Chapter 48

4.9K 135 19
                                    

"Aba. .." Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Rama. "Mukhang feel at home ka na sa kuta namin 'ah. Are you not even scared with that?"

I smiled. Sa totoo lang? No.

"Bakit ba? Gusto ko maglibot eh."

"Pwede kang mamatay dito. Anytime."

"Susunod rin iyong taong papatay sa'kin." Halakhak ko.

Napangisi siya. "Hangin, Lumiere 'ah."

"Hehe." Nilingon ko ang aking dinaraanan. Nasa isang garden kami. ..Well, hindi siya mukhang garden dahil malawak na tuyong lupa na lang ang narito, at isang puno. Pero sabi ni Marcus, garden daw. May mga naglalakihang tao rin ang nakapalibot sa'min, pero nakayuko ito.

"Kamusta na kayo ni Avy?" Tanong ko dito.

Sumimangot lang ito bilang sagot kaya napangiti ako. "Ah. Speaking of that. Pinagtatakpan ka pa rin nila sa mga bodyguards mo. Pinapahirapan mo si Avy."

"Sorry naman. .."

"That's okay. Pero pwede bang tumawag ka sa bodyguards mo ulit ng hindi ma-praning? Kinukulit nila si Avy! Nahihirapan siya, at kaunti na lang babarilin ko na sila." Lalo siyang sumimangot.

Ahh. .. Naiinis siya sakin dahil nahihirapan si Avy. "Okay. Gagawin ko 'yan."

Mahirap na. Pag nagmamahal ang isang tao, walang tama at mali. Baka gawin niya iyong sinabi niya kanina 'no.

Tumango-tango ito. "Good." At nagpaalam na ito upang umalis.

Medyo nag-away pa kami ni Rama noong nakaraang araw. Dahil daw pinigilan ko si Marcus sakanyang 'business'.

I mean, human trafficking iyon! Baliw ba ang Rama na 'yon? Mabuti na nga at medyo ayos na kami ngayon. Di tulad dati, sobrang sama ng tingin niya sakin. Err.

Two weeks na akong nasa piling ni Marcus and I can say na to be with him is great. Kahit minsan ay nakakatakot siya; dahil sa trabaho nito, pero alam kong mabuti siyang tao. Kahit siya ay isang hot na mafia boss.

"Hello?" Bungad ni Manong guard sa kabilang linya.

"Kuya. .." Nakatingin ako sa malawak na kalangitan. Nandito ako ngayon sa garden. Waiting for my Marcus.

"Ma'am!!"

I chuckled. "Pwede ba Manong? Wag niyo nang kulitin si Avy. Nabe-beastmode ang boyfriend niya."

"Miss Lumi! Kailan po ba kayo babalik?"

"Manong! Nagbabakasyon ako kela Avy. Gusto ko munang mapalayo sainyo kaya ako humiwalay. Kaya sana maintindihan niyo. Bye po!"

"Hey. .." May bumulong sa tenga ko kaya bahagya akong napalayo, pero agad din niyang hinaklit ang beywang ko.

"Anong trip mo? Manggulat?" I pouted. Wala lang. Gusto ko magpacute.

Agad akong napailing sa naisip kong iyon. Ano ka ba, Lumi? Lumalandi na? Parang kailan lang gusto mo na siyang patayin, at ganon rin siya. ..Tapos nalamang mong Mafia Boss siya, at tanggap mo, tas ganito? Ang sweet niyo? Seriously? Yie enebe.

"Saan ka galing?" Tanong ko dito. Kasi naman, wala na siyang sinasabi. Parang kuntento na siyang nakayakap sakin.

Agad naman akong kinilig sa inisip ko. Malala ka na Lumi. Ang lakas mo maka-teenager.

"Business. .."

Humarap ako sakanya at nilambitin ang sarili. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko, at ang cute niya sa reaksyon niyang ganon.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now