Chapter 25

55 1 0
                                    

CHAPTER 25

Nung pumasok kami sa elevator, napansin ko na yung ibang kasabay namin eh nakatingin sakin..

Parang alam ko na kung bakit..

Yumuko nalang ako para hindi ko Makita yung reaction ng mukha nila.

Tapos narinig ko nalang na nagbubulungan sila.

Tumabi sakin si Russell.

Bayaan mo sila. Di naman totoo diba? Di ka naman MALANDI. Inemphasize nya yung salitang malandi para marinig nung mga babaeng nagbubulungan.

Tumigil ang mga babae sa pagbubulungan..

Nung nasa ground floor na ang elevator lumabas kami kagad ni Russell.

Ang bilis naman kumalat ng balita.. pano nila ko nakilala.. naglakad ako papalayo sa elevator.

Pumapatak na ang mga luha ko habnag naglalakad ako..

Tumakbo palapit skain si Russell..

Wag ka na umiyak. Akong bahala sayo.. Promise ipagtatanggol kita sa kanila. Hinawakan nya sa dalawa kong braso.

Nakatayo parin kami sa kinaroroonan namin..

Ken, ano nanaman ba to ! ilang beses na ba nating pinag usapan to di ka parin tumitigil!! gusto mo talagang masira ang career mo no ??!

 inangat ko ang ulo ko nung narinig ko ang pangalan na Ken na sinasabi ng lalaki.

Nakita namin sya ni Russell na naglalakad kasama ang isang babae at yung Manager nya.

Napansin nya rin ako kaya napahinto sya sa paglakad.

Nagkatinginan kami..

Napahinto din ang dalawang kasama nya at tumingin sakin.

Rus tara na.  aya ko kay Russell tapos naglakad na ko..

Nakatingin sya sakin habang naglalakad ako palapit sa kanya…

Hindi ko sya tinignan at nilampasan ko sya…

Isa sa pinaka masakit na nagawa ko, ang iwasan sya..

Tumulo ang mga luha sa mga mata ko, dahil nasasaktan ako sa mga nangyayari sakin.

Ngayon, hindi lang ang kalimutan sya ang problema ko.. problema ko na din kung papano ko iiwasan ang issue kung san sangkot kaming dalawa..

Nang makalayo na kami ni Russell kela Ken, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Bakit ganon yung mga tao ??? hindi muna nila alamnin kung ano ba yung totoo??? Ang galing galing nilang magsabi ng kung anu ano. Sa sobrang sama ng loob ko napalakas ang boses ko.

Nasa harap ko padin si Russell, pinakikinggan ang mga hinanakit ko.

Totoo na magkasama kami! Pero wala naman kaming ginagawang masama eh.. ang sakit lang isipin na sobrang makapanghusga yung mga tao diba??  Umiiyak kong sinabi kay Russell.

O bakit ikaw, nandito ka pa??? iwan mo nalang ako. Sa sobrnag sama ng loob ko napagbuntunan ko si Russell ng galit ko.

Bakit ako nandito?? Kasi mahal kita! Hindi naman ako naniniwala sa siansabi nila eh kasi alam ko yung totoo! Diba lagi ko naman sinasabi sayo na nandito lang ako, pero pinagtatabuyan mo ko! Ano ba kasing meron sya na wala ako??? Sya nga iniwan ka nya sa ere eh! eh ako????? Lagi akong nandito….. kaso hindi mo naman ako napapansin.. tapos sasabihin mo sakin ngayon iwan kita… umiyak sya sa harap ko.. at batid ko sa mukha nya na sobra syang nasasaktan.

Alam mo pareho lang tayo ng sitwasyon. Mahal mo sya, mahal kita.. hindi ka na mahal, hindi mo ko mahal.  Dagdag nya pa.

Nabigla ako sa mga sinabi nya, at nasaktan  dahil totoo lahat ng yon..

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, dahil nasaktan ko sya.. hindi ko naman sinadya yung mga nasabi ko sa kanya eh.. nadali lang talaga ako ng emosyon ko.

Kung nagawa ka nyang iwanan sa ere ng ganun ganun nalang, pwes ibahin mo ko.. kasi ako mahal kita, handa akong samahan ka, kahit na masakit sakin na alam kong hindi mo mababalik yung pagmamahal ko sayo.. ok lang sakin basta para sayo. Alam ko na sobrang seryoso at tapat sya sa sinasabi nya..  pero ayoko syang gamitin at lokohin..

Nakatayo parin sya sa harap ko at hindi umaalis..

Alam kong hinintay nyang magsalita ako..

Pero hindi ako nagsalita.

Sa halip ay tumakbo ako palabas..

Wala na kong pakialam kung Makita ako ng mga tao na umiiyak..

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naisip ko.. bakit hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ng sariling bestfriend ko…. Bakit??????

Ayokong isipin na nagbago na sya pero, parang ganun na nga ang nangyari..

Nag-iba na ang lahat, pati na ang pagkakaibigan namin..

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now