Chapter 17

63 1 0
                                    

CHAPTER 17

Apat na linggo, apat na linggo na ang lumipas nung huli kaming magkita ni Ken..

Apat na linggong wala syang text..

Apat na linggong palaisipan sakin kung ano ba yung sinasabi nya sakin..

Eto na ba yon??? Yung sinasabi nyang wala sanang magbabago……..

Ui!  Tinapik ako ni Russell.

Oh?? Bakit??  Tanong ko sa kanya.

Tulala ka nanaman ano nanaman iniisip mo, wala atang araw na hindi kita nakikitang nakatulala eh. Umupo sya sa tabi ko..

Hindi ah! Di naman ah.. baliw ka talaga. Natatawa kong sabi sa kanya.

Bakit kasi hindi mo ishare sakin yang nasa isip mo para hindi ka laging nganga. Ngumiti sya sakin.

Nako wag na.. sakin nalang to.  Sagot ko sa kanya.

Bakit?? Di mo ba ko pinagkakatiwalaan?? Okay naman ako ah. Tumitig sya sakin..

Medyo nailing ako sa tingin nya.. buti nalang dumating na si sir Warren..

Guys be ready, magiging busy ako ngayon.. kaya kayo ang pupunta mamaya. Umupo sya sa desk nya at parang may hinahanap.

Ah sir san po kami pupunta mamaya? Magalang na tanong ko sa kanya.

Sa Presscon. May important matters akong aasikasuhin mamaya with my client  that’s why I cannot go there. Sabi nya samin.

Ah sir ano pong ipapagawa nyo samin don? Tanong naman ni Russell.

Simple. Magsulat kayo ng write ups tungkol sa mangyayari sa presscon, and then take pictures. Kayo ang magaayos nyan at isusubmit nyo sakin. Kapag nagustuhan ko then ilalagay ko sya sa column ko sa newspaper. Pag hindi, no grade. Seryosong sabi samin ni sir.

By the way the presscon will start at exactly 3pm. Dapat 2:30 palang andun na kayo.. para hindi kayo maagawan, bring these identification cards para hindi kayo harangin ng mga guards. Iniabot nya samin ang mga ID.

Okay po sir, we will do our best. Nakangiting sabi k okay sir Warren.

Good.. I’m expecting for a professional work. I’ll go ahead. Mag lunch muna kayo, see you tomorrow. Lumabas na kagad si sir.

Nakalimutan natin itanong kung sino magpepresscon no?? di bale makikita naman natin mamaya. Sabi sakin ni Russell.

Lumabas na kami ni Russell ng office ni sir at naghanap ng makakainan.

Rus dito nalang tayo, nakakatamad maglakad eh. Sabi ko sa kanya.

 Sure, ikaw pa. nakangiting sagot nya sakin.

Umorder na kami ng makakain..

Dana, may boyfriend ka na ba?  Seryosong tanong sakin ni Russell.

Nasamid ako sa iniinom kong tubig dahil sa tanong nya.

Ha??? Ako? Wala mo, walang nagkakamali. Umuubo ubo pa ko.

Ahh… ano kasi.. ahh.. alam mo kasi.. ano eh.. paputol putol nyang sabi, at kung san san sya tumitingin.

Anong ano?? Di kita maintindihan. Alien talk ka nanaman. Biniro ko  sya.

Seryoso kaya ako. Wag mo kong guluhin. Sumeryoso ang boses nya.

Nagulat ako sa kanya, dahil hindi ko pa sya nakikitang magseryoso ng ganun.

Dana kasi, alam ko nahahalata mo naman… na ano… na… na… I like you. Yumuko sya at nagtakip ng mukha.

Ano?! Anong sinabi mo?? Nabigla ako sa sinabi nya..

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya.. kasi wala naman akong nararamdaman para sa kanya.

Sabi ko I like you… pero hindi naman kita pinipilit eh. Wala lang sinabi ko lang, ayy.. wag mo na nga isipin yun. Nagkamot sya ng ulo nya.

Wala akong nasabi sa mga narinig ko galing sa kanya, hindi ko kasi alam kung papano ko sasabihin sa kanya na, may mahal na kong iba.. at lalong hindi ko masabi sa kanya na si Ken yun..

Hindi kami nagusap ni Russell habang kumakain, hindi rin sya tumitingin sakin hanggang sa matapos kami kumain.

Pagkatapos naming kumain, eh agad na bumalik kami sa office para kunin ang mga gamit namin..

Pumunta na kami sa studio kung san gaganapin ang presscon..

Forever yours.  binasa ko ang tarpaulin banner na nasa labas.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay tumambad samin ang poster ng casts.. kung saan bida sina Karen at Ken.

Nagulat ako, dahil hindi ko expected na eto pala ang presscon na pupuntahan namin..

Nanlamig ang buong katawan ko..

Maraming mga photographers, media, at reporters na nasa loob, hindi kami nakaupo dahil napuno na ng mga reporters ang upuan at tsaka medyo late nadin kami nakarating.

Sa may bandang likod na kami nakapwesto.

Dito nalang tayo. Para kita natin sila. Marahan akong hinila ni Russell sa pwestong sinasabi nya.

Saktong 3:00 nagsimula ang presscon..

Pumasok na ang lahat ng casts, kasama na si Ken, at Karen.

Nagpagusapan naming na ako ang magtatake ng pictures at si Russell naman sa write ups..

Ang unang mga tanong ng reporter ay para sa mga ibang casts..

Panay ang kuha ko ng mga pictures.. pero ang pinaka madami ay kay Ken..

Good afternoon Ken, gusto ko lang itanong, at para maging clear nadin sa lahat ang issue na ito, ken, kayo na ba ni Karen. Tanong ng isang reporter.

Ngumiti si Ken..

Utang na loob Lord, wag po sana yung ayokong marinig.. please po.. sabi ko sa sarili ko habang hinihintay ko ang sagot ni Ken.

Nanlalamig ang buong katawan ko.. at sobrang kabado ako.. sobrang takot na marinig ang isasagot nya….

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now