Kabanata 3

15.3K 337 23
                                    

Kailangan ko siyang mapangiti.

Ano 'bang bagay ang makapagpapa-ngiti sa simangot na 'to? And in the first place, kaya ko ba 'to?

Kaya ko bang paamuhin ang lalaking 'yon?

Nandito pa rin kami sa. ..ewan ko kung anong lugar 'to pero mukhang tambayan 'to ng mga taong hindi pwede mawalan ng baril sa tagiliran nila. Na parang sasabak sila sa giyera.

Pero nakakalimutan ko na mga goons sila dahil sa mga asaran at tawanan nila.

Parang mga mag-tropa lang tapos mamaya pag nabanas magtutukan ng baril.

"Verix! Bato-bato pick tayo!" Sabi nung Rama. Halatang lasing na siya habang inaakbayan yung Verix na wala na rin sa sarili. "Alam mo na yung parusa pag talo!" Naghiyawan lahat ng lalaki kaya naman napatayo ako mula sa pagkakaupo sa lamesa para maki-usisa.

"Bato, bato, PICK!" Sigaw lahat ng mga lalaki na naroon kaya napangiti ako at tumawa. Parang mga bata.

"Oh, talo si Verix!"

Nanlaki ang mga mata ko ng sapakin ni Rama si Verix. Hala! "Marcus!" Bigla ko na lang nasabi. Aba, mag-aaway ang mga under niya!

Tumawa si Verix. "Tangina, bakla sumapak!"

"Fuck you, sa dami ng muscles ko kaya kang durugin nito!" At tinaas nito ang braso niya at pinakita ang mga masasarap na muscles.

Aish. Kumunot ang noo ko sa kayabangan nila. Mga lalaki talaga, kakaiba ang libangan.

Nagbato-bato pick sila and this time, si Rama ang talo kaya siya sinapak ni Verix.

Napanganga na lang ako ng mapagtanto ko yung nilalaro nila. Ano, isip bata lang? Pag natalo, sapak?

Lumapit muli ako kay Marcus na tahimik kumakain ng sundae. Oo, kanina pa 'yan. Hindi kaya 'yan magkaroon ng toncilitis? Nakita kong nakapatong sa lamesa ang apat na baso ng sundae na wala ng laman at pang-lima na niya yung kinakain niya.

"Marcus, dito ka ba nakatira?" Tanong ko sabay upo sa lamesa. Siya nama'y nasa gilid ko habang kumakain ng sundae na strawberry ang syrup.

Doon lang siya nakatingin at parang doon nakatuon ang buo niyang atensyon. Ano? Siguro kahit tao ako, hindi rin ako papansinin nito dahil sa kinakain niya.

"Marcus, nagsasapakan yung mga under mo. Baka naman mabalian sila?" Sabi ko sakanya.

Hay, ang hirap pag naging multo.

"Paano nga ba kita mapapangiti? Ano bang bagay na nakapagpapangiti sayo? Kailangan na natin umuwi ng may malaman naman ako na bagay tungkol sayo, at ng makita mo ako! Bakit ba kasi naputol yung bagay na nagc-connect sa atin? Tss, kasi nga diba, ang short tempered mo kaya na bad shot agad ako sayo!" Tinignan ko ang singsing na nasa kamay ko. May itim na buhangin 'don.

Napasimangot ako. Kaya ko ba talaga ang misyon na 'to? Kung ibang tao lang, baka kaya ko pa. Pero si Marcus, parang ang hirap naman niya i-please pero ang daling inisin.

Kaya ko ba talaga ang misyon na 'to? Can I tame this Marcus Goncielo?

Tahimik na tumayo si Marcus sa upuan niya kaya naman napatayo rin ako. "Oh, saan tayo?"

Pero agad siyang nagtungo sa pinto at umalis pero narinig ko ang mga sigaw ng kasamahan niya.

"Bye Boss!"

Kumunot ang noo ko. Pati pagpapaalam ayaw niya? Ano ba naman 'yan.

Ano kayang magpapahina sayo, Marcus? Tinahak ulit namin ang pasilyo na punong-puno ng mga goons na parang may binabantayan, o sasabak sila sa giyera.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now