Chapter 15

55 0 0
                                    

CHAPTER 15

Sir eto na po ako sila Karen po and the other casts papasok nadin po. Nagulat ako sa nakita ko. Si Ken, si Ken ang nakita ko. Nabigla ako… kinabahan at syempre nanlambot nanaman.. tumalikod ako kagad para hindi nya ko Makita.

Bakit? May nakita ka bang di dapat Makita? Tanong sakin ni Russell.

Ha?? Ano?? Wala ah.. hindi hindi.. aayusin ko lang tong SLR ko. Nagpapalusot kong sagot.

Narinig ko na nagsidatingan na rin ang iba pang artista na kukuhanan ni Mr. Warren.

Ahh.. the both of you come here. Tinawag kami ni Mr. Warren.

Di ko alam kung papano ako tatayo at lalapit sa kanila, yung totoo kasi, hindi ako handa na Makita si Ken sa ganitiong sitwasyon… Badtrip talaga ang timing ng lahat.. nananadya.

Tara Dana tawag tayo. Aya sakin ni Russell.

Tumayo ako, tapos naglakad ako ng nakayuko kasabay si Russell.

Guys, I want you to meet my trainees. Pinakilala kami ni Sir Warren kela Ken.

Ui, bat ka nakayuko. Tinapik ako ni Russell.

Obviously hindi ako makaangat ng ulo kasi makikita ako ni Ken.

Naramdaman ko na sinisilip ako ni Ken, kaya lalo akong yumuyuko.

Dana?? Narinig kong sabi sakin ni Ken.

You know her?  Tanong ni Sir Warren kay Ken.

Wala na kong nagawa kundi iaangat ang ulo ko.

Ui! Kaw pala Ken, long time no see. Alanganin pa yung ngiti at reaksyon ko nung nakita ko sya.

Hey, its you. Hi!  Lumapit sakin si Karen at nagbeso.

Sus. Nagbeso pa sakin tong babaeng to. Sabi ko sa isip ko.

Nginitian ko lang si Karen para hindi halatang inis ako.

She’s my close friend, sir. Sinagot ni Ken ang tanong sa kanya ni sir Warren.

Wow, what a coincidence, ok yan para maging maganda ang takbo ng mga trabaho natin. By the way this is Russell. Ipinakilala naman ni sir Warren si Russell sa kanila.

Nakipag handshake si Russell sa kanila. Pati na rin ako.

Bago magstart ang photoshoot, kami ang nagset up ng mg props ni Russell.

Close pala kayo ni Ken no. sabi nya sakin habang tinutulungan nya kong buhatin ang mga props.

Hindi ko kagad nasagot si Russell kasi nakatingin ako kela Ken at Karen at sa iba pang cast ng show nila na nagkukulitan.

Hoy! Matunaw naman. Biro sakin ni Russell.

Ha?? Ano nga yung sinasabi mo?? Tanong ko sa kanya.

Wala sabi ko ang ganda mo. Tumingin sakin si Russell at tumawa.

Sus! Baliw Karin no. tumawa ako at tinapik sya sa braso.

Nang matapos na kami sa pagseset up nagsimula na ang photoshoot.

Masasabi ko talaga na napaka professional ni Sir Warren, at napaka galing.

One shot lang, PERFECT agad. Una nyang kinuhanan ang mga minor casts ng show.

Pagkatapos nila ay si Ken na ang sumunod.

Lumabas si Ken galing sa dressing room.

Wow grabe ang gwapo nya talaga. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya.

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now