito. Malalapit na tao? May kaibigan akong traydor?

He laughed. "I'm sure you will be surprised. Hindi mo inaasahan na siya ang gagawa sa'yo nito." Iling niya pa.

"S-Sino. .." Hindi ko kilala ang lalaking ito. Maski sa tinig niya ay hindi. Kahit nakaface-mask ito ay ramdam ko na hindi ko siya kilala.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon